GORGY RULA
Ibang bading na naman daw ang mapapanood kay Christian Bables sa pelikulang Broken Hearts 'Trip, entry ng BMC at Smart Films sa nalalapit na Metro Manila FIlm Festival (MMFF) 2023.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Sa nakaraang mediacon ng Broken Hearts 'Trip, napag-usapan ang relasyon ng kabadingan dahil iyon ang kuwento ng pelikula.
Hindi namin diretsahang tinanong si Christian tungkol sa posibilidad na pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki, pero sinagot niya ang tanong namin kung naniniwala ba siya sa sinasabi ng iba na walang gender ang pag-ibig.
"Walang gender ang love," kaagad na sagot ni Christian sa amin.
"Ang love ay para sa kahit na kanino... puwede nga siya sa animals, e. I also agree with Direk Andoy [Ranay] that love is for everyone, and for any one.
"Ayun yata yung isa sa mga libreng bagay... bagay ba siya? O basta libre dito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal," dagdag niyang pahayag.
Sinundan namin ng tanong kung bukas ba siya sa posibilidad na pumasok sa same-sex relationship.
"Kung io-open ni God yung heart and mind ko for that, why not?
"Kapag dumating sa punto na kunwari magbukas yung puso ko, yung isip ko sa ganung klaseng pagmamahal, buung-buong puso ko pong tatanggapin yun," sabi ni Christian.
Hindi na namin sinundan ang katanungang yun.
Read: Broken Hearts Trip director, inalmahan ang isyung palakasan sa pagpasok nila sa MMFF 2023
NOEL FERRER
Isa sa mga artista dito sa Broken Hearts' Trip si Direk Andoy Ranay, at ipinaliwanag niya kung bakit hindi lang pambading ang kanilang pelikula.
Tiyak na makaka-relate din daw dito ang mga straight na lalaki't babae. Kagaya ng mga lalaki at babae, ganun din daw ang pinagdaanan ng mga bading pagdating sa kabiguan sa pag-ibig.
"It's all about heartbreaks. Universal naman yung kuwento e. Lahat makaka... eto nga, may family pa, e,” sey ni Direk Andoy.
"Si Petite dito, may anak, na meron din siyang sini-save na relationship.
"Ang maganda dito, diverse yung kuwento. Hindi lang basta sa nilokong bading. Hindi lang sa ganun, e.
"I would like to commend the writers for writing different types of LGBTQIA, in that community na nagri-represent dito sa kuwento.
"Hindi lang sa straight pumapatol o sa bading din pumapatol. At least ito, maiintindihan pa lalo ng mga tao, lalo na yung mga hindi pa nakakaintindi kung ano yung LGBTQIA.
“Kung ano ito, sino ba ito, sino ba sila, paano ba sila magmahal, it's the same. Paano sila masaktan, it's the same, di ba? “Tao rin kami," dagdag niyang pahayag.
JERRY OLEA
Kanya-kanyang trip at eme sa pag-ibig! Kulay-bahaghari ang mga kuwento ng kasawian sa pelikulang ito, lalamuyot sa damdamin at puso!
Sa Parada ng mga Bituin ay inaasahan nating maligaya ang mga ganap sa float ng Broken Hearts' Trip. Meron kayang mga borta na magpapa-abs?!
