GORGY RULA
Dinidinig na raw ngayon ang kasong estafa na isinampa ng magkasintahang Paul Salas at Mikee Quintos laban sa isang cryptocurrency group na matagal na rin pala nilang kanegosasyon.
Ayon kay Paul, siyam silang nagsampa ng kaso sa grupong ito na matagal na rin naman pala nilang katransaksyon
Read: Paul Salas, Mikee Quintos, 7 others file syndicated estafa complaint against crypto group.
"Tuloy ang laban!" sabi ni Paul nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Shake, Rattle & Roll Extreme nitong Nobyembre 14, 2023, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.
Ang abugado raw nila ang humaharap nito, at hindi na idinetalye kung saang stage na ang pagdinig sa naturang kaso.
"Siguro, nandudun pa kami talaga sa verge na mas gumugulo pa. Wala pang update talaga kung mababayaran kami o hindi.
"I hope na maayos na yung case kasi kami naman din nina Mikee, saka yung friends namin ay ayaw na namin ng gulo. Ayaw na namin patagalin pa.
"So, kung sa amin, kung may desisyon na at kung may paraan na para ayusin, we are open for that naman," saad ni Paul.
Nagpapasalamat na lang si Paul dahil tuluy-tuloy raw ang trabaho nila. Hindi naman siya nawawalan ng projects kaya mas mabuting dito na raw sila mag-focus.
“Hindi ko na masyadong pinagkakaabalahan po. Kumbaga, kung mangyari, ipag-pray ko na lang si Lord na ang bahala.
"Sabi ko nga kay Mikee, let's just keep on moving sa mga blessings ni God, ang dami naman. So, dun na lang tayo mag-focus sabi ko," sabi pa ni Paul.
Magiging abala si Paul ngayon sa promo ng Shake, Rattle & Roll Extreme dahil sa November 29 na ang showing nito.
NOEL FERRER
Kilalang-kilala nina Paul at Mikee itong kinasuhan nila dahil tatlong taon na nila itong katransaksiyon.
"Kinausap na kami ng fiscal, nagkaharapan kami. Kasi actually, nagkaroon naman talaga ng business relationship dahil three years naman kasi nag-i-invest sina Mikee, friends niya, three years naman din talaga.
"So, nandun yung tiwala, andun yung talagang relationship sa business, laging nag-uusap.
"So, parang ano na lang din... ako kahit papano... gulat nga ako kay Mikee, blessed din ako kay Mikee dahil imbes na magalit, naawa pa kami.
“It's because, kasi siguro may mga situation na kailangang mangyari yun, hindi naman natin maiwasan nangyari talaga yun," sambit ni Paul.
Malaking leksiyon daw itong nangyari sa kanila, na dapat talaga mag-ingat din sa mga pinapasok na negosyo, kagaya nitong sa cryptocurrency.
"So, alam ko sa panahon ngayon ang dami ding nai-scam, no? Siguro, wake-up call na rin sa atin lahat na bago magdesisyon, ipag-pray muna natin, pag-isipan nating mabuti, because hard-earned money natin yun e. Hindi naman yun ganun kadaling kitain."
Hard lesson learned the hard way talaga. Ingat na lang talaga sa mga ganitong deals sa susunod!
JERRY OLEA
Nase-shake at nara-rattle ang extreme na pagnanasa ng mga veckieng hamog at sosing vadeth sa mga pa-Felix Bakat ni Paul bilang Bench Body model.
Dito sa Shake, Rattle & Roll Extreme ay walang ganoong patakam ang young actor.
Seven years old si Paul nang lumabas sa “Aquarium” episode ng Shake, Rattle & Roll 2K5, for which ay tinanghal siyang best child performer sa MMFF 2005.
“Dun nagtuluy-tuloy ang career ko dahil din sa opportunity na ibinigay ng Regal for me,” sambit ni Paul.
“So, sobrang karangalan talaga na makapasok sa Shake, Rattle & Roll Extreme ulit after ilang years na nawala po ang Shake, Rattle…
“Ang last movie ko before this, 13 or 14 years old ako. Ito ang first movie ko mula nung nagpapa-mature na yung roles ko.
“Ito yung first movie na mapapakita ko yung skills and craft ko sa big screen. So sana, abangan nila dahil nag-enjoy din ako sa role ko.”
Tampok din sa horror trilogy na SRR Extreme sina Iza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, Paolo Gumabao, Jane de Leon, Rob Gomez, Angel Guardian, Miggs Cuaderno, Ninong Ry, Phi Palmos, Sarah Edwards, Francis Mata, AC Bonifacio, Donna Carriaga, Mika Reins, Dustin Yu, Bryce Eusebio, Esnyr Ranollo, at Elle Villanueva.
