JERRY OLEA:
Masayahin ang daughter nina Iza Calzado at Ben Wintle na si Deia Amihan. Maganda! :Ako ba, hindi maganda?" pagbibiro ni Iza sa mediacon ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme noong Nobyembre 14, 2023, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Dagdag ng aktres, "Pero mas maganda na sinabi mong maganda ang anak ko. Mas natutuwa po ako diyan. Stage mother na lang po ako ngayon. Mamager! I’m a mamager now."
Nakangiti si Deia Amihan sa tuwi-tuwina. Lahad ni Iza, "Grabe, no? Either naka-smile, pout or minsan yung naka-serious na tingin.
"Kahapon nga, pumunta kami ng DFA, passport. Nginingitian yung buong lugar, tapos nung piniktyuran na siya, siguro yung screen kasi, nakikita niya… sumisigaw! Tuwang-tuwa!
"Sabi ko talaga… alangan naman… saka hindi mo mapapa-shut-up yung anak ko nang ganun. Ang saya-saya niya!"
Pagmumuwestra ni Iza, "Tumingin na lang ako nang ganun na… mga ganun na… tuwang-tuwa naman sila.
"Kasi nga, masaya yung bata. So generally, nakangiti-ngiti. Siguro dahil lagi din kaming nakangiti sa bahay.
"Mas seryoso si Ben sa akin. So ako, saka yung mga nanay namin sa bahay na kasama, na katulad ngayon, nag-aalaga sa kanya pag wala ako.
"Buti na lang, kumbaga kasama yun, e, sa ini-screen mo, kung sino ang pag-iiwanan mo."
Nilinaw ni Iza na wala pa silang immediate plan na mag-abroad kasama si Deia Amihan. Ikinuha lang nila ito ng pasaporte para just in case.
"Dito lang kami sa Pilipinas for the holidays. Not in Manila, but in the Philippines," sey ni Iza.
"Kasi di ba, it’s time? At least ngayon, medyo nakakangiti na siya. Kasi kung earlier, parang baka hindi pa niya naiintindihan kung para saan yun, hindi pa siya nakakaupo.
"So ngayon sakto, nakakaupo. Nakakangiti, masaya."
Bawal ngumiti sa passport photo, di ba?
"Nung una kasi, mas serious. Nakaganun lang kasi siya, parang stolen lang yung pinaka-first," saad ni Iza.
"Biglang nag-hang yung camera sa DFA. Sabi ko, ‘Diyos ko, baka…’ Nakakuha sila ng isa na yung mata niya, nakangiti.
"Hindi siya nakangiti pero yung mata, alam mong nakangiti. So maganda. Tapos sila pa yung pinag-ano ko, 'Alin po ba ang mas maganda, yung una o yung pangalawa? 'Ma'am, yung pangalawa po.' So yun, meron nang passport."
Siyanga pala, ang premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme ay sa Nobyembre 24, Biyernes sa SM Megamall.
Showing ito sa mga sinehan nationwide umpisa Nobyembre 29, Miyerkules. Nasa cast din ng Shake, Rattle & Roll Extreme sina Jane Oineza, Jane de Leon, RK Bagatsing, Paul Salas, Paolo Gumabao, AC Bonifacio, Donna Cariaga, at Rob Gomez.
Kasama rin sina Angel Guardian, Sarah Edwards, Dustin Yu, Miggs Cuaderno, Mika Reins, Bryce Eusebio, Jewel Milag, Esnyr Ranollo, Jana Taladro, Elle Villanueva, Phi Palmos, Ninong Ry, Ian Ginema, Francis Mata, Jericho Ejercito, at Girlie Ejercito.
Read: Iza Calzado at Angel Guardian nagkaiyakan dahil sa Encantadia
GORGY RULA:
Ang cute ni Deia Amihan sa Halloween costume na Darna. Nakikita ba ni Iza o napi-feel na mag-aartista eventually si Deia Amihan?
Natigilan nang ilang sandali si Iza bago sumagot, "Ang plastik ko kung sasabihin kong hindi ko nakikita sa kanya ang traits ng isang artista.
"Because clearly, she wore that costume, she was loving it. Parang… at what? Eight, nine months.
"Kasi nung unang dumating siya sa akin, hindi ko naman planong mag-pictorial nang ganun.
"Last minute ko yung costume na decision. Tapos nung dumating, sabi ko, 'Teka lang, parang kailangan kong i-immortalize yung ganun nang maayos.'
"So, tawag ako sa friend ko. Saturday kasi yun, e, nag-trick or treat sa condo namin.
"Sabi ko, ‘Meron ka bang… kahit 15 minutes, mabilisan naman itong mga ito, baby naman ito, hindi naman ito nagga-glam ng ganyan.’
"Sabi niya, ‘Sige, sige! Just come!’ Sakto, sabi ko, parang makakatulog si Deia papunta dun, kasi Alabang siya.
"Hindi natulog yung anak ko! Hindi siya natulog! Ako talaga yung, 'Hindi siya natulog, baka mamaya, umiyak siya.'
"Hindi siya umiyak. Pero it really took ten or fifteen minutes, pagkatapos nun, pagod na siya. Sakto, nakuha na namin lahat.
"Wala lang siyang nakanguso as Darna. Pero OK lang!
"Yeah, ang basa namin ni Ben, kaya ang saya niya lang nung… kasi, I posted some videos na, you know, when she was wearing it and she was so happy.
"Kasi everybody in the house was happy and excited. So ang feeling namin, di ba, yung mga bata, ano yun, e, naa-absorb nila yung energy na nararamdaman nila.
"Kumbaga napaka-sensitive, e. They’re very pure, right? So ang assessment… actually si Ben ito, e, yung nagsabi na, ‘I think it’s because the girls were so happy.’
"Di ba, the nanays nga, sobrang excited. Siyempre, antagal na namin dun, magkasama, first time ito na sumali kami sa trick-or-treat.
"Sabi ko nga, parang sobrang nag-iba yung buhay, di ba?"
Read: Iza Calzado on motherhood: “The best advice is no advice.”
NOEL FERRER:
So, hindi nagta-tantrum si Deia Amihan as in nagse-shake, nagra-rattle, or nagro-roll?
"Wala! Hindi siya nara-rattle. Ako," natatawang sambit ng alaga kong si Izadora.
May offers na bang commercials para sa kanilang mag-ina?
"I don’t want to discuss. We’ll see, but I must say also that times are changed, right,” sagot ni Iza.
"Like there’s digital, there’s ganyan. So I held out on some stuff pero we’ll see, parang there’s something na I’m considering."
Napaka-modest lang talaga ni Iza pero oo, maraming nag-aalok na mag-commercial silang mag-ina dahil sa sobrang cute nila, talaga namang premium ang kanilang presence and the values that they hold and represent.
Kaya pinipili nang maayos ang mga brands na aligned sa kanilang pinaniniwalaan at nagtitiwala rin sa kanilang premium.
Abangan ninyo at exciting talaga ang mga possibilities dahil aside from being the face of Edamama, a mommy brand, abangan ang pag-arangkada ni Deia Amihan na bibang-biba at pagkaganda-ganda!!!
