PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon & KC Reunite at Dear Heart Concert

Concert nin Gabby at Sharon, masundan kaya ng pelikula?
by PEP Troika
Published Nov 10, 2023
gabby kc sharon
Gabby Concepcion on daughter KC Concepcion (center) and ex-wife Sharon Cuneta (right): “Ngayon lang kami nagsama-sama, yun ang malaking pagbabago. At kung ano man yung mga issues nila na naririnig ko lang din, I hope okay na lahat yun. Yun ang biggest satisfaction ko na maging okay sila. I'm really happy na okay na ang lahat."
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram

GORGY RULA

Pakiramdam ni Gabby Concepcion, malaki ang na-fullfill nila ng ex-wife na si Sharon Cuneta sa Dear Heart concert nila sa SM MOA Arena noong October 27, 2023.

Hindi lang napasaya ang mga ever-loyal fans nila ni Sharon, kundi malaki raw ang nagawa nito sa pagkakaayos ng mag-inang Sharon at KC Concepcion.

Read: Sharon Cuneta apologizes to daughter KC Concepcion for not giving her a "complete family"

"Happy ako, because ito yung chance ko na maging okay si KC saka si Sharon. That was fulfilling. For me, that was the biggest satisfaction na makita ko na maging okay sila," pakli ni Gabby nang nakapanayam namin sa mediacon ng bagong Kapuso afternoon drama na Stolen Life, na magsisimula na sa November 13.

"Nung ni-request ko... nang nakita ko na wala si KC sa program, sa kantahan, I requested kung puwede, maganda kung merong masabi si KC.

"And mukhang na-grant naman, she has changed the whole picture."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay okay na raw sila at kinalimutan na ang kung anumang di magagandang isyu noon, lalo na ang kina Sharon at KC.

Sabi ni Gabby, “Ngayon lang kami nagsama-sama, yun ang malaking pagbabago. At kung ano man yung mga issues nila na naririnig ko lang din, I hope okay na lahat yun.

"Yun ang biggest satisfaction ko na maging okay sila. I'm really happy na okay na ang lahat.

"Kami, okay naman kami, we have two families. It is our relationship na naging family na... well, kaming tatlo, ano?

“That's what I was hoping na mangyari na maging okay tayo. And I think, I've achieved that.

"Kahit wala ako dun to discuss with Sharon on other things, at least may na-solve that evening," sabi pa ni Gabby.

Read: KC Concepcion opens up about her struggles with having broken family: “Minsan, mapi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna."

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iba rin daw ang feeling ni Gabby nung nag-concert sila sa SM MOA, lalo nang pinapanood niya ang video bago ang kanilang opening number.

"Very emotional that evening, especially nung nag-umpisa na yung music. Epecially after watching yung nasa monitor, sa screen, yung audio-visual niya.

"Very touching yun because it is a rewind, fast rewind of our life, naming dalawa," saad ni Gabby.

Nabuhay nga ang Sharon-Gabby fans kaya ang inaasahan ng mga ito pagkatapos ng concert ay pelikula na raw sana.

Read: Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans willing gumastos ng up to PHP25K para sa Dear Heart VIP Night

Pakli naman ni Gabby, "Huwag nating pipilitin. Kung ano yung maging natural, kung ano yung maging normal. Kung may magandang istorya, gawin natin.

"Huwag nating gagawin kung hindi maganda yung istorya because, this will what we'll be remembered after the movie is showing."

Ang mahalaga ay okay na raw sila at masaya na ang lahat, lalo na ang anak nilang si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Let's do everything that we can habang buhay tayo. And then i-maximize lang natin kung ano yung gusto nila, yun ang ibigay natin. Yun lang!

"Malaking desisyon talaga para sa aming dalawa na gawin namin yun, kasi talagang meaningful yung gagawin namin. You gonna go for the right reasons.

“Of course, para sa audience natin yun. We're not gonna be on this earth forever. So, let's all enjoy each other."

If there’s anything, with the Dear Heart concert, it just proved that Sharon and Gabby are still on top of their game!!!

With their fans’ support, sana ma-maintain pa nila ito, at sana nga, movie na ang susunod!

JERRY OLEA

Hindi pa masabi ni Gabby kung magkakaroon ng US tour ang Dear Heart concert.

May mga pag-uusap at may mga inaayos, pero hindi naman daw madali ang lahat.

Ani Gabby, "Hinihintay ko na lang. As soon as siguro pag meron nang mga venue, siguro go na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit wala pa. Alam ko, hindi ganun kadali.

"Pero talagang wala akong clue kung kailan, saan at kung talagang tuloy. Kasi maraming consideration, maraming cities, yung time.

"May mga projects pa kasi in between, may contract pa with GMA. I heard, meron din siyang gagawing pelikulang with Bong [Revilla].

"Everything is up in the air, hindi ko pa alam talaga."

Pinaghahandaan na raw ni Gabby ngayon ang Dear Heart concert nila sa Nustar Convention Center sa Cebu City sa November 17. Kailangan raw niyang mag-ensayo pa dahil aminado siyang hindi siya talaga singer.

"Sabi ko nga dun sa stage, 'I'm an actor and everything that I'm going to do tonight I'm just going to act it out.'

"Mga kinakanta ko, kunsabagay inaral ko naman. Pero kailangan talaga ng voice stretching, voice acting, if you could use that words.

“Kasi kailangan, e. Parang darts yan, e. You have to hit the dot," napangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat si Gabby sa lahat na mga sumuporta sa kanila at umaasang may kasunod pa itong pagsasama nila ni Sharon.

"Maraming salamat sa inyo sa pagtutok through the years. And talagang... I hope na mangyari uli ito.

"It might not be same intensity. Pero yung feeling na ginawa namin o naramdaman namin, hindi mo talaga matutumbasan.

"Maski sa akin, hindi mo ma-describe yung feeling. So, masarap. Maraming salamat nandun kayo lahat. I'm really happy that we made you happy.

"Tulad ng sinabi ko sa stage, and in one of our interviews, pag pinanood niyo kami, naaaliw ho kayo at nakakaramdam kayo ng pagmamahal.

"Kami naman, pag tumitingin sa inyo, ganun din ang nararamdaman namin. Kami ang nanonood sa inyo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion on daughter KC Concepcion (center) and ex-wife Sharon Cuneta (right): “Ngayon lang kami nagsama-sama, yun ang malaking pagbabago. At kung ano man yung mga issues nila na naririnig ko lang din, I hope okay na lahat yun. Yun ang biggest satisfaction ko na maging okay sila. I'm really happy na okay na ang lahat."
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results