PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahalay na video ng poging aktor, kumpirmadong deepfake

Mahalay na video ng aktor, kumpirmadong deepfake
by PEP Troika
Published Nov 2, 2023
Blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA:

Bago mag-Halloween ay nabulabog ang mga veckieng hamog at sosing vadeth sa pagkalat online ng video clip ng isang twentysomething actor na kasama sa isang top-rating teleserye.

Sa maikling video clip, walang saplot ang poging aktor, tumuwad at ibinalandra ang butas ng kanyang werut, bago humarap at iwinasiwas ang kanyang wetla.

Nakakaweng-weng, ineng!

Wala pang 24 oras, isiniwalat ng mga imbexxxtigador na ang video ay deepfake. May resibo!

Nandiyan ang orig na video, na malinaw at mas mahaba. Iyong deepfake na video ay slightly dark.

Sadyang kaduda-duda ang nasabing video dahil ang twentysomething actor ay hindi bortalicious.

May pagka-conservative ito, at sa isang barkada movie na isa siya sa mga bidang aktor ay nag-inarte sa eksenang may butt exposure ang magkakatropa.

Walang-wala sa image ni twentysomething actor na magjajabol siya sa harap ng kamera.

NOEL FERRER:

Noon pa man ay nagkalat na ang photoshopped photos ng mga celebrities and personalities, lalaki man o babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinapatong ang mukha ng celeb sa hubad na katawan.

May mga litrato pa na ang mukha ay inilalagay sa mga katawang nasa compromising positions.

Sa pag-level up ng technology, level up din ang pamemeke. Hindi na lang litrato ang nama-manipulate at nae-edit kundi pati video.

Ingat na rin, kasi may ibang Kapamilya at Kaanak na puwedeng naaapektuhan.

GORGY RULA:

Itong mga ganitong video scandal, fake man o hindi, hindi na gaanong pinapansin ng mga tao.

Pag-uusapan lang sandali, pagkatapos nun, nakakalimutan na at tuloy ang buhay.

Pero tiyak na marami ang interesado dahil ang daming naiinis na dito kay aktor na magaling sa pagkakaganap niya sa sikat na teleseryeng kinabibilangan niya.

Hindi na maawat ang ganitong mga iskandalong ikinakalat, fake man o hindi, dahil pinagkakakitaan na nila ito.

Pinagkakakitaan na rin ng iba ang mga sex video, at saka na lang nila haharapin ang iskandalo kapag kumalat ito. Meron pa raw lalabas, sabi ng isang kaibigang nakausap namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sipatin na lang mabuti kung deepfake o lehitimong tunay.

MORE BLIND ITEMS

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results