PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roderick Paulate on his movie not making it to MMFF 2023

Roderick at Maricel, nagpatikim ng mga ginagawa nila noon sa Regal movies.
by PEP Troika
Published Nov 17, 2023
roderick paulate in his mother's eyes
Roderick Paulate on wish for moviegoers to support local films: “Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula. Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF. Sana, yung sampung pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naligwak sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang In His Mother’s Eyes.

Ipalalabas na sa mga sinehan umpisa Nobyembre 29 ang nasabing pelikula nina Maricel Soriano, Roderick Paulate, at LA Santos.

Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries

“Nalungkot ako because naka-aim kasi daw talaga yung movie para sa MMFF,” sambit ni Kuya Dick (palayaw ni Roderick) sa mediacon nitong Nobyembre 16, 2023, Huwebes ng gabi, sa Oriental Palace, Morato Avenue, Quezon City.

“Kaya lang, ganun talaga ang buhay, e. May natatanggap, merong hindi. May nananalo, may natatalo.

“Parang ganun. So, ang akin, sana, no, kung nakapasok. Pero kung hindi, may ibang plano ang Diyos sa amin.

“Puwedeng blessing-in-disguise, di ba, itong showing date na napili namin sa 29, e mas makatulong at mas maraming audience.

“Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF.

“Sana, yung sampung pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan.

“Kasi, bukod sa pagiging artista, hindi lang po yun ang mahal ko. Mahal ko po ang industriyang ito. Mahal ko ang pelikulang Pilipino.

“E, wala pong ibang tutulong sa amin kundi kayo din po, kaya sana ibalik ninyo ang pagmamahal nyo at suporta sa lahat ng pelikula.

“Kaya lang, simulan niyo po sa November 29.”

Nag-shoutout sa Facebook ang multi-awarded scriptwriter-director na si Jose Javier Reyes na sana’y tangkilikin ng moviegoers itong In His Mother’s Eyes at ang kasabay nitong magso-showing na Shake, Rattle & Roll Extreme.

“Nagpapasalamat ako kay Direk Joey. Kasi, pino-promote niya rin ito at siya yung unang nag-Messenger sa akin na, ‘I like this movie, I love this movie at susuportahan ko to, panonoorin ko to.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At binanggit na nga niya,” pakli ni Kuya Dick.

Take note na creative consultant si Direk Joey ng Regal Entertainment na producer ng horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme, na naligwak din sa MMFF 2023.

Read: Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?

Natakot ba si Kuya Dick na kasabay ng movie nila itong Shake, Rattle & Roll Extreme?

“Hindi ako natatakot in the sense that iba kasi yung istorya namin. Horror sila, kami family story,” pagmamatuwid ni Kuya Dick.

“So, pampamilya po ito. Kaya nga ang maisa-suggest ko sa inyo, kung gusto niyo ng kumbaga sa putahe, di ba? E, umiyak muna kayo, tapos para mabalik kayo sa naturalesa ninyo, takutin nyo yung sarili ninyo! Manood naman kayo ng Shake, Rattle & Roll.”

Nasa cast din ng In His Mother’s Eyes sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales, sa direksiyon ni FM Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

in his mother's eyes poster

GORGY RULA

Iisa lang naman ang panalangin ng lahat, lalo na ang mga taga-showbiz, na sana maganda ang kalalabasan ng November 29 playdate.

Noong kalakasan pa talaga ng mga pelikula natin sa sinehan, itong end of November ang isa sa pinakamalakas na playdate.

Madalas ay may naka-book diyan na FPJ movie at iba pang malalakas na Pinoy action films. Ngayon, wala na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sana, maibalik ang lakas ng playdate na ito, para hindi na magsisisiksikan ang producers sa MMFF.

Sabi nga ni Roselle Monteverde ng Regal, aminado siyang na-disappoint siya nang hindi nakapasok sa MMFF ang Shake, Rattle & Roll Extreme. Pero naisip din niyang baka talagang ibinigay sa kanila ng Panginoon itong November 29 playdate.

Read: Shake, Rattle & Roll Extreme uunahan ang mga nakapasok sa MMFF 2023

"Siyempre, may part na disappointed din ako, pero siyempre we need to move on. And on a positive light, that's not the only playdate naman na we can show our movie.

"So, to fulfill the audience, this is it, di ba?" pakli ni Roselle.

