JERRY OLEA
Mag-ina ang papel nina Maricel Soriano at LA Santos sa pelikulang In His Mother’s Eyes.
Na-intimidate ba ang 23-anyos na singer-actor sa multi-awarded Diamond Star?
Read: Singer LA Santos admits having a crush on this ABS-CBN actress
“Siyempre, hindi naman po mawawala yon,” pag-amin ni LA sa mediacon nitong Nobyembre 16, 2023, Huwebes ng gabi, sa Oriental Palace, Morato Avenue, Quezon City.
“Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po.
“Kasi, si Inay Marya, ni isang beses, never niya akong pinabayaan. Sinigurado niya na nakakakain ako.
“Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong kinukumusta. Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong sinasamahan.
“Kaya naging mommy ko na rin talaga si Inay Marya.”
Natarayan ba siya ni Maricel na tinagurian noon bilang Taray Queen ng showbiz?
“Siyempre natarayan naman po. Kasi siyempre, nanay ko siya, e. Hindi naman mawawala yun,” pagmamatuwid ni LA.
“Ano po, yung… nagiging mataray siya sa akin pagdating sa karakter ko po pag nag-aaral kami ng script.
“Yun naman po ang naa-appreciate ko nang sobra kay Inay, kasi sobrang ginagabayan po niya ako. Sobrang hindi niya po ako pinabayaan.”
Totohanan ba iyong eksena sa trailer na itinulak niya ang 58-anyos na si Marya, at nabuwal ito?!
Tumango si LA, “Si Inay din kasi, siya ang may gusto! Nung una, hindi talaga dapat totoo. Pero si Inay, pinagsasabihan niya ako, ‘Totohanin mo! Itulak mo ako!’
“Ginaganun ako ni Inay. After nung eksena na yun, halos maiyak po ako.”
Ipapalabas ang In His Mother’s Eyes umpisa Nobyembre 29 sa mga sinehan nationwide.
Idinirek ito ni FM Reyes, at kasama rin sa cast nito sina Roderick Paulate, Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales, at Skylee Alcalde.

Natapos na rin ni LA ang movie na Maple Leaf Dreams with Kira Balinger, at next year pa raw ito ipapalabas.
NOEL FERRER
Ano ang pakiramdam niya na sina Maricel Soriano at Roderick Paulate ang co-stars niya sa kanyang first movie?
“Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa! Siyempre, alam naman po nating lahat na hindi basta-basta yung makatrabaho sina Miss Maricel po saka si Tito Roderick,” lahad ni LA.
“Kaya habang buhay, parang ano po… mas na-push ko pa ang sarili ko na galingan dahil ayoko talaga siyang i-take for granted.
“Kasi, mahirap po talaga na makasama sila. Kasi po siyempre, Diamond Star! Kaya po ano, e, parang ginalingan ko talaga po.
“Saka nag-research po ako nang maayos, saka ginawa ko yung best ko na maging respectful po sa kanilang dalawa.”
Kaya bilib na bilib ako sa mommy ni LA Santos na tagapagtaguyod ng proyektong ito. Sana, matupad ang pangarap nilang mag-ina na lalo pang umangat ang estado ni LA bilang artista dahil sa pelikulang ito.
GORGY RULA
Ano ang naramdaman niya nang first time niyang makaeksena sina Maricel at Roderick?
Mabilis na tugon ni LA, “Nadala po ako sa kanila. Unang-una, kinabahan ako pero dahil sobrang galing nila, nawala lahat ng kaba ko. As in nadala na ako sa kanila, e.
“Kasi po, lahat ng eksena na ginawa namin, totoo po, e. Hindi na kami umaarte.
“Kaya nga dun ako sobrang thankful kay Miss Maricel saka kay Tito Roderick dahil dinala din nila ako, e. Hindi nila ako pinabayaan.
“Saka sobrang giving sila as an actor and actress. Na kumbaga, kung sila ang kaeksena mo, lumutang ka talaga po.
“Talagang ano, lahat ng nakakasama nila, gumagaling talaga.”
Puring-puri siya nina Maricel at Roderick. Magaling daw siya.
Ngumiti nang matamis si LA, “Sobrang thankful po ako dun. Pero kaya po ako nasasabihan ng ganun, kasi nakinig po ako sa kanila.
“Sila din po yung reason kung bakit ako gumaling, lalo na po si Direk FMR. Habang buhay po akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilabas po niya talaga yung meron ako sa loob.
“Kasi yun, hindi lang sa mahirap yung ginagawa ko pong role kundi it’s a very sensitive role po. Kasi siyempre, alam naman po natin.
“Kaya dun po ako thankful, hindi nila ako pinabayaan, e. Parang lahat ng pagkakamali ko, lahat ng mga puwede ko pang i-improve, idinidiretso nila sa akin. Hindi nila ako binobola, e.”
