JERRY OLEA:
Apat ang nominadong best actress sa 46th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na gaganapin sa Nobyembre 29, 2023, Miyerkules, 5:00 p.m., sa UP Film Institute ng UP Diliman, Quezon City.
Ang mga ito ay sina Max Eigenmann (12 Weeks), Chai Fonacier (Nocebo), Shiela Francisco (Leonor Will Never Die), at Nadine Lustre (Deleter).
Lima ang nominadong best actor — Tommy Alejandrino (The Baseball Player), John Lloyd Cruz (Kapag Wala Nang Mga Alon), Baron Geisler (Doll House), Andrew Ramsey (Ginhawa), at Noel Trinidad (Family Matters).
Apat ang nominadong best supporting actress — Shamaine Centenera (Kapag Wala Nang Mga Alon), Claudia Enriquez (12 Weeks), Bing Pimentel (12 Weeks), at Nikki Valdez (Family Matters).
Lima ang nominadong best supporting actor — Soliman Cruz (Blue Room), Dido dela Paz (Ginhawa), JK Labajo (Blue Room), Ronnie Lazaro (Kapag Wala Nang Mga Alon), at Rocky Salumbides (Leonor Will Never Die).
Apat ang nominadong best film — Blue Room, Leonor Will Never Die, 12 Weeks, at Kapag Wala Nang Mga Alon.
Anim ang nominadong best director — Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room), Lav Diaz (Kapag Wala Nang Mga Alon), Martika Ramirez Escobar (Leonor Will Never Die), Anna Isabelle Matutina (12 Weeks), Carlo Obispo (The Baseball Player), at Mikhail Red (Deleter).
Anim ang nominadong best screenplay — Lav Diaz (Kapag Wala Nang Mga Alon), Martika Ramirez Escobar (Leonor Will Never Die), Jason Gray at Chie Hayakawa (Plan 75), Siege Ledesma at Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room), Anna Isabelle Matutina (12 Weeks), at Garret Shanley (Nocebo).
Anim ang nominado sa best cinematography — Neil Daza (Blue Room), Ian Alexander Guevara (Deleter), Jakuub Kijowski and Radek Ladczuk (Nocebo), Larry Manda (Kapag Wala Nang Mga Alon), Carlos Mauricio (Leonor Will Never Die), at Hideho Urata (Plan 75).
Anim ang nominado sa best editing — Lawrence Ang (Leonor Will Never Die), Tony Cranstoun (Nocebo), Vanessa de Leon (Blue Room), Zig Dulay (The Baseball Player), Goncalo Ferreira (Kapag Wala Nang Mga Alon), at Nikolas Red (Deleter).
Apat ang nominadong best production design — Lav Diaz (Kapag Wala Nang Mga Alon), Marxie Maolen Fadul (Blue Room), Eero Yves Francisco (Leonor Will Never Die), at Benjamin Padero (Nocebo).
Tatlo ang nominadong best music — Mikey Amistoso at Jazz Nicolas (Blue Room), Alyana Cabral, Pan de Coco at Joseph Salcedo (Leonor Will Never Die), at Jose Buencamino (Nocebo).
Pito ang nominadong best sound — Kristian Eidnes Andersen (Nocebo), Armand de Guzman (Deleter), Corrine de San Jose (Leonor Will Never Die), Jannina Mikaela Minglanilla at Michael Keanu Cruz (Blue Room), Alex Tomboc (The Baseball Player), Wildsound Studios (Ginhawa), at Wildsound Studios (Nanahimik ang Gabi).
Take note na kapwa nominado ang mag-inang Max Eigenmann at Bing Pimentel para sa pelikulang 12 Weeks, kung saan mag-ina ang papel nila.
Dalawa ang panlaban ng 12 Weeks bilang best supporting actress — sina Bing Pimentel at Claudia Enriquez.
Dalawa ang panlaban ng Blue Room bilang best supporting actor — sina Soliman Cruz at JK Labajo.
Pinakamaraming nominasyon ang Leonor Will Never Die at Blue Room na parehong nakasampu, sumunod ang Kapag Wala Nang Mga Alon na nakasiyam. Nakapito ang Nocebo.
Dalawa lamang ang nominasyon ng Family Matters — best actor para kay Noel Trinidad, at best supporting actress para kay Nikki Valdez.
GORGY RULA:
Sabi nga ni Butch Francisco nang kinumusta ko na kung kailan ang Gawad Urian, sinabi niya sa akin na isang sutsot lang daw siya ni Ms. Tess Celestino-Howard, hindi raw siya makakatanggi. Si Tess ang producer ng Eddys Awards ng SPEED.
Iba na raw talaga ang pinagsamahan nila. Kahit ang SPEEd President na si Eugene Asis ay ang dami na raw nilang pinagkumparehan, kaya ibinigay na nila ang petsang November 26 at maghahanap na sila ng available na araw.
Mabuti at um-okay naman ang UP Film Institute sa November 29.
Ang maganda rito sa mga Manunuri, talagang nasala nang husto ang mga nominees. Kaya natagalan sila sa paglabas ng final list ng mga nominees, dahil ang haba raw ng balitaktakan kung ilan talaga ang mga nominado, at sinu-sino ang talagang pasok sa Top 4, Top 5 o Top 6 na pagpipilian ng winner.
Puspusan na ngayon ang promotion ng sampung entries sa 49th Metro Manila Film Festival. Sana, makikita natin ang mga artista nila sa magkalapit na awards rites ng SPEEd at Manunuri.
Read: Janelle Jamer reacts to Claudine Barretto launching a "witch hunt" against two unnamed people
NOEL FERRER:
Interesting ang listahan dahil pawang mga indie films ang na-cite except perhaps for Deleter performance ni Nadine Lustre produced by Viva Films at Dollhouse performance ni Baron Geisler produced by MAVX Films.
Ibig sabihin, sana makatulong ang pagkakaroon ng awards sa pagdami pa ng viewers at suporta ng mga tao sa mga indie films na sana, dumami pa ang manonood.
Teka, since November 29 na ang awarding ng mga Manunuri at nag-give way na ito sa mas magarbong ceremonies ng Eddys ng SPEEd na may marketing arm, will the Manunuri opt for a more austere but meaningful ceremony na lang? Abangan!
Read: Kaila Estrada, may pakiusap sa mga bumabatikos kay Anji Salvacion
