PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

YouTuber Ninong Ry inaming pagkakakitaan ang magiging anak

Ninong Ry artista na, kasama sa cast ng Shake, Rattle & Roll Extreme.
by PEP Troika
Published Nov 16, 2023
ninong ry shake rattle & roll extreme
Ninong Ry on his appeal to women: “Actually, hitsura ko, pam-fetish lang talaga yan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, meron naman talagang tao para sa yo, di ba? Ahhh alam mo yun, nakatsamba lang din. Nakatsamba lang din... E siguro… sabi ito sa akin ng mga tropa po, kasi siyempre, nagda-doubt ako nung una… ‘Bakit kung kailan nagkaroon ng Ninong Ry, saka ganyan?’ Basically sabi lang sa akin ng tropa ko, ‘Siyempre mas malaki na yung reach mo! Kung sinasabi mong pam-fetish ka, mas marami na yung may fe
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Buntis ang partner ni Ninong Ry.

Ito ang ini-reveal ng YouTube sensation sa mediacon ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme noong Nobyembre 14, 2023, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Read: Influencers na sina Ninong Ry at Esnyr Ranollo, may horror experience sa shooting?

Ilang buwan ang nasa sinapupunan ng kanyang partner?

Hirit ni Ninong Ry, “Malalaman niyo na lang yan. Siyempre ako, pag nagkaanak, pagkakakitaan ko yan.

“Ipo-post ko yan. Ha! Ha! Ha! Ha! Doon tayo sa totoo, hindi tayo magpapakapeke! Pagkakakitaan natin yan.”

Hindi artista ang partner ni Ninong Ry. Hindi ito exposed sa limelight.

“Actually, ayaw niya! Ayaw niya talagang lumabas. Very private na tao talaga,” pagsisiwalat ni Ninong Ry.

“Although siguro nitong mga nakaraang buwan, medyo mas nagiging komportable na nang konti. Konti, konti, which is good.

“Pero hindi siya nangangarap magkaroon ng platform. Hindi, hindi. Hindi niya gusto yun.”

Matagal na silang magkakilala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakilala ko siya within Ninong Ry na. Within Ninong Ry, dun ko siya nakilala,” pakli ng thirtysomething YouTube sensation na sumikat sa pagluluto.

Ilang taon ang partner niya?

Napailing nang slight si Ninong Ry, “Naku po! Basta, mas bata. Basta mas bata.”

Nasa 20s na ang girl?

“Oo naman! Oo naman! Oo naman!”

Naramdaman ba niyang ma-appeal na siya? Dati kasi, tila insecure siya sa looks niya na hindi artistahin. Ano ba ang hinahabol ngayon sa kanya?

Natatawang tugon ni Ninong Ry, “Actually, hitsura ko, pam-fetish lang talaga yan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, meron naman talagang tao para sa yo, di ba? Ahhh alam mo yun, nakatsamba lang din. Nakatsamba lang din.

“E siguro… sabi ito sa akin ng mga tropa po, kasi siyempre, nagda-doubt ako nung una… ‘Bakit kung kailan nagkaroon ng Ninong Ry, saka ganyan?’

“Basically sabi lang sa akin ng tropa ko, ‘Siyempre mas malaki na yung reach mo! Kung sinasabi mong pam-fetish ka, mas marami na yung may fetish na nakakita sa yo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakatsamba ka na, parang ganun. Gets naman, gets naman.”

Nag-umpisang mag-vlog sa YouTube si Ninong Ry noong 2020 na lumaganap ang pandemya.

NOEL FERRER

Kasama si Ninong Ry sa “Mukbang” episode ng Shake, Rattle & Roll Extreme, kung saan tampok din sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paul Salas, Phi Palmos, Ian Gimena, AC Bonifacio, Elle Villanueva, Esnyr Ranollo, at Francis Mata.

Read: Shake, Rattle & Roll Extreme uunahan ang mga nakapasok sa MMFF 2023

First movie niya ito. Paano siya napasama rito?

Kaswal na sagot ni Ninong Ry, “Wala, may nag-email lang. May nag-email lang tapos sabi ko, ‘Legit ba ito? Totoo ba ito?’

“Tapos pinasa ko sa manager ko, tapos nandito na tayo ngayon. Nung una, hindi rin ako naniniwala talaga. Kasi, bakit ako?

“Nananahimik lang naman ako dito sa bahay, alam mo yun. Pero, e, totoo pala, kasi nandito tayo sa harap ng isa’t isa.

“E, ayun, wala namang pinagsisihan. Kasi, sobrang ganda ng experience talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At sobrang dami ko rin talagang natutunan pagdating sa production side, dealing with new people, ganun.

“Maraming-maraming salamat sa pagpili sa amin dito. Sana, matuwa kayo sa pagmumukha ko.”

Ito na ang age ng social media personalities invading the big screen!!! Good luck!!!

GORGY RULA

Kumusta ang first shooting day niya sa SRR Extreme?

“First shooting day sa Tagaytay. Ang layo! Kasi taga-Malabon pa kami,” salaysay ni Ninong Ry.

“Ninety kilometers. Tapos bobo pa yung nagda-drive. Sorry, sorry! Ha! Ha! Ha! Tapos pagdating dun, ano, ang ganda nung place.

“Ganda nung place! Tapos, 'Ganito ba talaga?' Andami ng crew, ganyan. Kasi ako, wala talaga akong idea sa mga nangyayari sa pelikula.

“Hindi ko talaga alam, hindi ko talaga alam. Tapos binigyan na kami ng… kasi, ito ata ang unang nag-shoot. Siya kasi ang unang nag-shoot, si Ian [Gimena] kasi ang unang nag-shoot.

“So, na-brief niya na ako. Pero sinusubukan kong i-picture sa isip ko talaga. Pero pagdating ko dun, ibang-iba pa rin talaga yung experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos pagdating dun sa room, andun na yung mga kasama ko. Itong mga ito, itong mga guwapong ito, kasama ko dun.

“E, siguro ano, suwerte na lang din. Kasi ako, hindi ako hirap makipag-usap sa mga bagong tao.

“Kasi I feel like kung ikaw, ganun ka, medyo hirap kang makipag-usap sa bagong tao, baka ma-awkward-an ka, ganyan.

“And siguro bago matapos ang araw, magtotropa na kami, e. OK na kami lahat. Tapos yun yung nagpadali lalo ng lahat.

“Kaya kahit mahaba yung oras, e, technically kaibigan mo na yung mga kasama mo, mas madali na.”

Ipalalabas ang Shake, Rattle & Roll Extreme sa Nobyembre 29 sa mga sinehan. Kasabay nito ang showing ng mga pelikulang The Boy and the Heron, Asian Persuasion, In His Mother’s Eyes, Silent Night, at Hopeless.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ninong Ry on his appeal to women: “Actually, hitsura ko, pam-fetish lang talaga yan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, meron naman talagang tao para sa yo, di ba? Ahhh alam mo yun, nakatsamba lang din. Nakatsamba lang din... E siguro… sabi ito sa akin ng mga tropa po, kasi siyempre, nagda-doubt ako nung una… ‘Bakit kung kailan nagkaroon ng Ninong Ry, saka ganyan?’ Basically sabi lang sa akin ng tropa ko, ‘Siyempre mas malaki na yung reach mo! Kung sinasabi mong pam-fetish ka, mas marami na yung may fe
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results