PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan ipinagdasal ang role na Father Burgos sa GomBurZa

"Puwede pala kahit hindi ka kilala, na maka-land ka ng role na pinapangarap mo."
by PEP Troika
Published Nov 16, 2023
cedrick juan
Cedrick Juan on bagging the role of Father Burgos in GomBurZa: "Pwede pala kahit hindi ka kilala, na maka-land ka ng role na pinapangarap mo. Or like such significant role, lalo na hindi lang siya fictional character, lalo na ay nasa history nating bawa’t mga Pilipino… after that, dun ko na siya naisip, ‘Ahhh, no, Cedrick, it’s more than that.’ Nationalism siya..."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ipinagdasal ni Cedrick Juan na mapunta sa kanya ang papel na Fr. Jose Burgos sa MMFF 2023 official entry na GomBurZa.

“Siguro, masasabi ko na ipinagdasal ko and at the same time, pinaghirapan ko po talaga siya,” lahad ni Cedrick sa mediacon noong Nobyembre 13, 2023, Lunes, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

“Dahil siguro noong nakausap ko sina Direk Pepe Diokno, parang yun na lang yung role na hinahanapan nila for the longest time.

“Na parang nahihirapan silang mag-land ng actor for that role. Kasi siguro… hindi ko alam, hindi ko alam yung rason.

“Pero since I manifested for that, I worked hard for that, and I prayed for that, and siguro minsan nga, sabi ni Enchong [Dee], nagkakatotoo yung mga pangarap once na pinaghihirapan mo talaga at saka minamahal mo yung trabaho mo.

“At the same time, yung work ethics mo with your production staff, yung crew, your co-workers and co-actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ang sarap, kasi collaborative yung trabaho.”

Ano ang nagpaalab sa kanya sa role niya bilang Fr. Jose Burgos?

“Nung nakuha ko yung confirmation after ng audition and all, final casting with Pepe and Jescom, nung una talaga, inisip ko talaga, ‘Ohh, for someone, like no one, with no name and ten years nang pinu-pursue yung pangarap na umarte…’

“At first, iniisip ko talaga siya. Nag-alab sa akin yung parte na parang… ahhh napapagod ako sa pagiging aktor sa Pilipinas, pero may chance pala.

“Puwede pala. Puwede pala kahit hindi ka kilala, na maka-land ka ng role na pinapangarap mo.

“Or like such significant role, lalo na hindi lang siya fictional character, lalo na ay nasa history nating bawa’t mga Pilipino… after that, dun ko na siya naisip, ‘Ahhh, no, Cedrick, it’s more than that.’

“Nationalism siya, hanggang sa iniisip ko na, na parang ang pinaka-goal ko na rin dito, and for sure ng Jescom at MQuest, ay pagkatapos ng Metro Manila Film Festival, saan tatawid ang GomBurZa?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Na sana, pumunta siya sa bawat sulok ng paaralan, na hindi lang dito sa Metro Manila kundi pati sa Luzon, Visayas at Mindanao.

“Deserve ng bawat Pilipino na malaman yung history na ito, na kung paano nila masasabi na, ‘Pilipino ako. Paano nagsimula yung identity ko as a Filipino.’ So ayun.”

Bida rin sa historical film na GomBurZa sina Dante Rivero bilang Fr. Mariano Gomes, at Enchong Dee bilang Fr. Jacinto Zamora.

dante cedrick enchong gomburza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Dante Rivero, Cedrick Juan, and Enchong Dee

Kasama sa cast sina Piolo Pascual bilang Fr. Pedro Pelaez, Elijah Canlas bilang Paciano Mercado, Khalil Ramos, Ketchup Eusebio, Epy Quizon, Jaime Fabregas, Tommy Alejandrino, Neil Sese, Arnold Reyes, Nanding Josef, Paolo O’Hara, Sue Prado, Carlitos Siguion-Reyna, Sheenly Gener, at Elora Españo.

Joint venture ito ng Jescom Films, MQuest Ventures, at CMB Film Services.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

GORGY RULA

Sampung malalaking pelikula ang tampok sa 49th MMFF.

Wagas ang bakbakan sa takilya at awards. May pressure ba iyon sa mga bida ng GomBurZa?

Sagot ni Cedrick, “Siguro kasi may first four films po na based sa script. The last four, after like a couple of months, saka ia-announce yung last four.

“Tapos sobrang saya, kasi instead na last four, naging anim siya dahil sabi nga po ni Chair [Don Artes], ng MMDA, parang decimal lang yung difference ng points ng fourth, ng fifth and ng sixth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I think, more than the pressure, masaya kasi kinonsider niya na mas maraming mapanood yung mga Pilipino.

“So siguro after two years ng pandemic, at medyo sadly nawawala yung enthusiasm nating mga Pilipino na manood sa theater…

“Siguro ito yung magbibigay ng mas maraming rason sa kanila na bumalik, lalo na may historical film.

“Siguro pag nagbabasa ako ng sinasabi ng mga tao, or naririnig ng mga tao about sa pagpasok ng GomBurZa, actually masaya sila na merong historical.

“Sabihin na natin na yung mga younger generation, yung attention span nila ay maikli… I think, hindi, e.

“As long as na sobrang meaningful at lalo na meron siyang bigat hindi lang sa ating pagiging tao, lalo na sa ating pagiging Pilipino, dun sila nae-excite.

“Kasi pag bata ka, parang andami mong mga questions, e. And for sure, dahil nandun na nga yung ano ng MaJoHa, tapos GomBurZa, nagiging joke na sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero for sure, maraming gustong makaalam. Sino ba yung GomBurZa? Bukod sa garrote, bukod sa death, sino ba sila? Ano ba ang nangyari?

“Kaya mas naging ano ako, mas naging masaya ako. Kasi I think, Metro Manila Film Festival, ay isa siya sa pinakamalaking platform para sa mga filmmakers at mga actors na ipakita yung art ng filmmaking natin dito sa Pilipinas.”

NOEL FERRER

Napaka-pivotal ng role na Fr. Jose Burgos sa GomBurZa. Kaya ba natagalan silang pumili ng aktor?

Pag-ayon ni Direk Pepe Diokno, “Opo, kasi si Fr. Burgos kasi, siya talaga yung mentor nina Paciano. He’s one of the leading priests sa secularization movement.

“But Cedrick has always been on our radar. Kasi pag pinag-side-by-side niyo po yung picture ni Fr. Burgos at yung picture ni Cedrick, it’s such an uncanny resemblance.

“So I’m happy na nag-audition siya and he was able to put in the work and the research.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa awards, pang-lead actor ba ang kategorya nina Dante, Cedrick, at Enchong kung isa-submit nila?

“Hindi ko po alam yung submission, but I think all of them are worthy of a nomination,” tugon ni Direk Pepe.

Sa history, si Burgos talaga ang bida at sina Gomes at Zamora ay major support. Interesante ito pagdating ng awards night!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan on bagging the role of Father Burgos in GomBurZa: "Pwede pala kahit hindi ka kilala, na maka-land ka ng role na pinapangarap mo. Or like such significant role, lalo na hindi lang siya fictional character, lalo na ay nasa history nating bawa’t mga Pilipino… after that, dun ko na siya naisip, ‘Ahhh, no, Cedrick, it’s more than that.’ Nationalism siya..."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results