Sabi naman ni Iza Calzado, na bida sa “Glitch” episode ng SRR Extreme, “I feel, it is just maybe a personal opinion, na kahit ano po ang playdate ng Shake, Rattle & Roll, meron at merong manonood. Because, as Phi [Palmos] said, malakas daw ang cultural impact ng Shake, Rattle & Roll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag sinabi mo talagang Shake, Rattle & Roll, franchise na siya, e. Kahit December, Summer, wala lang tayong Winter... pero kahit anong season po siya, anong month, meron at merong manoood.

"At naniniwala din kasi ako na this is God's decision for our film. So, with grace and gratitude, I think this is is the best playdate for Shake, Rattle & Roll."

Aminado rin ang producer ng In His Mother's Eyes na si Ms. Flor Santos ng 7K Entertainment na nasaktan siya nang hindi nakapasok ang In His Mother's Eyes.

Proud siya sa pelikulang ito, hindi dahil sa anak niya ang isa sa mga bida rito na si LA Santos, kundi nabigyan ng highlight ang mga special child kagaya ng karakter na ginampanan ni LA.

Perfect na perfect pa raw ang casting at ipinagmamalaki niya ang performance ng mga artistang bahagi ng pelikulang ito.

"Ginawa natin ito for Metro Manila Filmfest. Lahat nagdadasal. Pero nung in-announce na hindi nakasama, masakit sa puso. Kasi, nung nakita ko to before Manila filmfest entry, sabi ko, ilalaban ko si FMR [Direk FM Reyes]. Ilalaban yung acting ni Marys, ilalaban ko yung acting ni Roderick, acting talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, medyo na-depress ako nung hindi... pero there's something in it. Ipinagdasal natin ito. Hinulog ng nasa taas ito nang napaaga ang date, kasi siguro mas marami tayong maaakap ng movie na ito," bahagi ng pahayag ni Ms. Flor Santos.

Sana nga hindi lang sa MMFF, kundi pati itong sa November 29, na maibalik ang dating sigla ng playdate na ito.

Maliban sa In His Mother’s Eyes at Shake, Rattle & Roll Extreme, kasado sa November 29 playdate ang mga pelikulang The Boy and the Heron, Asian Persuasion, Silent Night, at Hopeless.

NOEL FERRER

Noong kabataan natin mga Troika, ang end of November usually ang Viva anniversary noon — at karaniwan, ang blockbusters sa mga panahong yun ay tumatakbo hanggang Pasko na.

Sana, ganito rin ang magiging lakas ng mga pelikulang ipapalabas by November 29.

Nangyari rin ito noong panahong hindi pumasok sina Vic Sotto at Vice Ganda sa MMFF noon at ipinalabas din sila ng end of November. Ngayon naman, Shake, Rattle & Roll Extreme at In His Mother’s Eyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming comedy movies na pinagsamahan sina Maricel at Roderick sa Regal. Ang huli ay iyong Gorio & Tekla (1989) na tinampukan din nina Gabby Concepcion at Nova Villa.

Hindi kaya manibago ang fans ng tandem nila ni Marya (palayaw ni Maricel) dahil madrama sila sa In His Mother’s Eyes?

roderick maricel in his mother's eyes

“Hindi ano to, ha, pag pinanood niyo po, yung konti lang… merong nakakatawa din dito,” sabi ni Kuya Dick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Merong sinimulan kaming nakakatawa, kaya lang, hindi namin tinatanggal yung karakter.

“Kasi baka mag-suffer, e. Baka pag ginawa namin na all the way kami ni Marya, baka hanapin niyo na, yung tuluy-tuloy na.

“Pero may eksena dito na maaalala niyo yung ginagawa namin sa Regal.”

Sana, may follow-up project ang tandem nila ni Marya!

“Sana nga! Kasi alam mo, nung ginagawa namin yung eksenang yun, pati yung mga crew, ha, mga bagets, ha, mga cameraman, humahagikgik sila,” lahad ni Kuya Dick.

“Parang ‘Napanood namin to!’ Nasabik sila sa ganun. Sabi ko, ‘O, mamihasa kayo, ha?! Simula lang ito. Hindi yan ang istorya. Pinapatuwa lang natin ang mga tao.’

“Matutuwa sila dun sa istorya. Pero siyempre, pupunta sa dulo, e, maiiyak.”

Kung tutuusin, parang In Mother’s Eyes din ang SRR, dahil sinimulan din ang horror franchise na ito noong active na active pa si Mother Lily sa showbiz.

Sana talaga, Mothers know best — sa November 29 playdate ngayon!!! Fingers crossed!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roderick Paulate on wish for moviegoers to support local films: “Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula. Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF. Sana, yung sampung pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results