GORGY RULA
Parehong pinipigilan nina Iza Calzado at Angel Guardian na maiyak sa mediacon ng Shake, Rattle & Roll Extreme nitong Martes, November 14, 2023, sa Valencia Events Place, Quezon City.
Read: Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda join Bianca Umali in Encantadia Chronicles: Sang'gre
Ikinuwento nila kung paano ibinalita ni Angel kay Iza na siya ang gaganap bilang Deia sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Sang'gre: The Encantadia Chronicles.
Sinabi raw iyon ni Angel kay Iza nung last shooting day ng “Glitch” episode nila sa Shake, Rattle & Roll Extreme na idinirek ni Richard Somes.
Si Deia, na gagampanan ni Angel, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
"Alam mo talagang ano, oh my God! What were the chances, di ba? Sabi ko, 'Ikaw si Deia?" bulalas ni Iza.
"Tapos sinabi ko sa kanya, 'Ganito...' Tapos lang niya na-realize, galing pala talaga sa kay Deia.
"Yun, medyo we had an emotional moment... and I did give her all of my well wishes you know. And siyempre, we all need a lot of support.
“Sometimes, you know... marami kasi tayong mga artista na matagal na nandiyan, and all we need is that opportunity. And God has blessed you this opportunity, alagaan mo siya," sabi pa ni Iza.
Pinayuhan ni Iza si Angel na pangalagaan itong panibagong phase ng kanyang career.
"Siyempre, iba pag binigyan ka ng malaking papel, bagong role. Ibang pressure na kasama niyan, di ba? Iba ang oras mo,” sabi pa ni Iza.
“Tapos mapapagod ka, kasi mas maraming maa-assign sa yo na sequences, na ganito. Mas maraming demands, basically.”
Kaya talagang nagpapasalamat si Angel kay Iza dahil ramdam daw niya kung gaano ito kasaya para sa kanya at nandun ang concern sa kanya.
Parang naluluhang pahayag ni Angel, “Nakita ako ni Ms. Iza kung gaano ako kasaya actually, and still the same feeling.
"I'm just very grateful to Ms. Iza, kasi ganyan siya, eto siya, very warm, very loving. And she could just you know, ignore me.
“Alam mo yun, eto okay, eto si Deia, just give an advice and then bye. But she's not like that. She's very warm. She's very, I don't know, you're very inspiring.”
Gumanap si Iza bilang Sang’gre Amihan sa OG Encantadia (Mayo-Disyrembre 2005).
Pinangalanan ni Iza ang daughter niya na Deia Amihan.
Read: Iza Calzado, inilahad kung bakit Deia Amihan ang pangalan ng anak
JERRY OLEA
Sinabi ni Iza na kinausap siya ni Direk Mark Reyes para magpaalam na gagamitin ang pangalang Deia sa Sang'gre.
Kuwento niya, "Kinilig ako actually. Yun nga, sabi ko, 'Basta Direk, mabuti yung character.'
"Kasi siyempre, parang hinuhubog mo public perception ng Deia, di ba? Because there is Deia really my child, and she has her own personality and characteristics that we will all see as she grows up.
"But siyempre, at this very moment na wala pa yun, and you're coming out with this show... and it's again, it's not a common name in the Philippines, right?
“So, yun sana yung character na mamahalin ng tao. Kasi siyempre yun lang naman din yung gusto ko para sa anak ko.”
Read: The making of Encantadia: how it came to be, what was the original story
Nilinaw naman ng Kapamilya actress na hindi niya pag-aari ang pangalang Deia. Kinuha niya yun sa isang bayan sa Mallorca. Pero ginawa niyang Deia Amihan, dahil malaki ang nagawa ng pangalang Amihan sa kanyang buhay.
"Kaya pinangalanan ko si Deia ng Amihan din, kasi nagbigay siya ng suwerte sa akin ng parang grabeng good energy," sabi pa ni Iza.
NOEL FERRER
Bumalik ang talent kong si Iza sa GMA-7, at nag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda para i-promote ang Shake, Rattle & Roll Extreme na magsu-showing na sa November 29.
Read: Shake, Rattle & Roll Extreme uunahan ang mga nakapasok sa MMFF 2023
First time niyang tumuntong uli sa GMA magmula nang lumipat siya sa ABS-CBN. Hindi siya nagsunog ng tulay sa mga taga-GMA 7, at nakakadalaw raw siya sa mga itinuturing niyang nanay sa kanyang showbiz career.
"Sa totoo lang, I've always wanted to keep working with the people who literally raised me in this industry. Like, ang mga naging nanay ko.
"It was a tough decision I had to make at that time for my personal growth. Ngayon, the landscape has changed.
"Nung nakita ko nga si Ms. Annette [Gozon-Valdes] sa ABS-CBN Ball, sabi ko, 'Oh, Carlo [Katigbak], Annette, nasa harap ko, magkasama. Ano to?’
“Ang sobra ko lang... ang sarap din sa pakiramdam na makitang nagkakaisa ang lahat.
“So, I would be setting foot in GMA as artista, with artista duties today.
"Kasi after I left before, I actually went back to visit my nanays there few times," sambit ni Iza.
Posible kaya siyang makagawa ng show sa Kapuso network o baka puwede siyang mag-guest sa Sang'gre?
"I would love for it to be a collab between ABS and GMA, like what Jodi [Sta. Maria] did, di ba? So, yung mga ganung posibilidad.
"Para sa akin kasi, ngayon kung ano yung best project, that's what I will consider actually.
"Like I said earlier, intentional in the choices that I make.
"Of course, di ba? Sandali lang, maaari ka rin naman magparamdam, bakit hindi? Pero yung long term, ibang usapan kasi yan. Kasi nga, I'm really bound to the 'Deia network' at this point.
"Siyempre, yun talaga yung number one ko. So, lahat talaga, iisa-isahin mo dahil everything leads back to her. Siya yung ano ko, e. Klarong-klaro kung ano yung oo o hindi."
Napanood ko ang episode at naging emotional siya dahil sa maraming memories sa GMA, especially with her late dad Lito Calzado.
Maganda ang moment ni Iza with Angel na para kay Tito Boy ay isang major act of generosity, lalo nang sabihin ni Izadora na nawa’y ang suwerte at biyaya na ibinigay ng Encantadia sa kanya at sa kanilang lahat ay mapunta rin kay Angel!!!
Iba si Iza, lalo na sa pagsagot ng mga tanong at ang presence with Tito Boy: truly a class act.
