PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LA Santos, proud maging mama's boy

Ang mommy ni LA ang official makeup artist niya mula pa noon
by PEP Troika
Published Nov 19, 2023
LA Santos
LA Santos, buong puso ang pagmamalaki sa pagiging mama's boy. Aniya, “Habang buhay akong magiging proud. Kasi, mama’s boy naman talaga ako, tsaka parang… yung mommy ko po, ibinigay niya po yung buong buhay niya para sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Sa pelikulang In His Mother’s Eyes, si Bibs (Roderick Paulate) ay tumayong ina ni Tim (LA Santos) nang magtrabaho sa abroad ang kakambal niyang si Lucy (Maricel Soriano).

LA Santos

Gay character si Bibs. Meron itong ex-boyfriend.

Sa totoong buhay, meron bang bading na nanligaw o lumandi kay LA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ang 23-anyos na singer-actor sa mediacon nitong Nobyembre 16, Huwebes ng gabi sa Oriental Palace, T. Morato Ave., Quezon City, “Hahahahaha! Opo, meron po. Hindi ko lang maalala kung sino, e.

“Yung mga ano lang yun, e, yung mga crew sa set noon, e. Yung mga beks dun. Pero siyempre, ako, love na love ko rin kasi yung mga beks.

“Binibiro ko palagi. Yayakapin ko palagi, ki-kiss ko, ganun.”

Hindi bading ang official na nagme-make up kay LA. Ever since, ang nanay niya mismo ang nagme-make up sa kanya.

“Ganun po kasi si mommy every time. Tulad kanina bago ako pumunta sa presscon, kumbaga siya ang nagme-make up talaga sa akin palagi,” pagtatapat ni LA.

“Since start po ng career ko, si mommy na talaga ang nagme-make up sa akin.”

Pagdating sa girls, may sey rin ba si mommy?

“Hahahaha! Ano naman po si mommy, parang never naman akong nagkaroon ng eksena na ayaw niya yung girlfriend ko,” tugon ni LA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi po, magaling akong pumili ng girl, e! Hahaha! Joke lang! Pero si mommy kasi, very loving sa lahat ng tao.

“Hindi lang naman po sa aming mga anak niya. Kumbaga, sa lahat ng nasa kampo niya itinuturing niyang anak niya.”

Sa ngayon, walang girlfriend si LA.

“Palagi akong nai-in love, e!” bulalas ng young actor.

Hindi taga-showbiz ang ex-girlfriend ni LA. Schoolmate niya ito sa UST (University of Santo Tomas). Tumagal nang three years ang kanilang relasyon.

Kung magkakasyota man siya ng taga-showbiz, ang inaasam ni LA, “Sana, kung magkaroon man ako soon, siyempre aalagaan ko siyang mabuti.

“At saka unang-una, yun na rin ang pinakapayo ko sa lahat ng mga lalaki — maging gentleman lang naman palagi, showbiz man o hindi ang dyowa.”

NOEL FERRER:

OK lang kay LA Santos na masabihang mama’s boy.

LA Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Habang buhay akong magiging proud. Kasi, mama’s boy naman talaga ako, tsaka parang… yung mommy ko po, ibinigay niya po yung buong buhay niya para sa akin,” saad ni LA.

“Kaya never po akong mahihiya na sabihing mama’s boy po ako.”

Apat na magkakapatid sina LA. Iyong baby sister niya ay pumapasok na rin sa showbiz.

Equal ba ang pagmamahal at pagtrato ni mommy sa kanilang apat, o siya ang favorite?

Napangiti si LA, “Opo, kung alam niyo lang po, ako po ang favorite pagalitan, e. Hahahahaha!”

At mukha ngang favorite si LA ng mommy niya para ipag-produce ng pelikulang maglulunsad sa kanya bilang ganap na aktor sa pelikula.

May tradition na ganito—nanguna na sina Amalia Fuentes, Nora Aunor, Cherry Cobarrubias, Laila Dee, Madame Violet Sevilla, at ngayon, heto na ang mommy ni LA Santos!

All the best!!!

GORGY RULA:

Noong may girlfriend si LA, nakialam ba ang mommy niya sa kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hahahaha! Nakikialam in a good way,” pagsisiwalat ni LA.

“Kasi nung nagka-girlfriend po ako dati, yun, nireregaluhan ni mommy ng damit. Pine-facial niya.

“Nakikialam in a good way, yun nga, in a good way.”

E, bakit sila nagkahiwalay after three years?

“Long story! Hahahaha!” pagtawa muli ni LA.

“Ano po, parang nag-drift apart kami. Kasi di ba, ako po, showbiz. Tapos, siya kasi… kaya dun na po kami parang nag-drift apart.

“Pero I’m very happy.”

Hindi ba supportive ang first girlfriend niya sa kanyang showbiz career?

“Supportive siya. Talagang naging mahirap lang yung situation namin. Kasi ano po, nagkaroon ng misunderstanding,” lahad ni LA.

“Pero habang buhay po ako na thankful sa girl na iyon, kasi siyempre, sobrang daming happy memories po.”

Friends pa rin daw sila ng kanyang ex.

Read Next
Read More Stories About
LA Santos, in his mother's eyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LA Santos, buong puso ang pagmamalaki sa pagiging mama's boy. Aniya, “Habang buhay akong magiging proud. Kasi, mama’s boy naman talaga ako, tsaka parang… yung mommy ko po, ibinigay niya po yung buong buhay niya para sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results