PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit hindi na presidential adviser si Paul Soriano?

Paul Soriano, may paliwanag sa pagkawala sa gobyerno?
by PEP Troika
Published Nov 13, 2023
paul soriano critics
Sources na malapit kay Paul Soriano, sinasabing pinili umano nito na mag-focus sa paggawa ng mga pelikula kaya nawala sa posisyon niya sa gobyerno.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Ilang beses nag-attempt ang PEP Troika na hingan ng pahayag si Direk Paul Soriano kaugnay sa desisyon niyang pag-resign sa Malacañang bilang presidential adviser on Creative Communications, pero pinili niyang manahimik na muna.

Read: Father and son: Paul and Seve Soriano

May ilang taong close din sa direktor na kinulit namin, pero tatanungin pa raw muna nila si Direk Paul.

Isang kakilala naming malapit din sa ilang taga-showbiz lalo na sa mag-asawang direk Paul at Toni ang nakausap namin, pero ayaw niyang ipabanggit ang pangalan niya.

Pinakiusapan kong isulat namin ito, para makapagbigay lang ng update sa kontrobersyal na direktor.

Maganda ang lumabas na balita tungkol sa pelikula niyang The Fisher na pinuri sa nakaraang Tokyo International Film Festival, saka naman sumabay itong isyung resignation.

Sabi ng aming source, pagkatapos mag-leave ni Direk Paul nung July para bantayan si Toni na malapit nang manganak, hanggang sa nag-decide na siyang mag-resign nung October, napagtanto na raw nitong mas mabuting bumalik na siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-inspire siya sa magandang feedback sa The Fisher sa nakaraang Tokyo International Film Festival at umiikot na ito sa ibang bansa at pagsali sa ilang international film festival.

Kaya gusto na raw niyang bumalik na sa showbiz at tutukan na rin ang production ng YouTube channel ng asawa niyang Toni Talks.

Mahigit 5M views na ang interview nito sa kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Noong Linggo, November 12 ay in-upload sa Toni Talks ang interview nito sa magkapatid na social media influencer na sina Papi at Paye Galang.

Halos naka-1.5M views na ito. Kaya gusto na raw niyang mag-focus na rin sa paggawa ng content.

"Ibang klase yung comeback ni Direk Paul... because it is an expanded version of what he used to do. Aside from film and television work, he now also focuses on content creation.

"May mga pinag-aralan siya nung naka-leave siya. He took courses on new trends on content creation and how to create better synergy between mainstream medium and social media," pahayag ng aming reliable source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaring may kinalaman dito ang pinaghahandaang malaking project na balak niyang ilunsad. Iyun daw ang ating aabangan, dahil talagang pursigido na si Direk Paul sa pagbabalik sa showbiz.

Read: Paul Soriano out as Presidential Adviser for Creative Communications

JERRY OLEA:

Sabi ng source ng PEP Troika na malapit kina Direk Paul at Toni, nagpapasalamat sila sa first family, at maayos ang samahan nila ngayon.

Sa katunayan, magkasama si Direk Paul at ang First Lady Lisa Araneta-Marcos sa opening ng isang dialysis center sa Makati mga dalawang linggo lang ang nakaraan.

"Thankful siyempre si Paul sa mga panahong pagsisilbi niya sa gobyerno. Pero it's better off talaga na sa private sector na siya.

"He has done 500 or so commercials in the past, and he can't wait to go back to going projects and collaborations," sabi pa ng reliable source ng PEP Troika.

Mabuting wala na raw siya sa gobyerno, dahil madalas na siya ang napupuntirya ng mga batikos mula sa mga kumakalaban sa kasulukuyang administrasyon. Hindi siya sanay na kaagad sagutin ang mga ibinabatong isyu laban sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nga siguro siya pang-gobyerno.

"Fulfilling yung work sa government but Direk Paul feels na he is better suited sa private sector.

"Tahimik kasi siya by nature and often nami-misinterpret as aloof. Pero sa totoo lang, friendly si Paul. Walang kaarte-arte sa katawan," bulalas nito.

Read: Toni Gonzaga introduces Baby Polly on Instagram

NOEL FERRER:

Maganda raw ang mga plano nila ni Toni at mabuting dalawa na raw silang nakatutok sa pagpapalaki sa panganay nilang si Seve at ang bunso nilang si Baby Polly.

Ang dami raw kasing napagtanto ni Direk Paul nung naka-leave siya at naka-focus sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

"Having Baby Polly, also made him realize that he needs to protect his family — away from politics.

"Ang mundo ni Paul ay pagiging writer at direktor ng movies at commercials. He is happier doing these. Tahimik pero masaya rin.

"Ang importante, all is well with Paul and the first family. Family will always be a family," sabi pa ng reliable source ng PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero I suppose in time haharapin din ni Paul ang media at lilinawin ang kayang sarili sa mga issue na naglabasan regarding communications, accountability, promotions and even the tourism campaign.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sources na malapit kay Paul Soriano, sinasabing pinili umano nito na mag-focus sa paggawa ng mga pelikula kaya nawala sa posisyon niya sa gobyerno.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results