PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax star Denise Esteban na-trauma nang hinarang sa immigration

Denise Esteban hinanapan ng birth certificate ng ina.
by PEP Troika
Published Nov 8, 2023
denise esteban japino
Denise Esteban on her immigration experience: “Hindi ko alam, pinag-trip-an po ata ako nung ano. Pina-send po yung birth certificate ng mom ko, birth certificate ng tita ko, marriage contract, ID ng tatay ko, kung anu-ano talaga. Yun lang po, before nung ako ano, nung malapit nang umalis yung plane, pinaalis din po ako. Pinapasok na rin po ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Hinarang sa immigration si Denise Esteban noong Enero 2023 na papunta siya sa Japan para magsyuting doon ng mga pelikulang Hosto at Japino.

First time noon na lalabas ng bansa si Denise. Wala pa siyang experience sa immigration.

“May kulay ang buhok ko noon, tapos ano, orange! Parang akala nila, magti-TNT talaga ako dun,” pagtatapat ng 20-anyos na Vivamax star sa mediacon ng Japino nitong Nobyembre 7, 2023, Miyerkules, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Quezon City.

“Kaya medyo nahirapan po ako dun. Mga 30 minutes akong pinakaba sa immigration.”

Immigration sa Pilipinas ang nag-hold kay Denise, hindi Japan.

“Kinausap po ako nang masinsinan. Umabot pa po kami sa birth certificate ng nanay ko,” pagpapatuloy ni Denise, na tubong-Baguio City.

“Nung nandun na po kami sa airport, una siyempre, kinakabahan na po ako. Kasi marami po akong napapanood na hino-hold talaga.

“Tapos nung nandun po ako, tinanong ako, ‘Anong pinunta mo dito?’ ‘Action po, ganito, ganyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos hindi ko po alam yung iba kong isasagot. Siguro nakakita sila ng konting ano, na bagay na gusto nilang punahin.

“Tapos pinunta po ako dun sa parang cube na kinausap po ako nang masinsinan, ‘Anong gagawin mo sa Japan? May kamag-anak ka ba dun?’

“Tapos sabi ko, ‘Opo! Nandun po yung kapatid ng nanay ko. Nandun din po siya,’ ganito-ganyan.

“Tapos siyempre, nag-check po sila ng bank statement. E, walang laman yung bangko ko. So… e, for tourist, siyempre kailangan may pera pag ano, di ba? E, walang laman! Nasa ano lahat.

“Tapos ayun, yung surname kasi ng tita ko dun, iba sa surname ng mom ko. So, parang nagdalawang-isip sila.

“Akala nila, yun yung magbubugaw sa akin sa Japan. Kaya parang hinold ako dun nang mga ilang minutes.

“Pinakawalan ako mga 10 minutes before umalis yung ano siguro, kaya sobrang kaba. Kasi pag naiwan ako, wala na. Papalitan na ako,” natatawang salaysay ni Denise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po, yun ang ano, basta hinold po ako. Ibang klaseng experience po yun.”

Paano siya nakalusot?

Mabilis na tugon ni Denise, “Hindi ko alam, pinag-trip-an po ata ako nung ano. Pina-send po yung birth certificate ng mom ko, birth certificate ng tita ko, marriage contract, ID ng tatay ko, kung anu-ano talaga.

“Yun lang po, before nung ako ano, nung malapit nang umalis yung plane, pinaalis din po ako. Pinapasok na rin po ako.”

Kumusta naman yung immigration sa Japan pagdating niya roon?

“Sobrang bait po ng mga Japanese people dun sa airport,” sambit ni Denise.

Pakiwari ni Denise, dahil first time siyang mag-a-abroad ay pinagtripan siyang takutin. Hindi ba niya sinabi sa immigration officer na artista siya ng Vivamax?

“Sinabi ko po! Pinakita ko pa nga po! ‘Anong work mo dito sa Pilipinas?’ ‘Nag-aartista po.’ ‘Saan artista?’ ‘Vivamax po.’ ‘Patingin ng mga movie mo.’

“Mabuti na lang po, may Vivamax app ako sa phone, pinakita ko. ‘Ikaw ba yan?’ ‘Opo, ako po ito.’ Tapos yun, ‘OK, punta ka na.’ Yun po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umiyak ba siya?

“Naiiyak na po. Pinipigilan ko lang, kasi baka sabihin nila, ‘Ay! May itinatago ito!’”

Nasa cast din ng Japino sina Angela Morena, Vince Rillon, at Ali Asistio. Streaming na ito sa Vivamax umpisa Nobyembre 10, Biyernes.

Nauna nang mag-streaming ang Hosto noong Hunyo 16.

Kabilang pa sa Vivamax projects ni Denise ang Kaliwaan, Doblado, Kara Krus, Secrets, High (School) On Sex, Star Dancer, Halo Halo X, at Haslers.

NOEL FERRER

Pagbalik sa Pilipinas mula sa Japan, hindi pa nakakapag-abroad muli si Denise.

“Wala pa pong budget, charot!” bulalas ni Denise.

Sakaling humarap uli siya sa immigration ng Pilipinas, matakot o kabahan kaya siya uli?

Tumango si Denise, “Opo! Sobra po! Ano po, last time, pumunta po kaming Bacolod. So, nag-plane po kami. Natatakot ako.

“Hindi ko alam na hindi naman pala dadaan ng ano dun. May trauma pa ako. Sabi ko sa mga kagrupo ko, ‘Sunod ako sa inyo, teh.’ Huwag kayong aalis, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandun pa rin yung takot talaga.”

GORGY RULA

Na-trauma ba si Denise nang slight sa immigration ng airport sa Pilipinas?

“Hindi lang po talaga slight, sobrang trauma po talaga. Takot na takot talaga ako,” sambit ni Denise.

Kaya kahit walang immigration pa-Bacolod at hindi kailangan ng passport, kinabahan sa airport si Denise.

Dagdag na kuwento ng Vivamax star, “E, nung nangyari sa akin yun, after, nagsilabasan sa TikTok yung mga stories nila sa NAIA na ganun ang nangyayari, hinanapan sila ng birth certificate.

“Siguro dapat gumawa ako ng TikTok nun, sinabi ko pati marriage certicicate ng ano, nanay at tatay ko. Ayun po.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Denise Esteban on her immigration experience: “Hindi ko alam, pinag-trip-an po ata ako nung ano. Pina-send po yung birth certificate ng mom ko, birth certificate ng tita ko, marriage contract, ID ng tatay ko, kung anu-ano talaga. Yun lang po, before nung ako ano, nung malapit nang umalis yung plane, pinaalis din po ako. Pinapasok na rin po ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results