PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angela Morena's Sapporo Love Story

Angela Morena: "The experience was magical."
by PEP Troika
Published Nov 12, 2023
angela morena japino
Angela Morena on possibility of falling in love with a Japanese man: "Ang gusto ko sa mga Japanese na lalaki na naka-work ko dun, sobrang marespeto po nila. Kasi, yung character ko dun, dancer ako sa club. So may time na sinasayawan ko sila. Naglalagay sila ng pera diyan sa two-piece ko, sa underwear ko. Naglalagay sila.... So after ng eksena, they’re gonna ask me, ‘Are you OK? May nagawa ba akong ganun?’ Nagulat ako... Ambait po, sobrang marespeto po nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nag-number 1 agad sa Top 10 Movies ng Vivamax ang Japino, na tinatampukan nina Angela Morena, Denise Esteban, Vince Rillon, at Ali Asistio.

Nag-umpisa ang Vivamax streaming ng Japino nitong Nobyembre 10, 2023, Biyernes.

Read: Japino stars iniligtas ng heater sa love scenes nila sa napakalamig na Sapporo

Ang nakakatuwa pa, nasa number 9 naman ang pelikulang Hosto, na silang apat din ang mga bida.

Noong Hunyo pa nag-streaming sa Vivamax ang Hosto, na kagaya ng Japino ay syinuting sa Japan, at nilikha ni Direk Brillante Mendoza.

May isa pang movie sa Top 10 si Angela, ang BJJ: Woman On Top na nasa number 5. Ang leading man dito ni Angela ay si Yuki Sakamoto.

Kuwento ni Angela sa mediacon ng Japino noong noong Nobyembre 7, Martes, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Quezon City, “From the title itself, mga Japino po kami... Mga Japanese-Filipino po kami na nasa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So mga OFW po kami dun na TNT, at hinahanap din po namin yung sarili namin. And for my character po, ako po si Ayu.

“Dancer siya sa club. Pinasukan niya po yung iba’t ibang trabaho dun para lang maka-survive. Boyfriend ko po dito yung karakter ni Ali.

“Ang pinaka-objective ng karakter ko dito kaya ako nasa Japan is because hinahanap ko po yung tatay ko.”

Kumusta ang pagsusyuting ng Japino sa Sapporo, Japan, noong Enero ng taong ito?

Napangiti si Angela, “The experience was magical. Kasi first time ko pong ma-experience yung snow.

“So the challenge talaga was yung sobrang lamig. Umaabot kami ng negative 11 ata doon.

“So, yun ang pinakaano talaga, parang sobrang lamig na halos magyelo na yung buong katawan ko. And yung madulas-dulas ka dun sa bridge. Hi! Hi! Hi!

“And ano, ang kinagandahan po sa Sapporo kahit nag-i-snow nang sobrang malala, talagang pag may nakikita silang snow sa kalsada, tinatanggal po nila para iwas-aksidente. Amazing!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Japino ay idinirek ni Freidric Macapagal Cortez, at nasa cast din nito sina Lara Morena, Takuhei Kaneko, at Tora Hara.

Tuwing Biyernes ay may bagong pelikulang handog ang Vivamax, at every week ay nababago ang nasa Top 10 Movies list.

Ang nasa Top 10 Movies ng Vivamax nitong Nobyembre 11, Sabado, ay Japino, Tuhog, Sila Ay Akin, Haliparot, BJJ: Woman On Top, The Housemaid, Tayuan, Patikim-tikim, Hosto, at Punit Na Langit.

Samantala, ang Top 10 Series ay Halo Halo X, Secret Campus, High (School) On Sex 2, Wag Mong Agawin Ang Akin, High (School) On Sex, Lovely Ladies Dormitory, Secrets Of A Nympho, Sssshhh!, Sex Hub, at Pantaxa Laiya.

NOEL FERRER

Natutuwa si Angela na nakapag-bonding sila nina Denise, Vince, at Ali habang nagsyusyuting ng Hosto at Japino sa Japan.

“After naming mag-shoot, may time po kaming kumain sa labas, bumili ng mga pasalubong, ng kung anu-ano,” lahad ni Angela.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And magkaroon din ng time to learn Japanese language.”

