GORGY RULA
Puno ang grand ballroom ng Okada Manila noong Lunes, October 30, 2023, kung saan ginanap ang VIP night ng Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Ang mahal pa naman ng tickets dahil may dinner at meet-and-greet kina Sharon at Gabby.
Pero sobrang nag-enjoy ang fans nila sa pakilig nilang dalawa, at ang komento raw ng ibang nakapanood, nakakakanta raw pala si Gabby.
May nagkuwento rin sa amin na ang ibang nanood sa Okada Manila ay nakapanood na rin sa SM MOA Arena nung Biyernes, October 27.
May iba pa raw na sobrang natuwa sa pagbabalik-tambalan ng dalawa, naghahanda na raw sa pagpunta nila ng Cebu para makapanood din daw sila sa November 17.
Pero iba pa rin talaga ang una nilang show sa SM MOA Arena dahil sa masayang segment kasama ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Nakatsikahan namin si Ogie sa media conference ng talent niya sa A Team na si Poppert Bernadas.
Ikinuwento niyang kinausap daw sila ng direktor ng concert na si Paolo Valenciano kung paano nila gawin itong segment na magpapakilig sa ShaGab fans.
Aniya, “Kinausap ako nung direktor. Sabi niya, 'Tito Ogie...’ tito kasi ang tawag niya, ‘Can you make sure na organisado yung... kasi ahh... crucial yung part na yun, e.'
“I guess it was important na maintindihan ng tao na... yung kilig, di ba? Ilabas natin yung kilig. Pero huwag naman yung OA. Yung natural lang, I guess."
Medyo safe daw kasi ang mga inihandang itatanong nila. Kaya nag-isip daw siya ng ibang tanong na alam niyang gustong marinig ng fans kung ano ang sagot.
"Aaminin ko yung tanong kung 'Nagmamahalan pa ba kayo?' in-adlib ko lang yun. Sorry po," napangiting pakli ni Ogie.
"Pinag-iisipan ko talaga sa likod... 'Ano kaya?' Kasi nung binabasa ko yung questions, parang ang safe, di ba?
“E, gusto mong, siyempre pakiligin yung tao. E, alam naman ng tao kung ano yung totoo, di ba?" sabi pa ni Ogie.
Pinag-uusapan ang posibilidad na itu-tour itong Dear Heart concert sa Amerika at iba pang bansa.
"Sama sana kami," pabirong tugon ni Ogie.
All-out naman ngayon ang suporta ni Ogie sa concert ng talent ng A Team niyang si Poppert Bernadas dahil panahon na raw na mabigyan ito ng solong concert.
Sa November 11 ang concert na gaganapin sa Music Museum. Pinamagatan itong Who Put The Pop in Poppert.
NOEL FERRER
Sabi pa ni Ogie, hindi nila inarte-arte ni Regine yung kinikilig sila sa mga sagot nina Sharon at Gabby.
Yung tanong daw niyang “Mahal niyo pa ba ang isa't isa?” ay doon na raw inihagis ni Ogie ang upuan.
Nauna si Regine na naghagis ng silya dahil sa sobrang kilig.
Kuwento pa ni Ogie, “So, tumayo na si Gabby, siyempre nagsisigawan na. Hinagis ko yung upuan.
"So, nung the next days sa TikTok, yun yung laman ng TikTok. Sabi ko, nagba-viral yata yung portion na yun.
"Nakakatuwa kasi, kinikilig yung mga tao. And I guess, na-accomplish namin yung dapat naming gawin which was to... para kaming marites dun na fan, no?
“Na gusto naming marinig yung gusto nila. All for the sake of fun. Wala namang ano dun.
"Wala. Actually, sinimulan ni Regine yun. Hinagis niya. 'Uy! Huwag mo ihagis yun, wala nga tayong bayad dito, no!’
“'Tapos yung ginawa ko, tinapon ko talaga yun... ang ganda, kasi si Sharon was game, lalo naman si Gabby. Nakakatuwa!
“Wala talaga sa script yung part na yun. Pero ano lang yun, for the sake nga of fun. Kasi nga, as a fan, gusto mong marinig sa kanila.
"Yung kilig namin ni Regine, hindi arte yun! Totoo talaga yun! Nakakakilig kaya sila."
@thealcasids ikalma nyo ogre haha #reginevelasquez #ogiealcasid #sharoncuneta #gabbyconcepcion #ogre #shagab #dearheartconcert #dearheart #fyp #fyp??viral ? original sound - ogieregine's ??
Dahil sa nakakakilig na kuwento ni Ogie, pagkatapos ng media conference na iyon ay tumuloy na sa Okada Manila si Poppert para mapanood itong Dear Heart concert.
Sayang, FOMO (Fear Of Missing Out) ako dahil Team Bahay ako.
JERRY OLEA
Pinaka-highlight siyempre ng Dear Heart concert noong Friday sa MOA Arena ang pagsasama-sama nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, at KC Concepcion sa entablado.
Nakakaiyak ang impromptu duet ng mag-inang Sharon at KC ng "Ikaw" habang magkayakap, at pinagmamasdan sila ni Gabby.
Walang ganun sa VIP Night sa Okada nung Monday. Wala ring chikahan portion with Ogie and Regine.
Wala rin yung production number ni Sharon with Ogie, Erik Santos, and Jeremy Glinoga. Sa Okada, sina ShaGab lang talaga.
Memorable at nakakahalakhak iyong Q&A portion nina Sharon & Gabby with OgRe na may balibagan ng silya habang makabagbag-damdamin ang musical background.
“What was the best part of being married?” ang unang tanong.
Inunahan ni Ogie si Regine sa pagtatanong dahil mas marites pa raw siya kesa kay Asia’s Songbird.
Tugon ni Gabby, yung pagiging father kay KC ang highlight at most exciting part ng kanilang buhay mag-asawa.
Sumang-ayon si Sharon—si KC rin. Ang plano pa raw nila noon ay magkaroon ng walong supling.
Inalala nina Sharon at Gabby yung times na ipinagluluto ni Megastar ang ex-husband.
Ang second question ay si Regine ang nagbato, “For both of you, greatest regret?”
Sabi ni Gabby, wala siyang nire-regret, dahil lahat ng dumating na pagsubok, they turned it around to their advantage. Anuman ang mangyari, ayusin.
Ang third question na si Regine din ang nagsabi, “Do you, guys, have any… parang ano… personal theme song for each other? Di ba, may mga ganun?”
Segue na iyon sa pag-awit ni Sharon ng Odette Quesada song na "A Long, Long Time Ago."
Kapagkuwan ay humirit si Ogie, “Bago ko itanong ang susunod na tanong, ito naman, simple lang. Simple lang, answerable by yes or no lang, ha? “
Mahal nyo pa ba ang isa’t isa?”
Ang lakas ng tilian at hiyawan ng fans sa MOA Arena.
Dumagundong!
Himutok kunwari ni Gabby, hindi niya iyon nabasa sa script.
Sundot ni Ogie, “Ganito, ganito, ganito na lang para hindi kayo magsalita. Kung yes ang sagot ninyo sa katanungang yun, tumayo kayo. Ngayon, kung no naman, umupo kayo. Ganun lang.”
Pasubali ni Sharon, iba-iba ng levels ang love. Tumayo si Gabby, kaya tilian at tawanan at kilig-kiligan-to-the-max ang fans.