Exciting para kay Angela na magsyuting sa ibang bansa, at challenging dahil ni-require silang mag-aral ng Nihonggo.

Pagsisiwalat ni Angela, “Naiyak ako nung nalaman ko yung roles ko, yung mga characters ko. Kasi ang hirap po nila, sobrang bigat nung mga characters, especially dito sa Japino na may mga kanya-kanyang kuwento.

“May kanya-kanyang lalim, at may kanya-kanyang kapupulutan ng lessons, yung mga characters namin dito.

“And of course, to tell you, this is a true story. Na-realize ko yun. Hindi lang ito nangyayari sa mga pelikula, but it is happening po sa totoong buhay.”

GORGY RULA

Dahil sa mga pelikulang Hosto at Japino, natanto ni Angela na hindi madaling maging OFW.

“I think both OFWs and workers natin dito sa Pilipinas, they need support and appreciation,” saad ni Angela.

“Kasi, alam mo yung simpleng ‘Kumusta?’ lang kapag malayo ka sa pamilya mo, ang sarap sa puso!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi naramdaman ko yun nung ano, e, nung tumawag yung mom ko. Naiyak talaga ako nang sobra, kasi sobrang homesick ko nung time na yun.

“Mag-isa lang ako sa kuwarto, tapos kinukumusta niya ako. ‘Kumusta ka? Kumain ka na ba? Pinapabayaan mo ba ang sarili mo diyan? Huwag mong pabayaan ang sarili mo.,’ ganito-ganyan.

“And ayun, mga bilin. And ang sarap nung mga ganung bagay. And I hope, sa mga may kamag-anak diyan na OFW, I think we should learn to appreciate them, and support them.

“Kasi hindi po talaga madali yung trabaho nila sa ibang bansa at yung malayo nga sa pamilya.”

Ano ang natutunan niya sa Japanese culture na iba sa mga Pilipino?

“Yung work ethics, yung pagiging honest din nila. And yung food, ang sarap!” bulalas ni Angela.

“Yung culture siguro nila na ano, na gusto kong maranasan, e, yung mga festival… Dun sa Hosto, may mga sumasayaw na naka-kimono. Yun yung gusto ko talagang maranasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga events po na hindi namin naabutan. Kasi that time na magpa-fly kami going back to the Philippines, meron silang Sapporo Snow Festival event. Yun yung gusto kong attend-an.

“Kasi before going home here in the Philippines, sumaglit po ako dun… tapos yung mga tao dun, sobrang bait nila. Sobrang friendly po nila.

“It’s not just Japanese people pero iba’t ibang lahi po yung mga nandun attending that event. So napaka-engaging po nila.”

Kasama raw noon ni Angela si Ali, at nag-snow angel sila. Puwede bang ma-in love siya o magpaligaw sa Japanese? Anong ugali ng mga Hapon ang nagustuhan niya?

“I’m open naman po sa mga ganun. And ang gusto ko sa mga Japanese na lalaki na naka-work ko dun, sobrang marespeto po nila,” tugon ni Angela.

“Kasi, yung character ko dun, dancer ako sa club. So may time na sinasayawan ko sila. Naglalagay sila ng pera diyan sa two-piece ko, sa underwear ko. Naglalagay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And alam mo yung, ginigilingan ko sila kasi dancer ako. So after ng eksena, they’re gonna ask me, ‘Are you OK? May nagawa ba akong ganun?’

“Nagulat ako. Ay! Sila pa yung nagtatanong talaga. So, parang nag-aano rin ako, ‘Ikaw, OK ka lang ba na may ano?’ Ambait po, sobrang marespeto po nila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angela Morena on possibility of falling in love with a Japanese man: "Ang gusto ko sa mga Japanese na lalaki na naka-work ko dun, sobrang marespeto po nila. Kasi, yung character ko dun, dancer ako sa club. So may time na sinasayawan ko sila. Naglalagay sila ng pera diyan sa two-piece ko, sa underwear ko. Naglalagay sila.... So after ng eksena, they’re gonna ask me, ‘Are you OK? May nagawa ba akong ganun?’ Nagulat ako... Ambait po, sobrang marespeto po nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results