GORGY RULA:
Ngayon ang unang Pasko na ipagdiriwang nina Marco Sison na hindi na nila makakasama ang namayapa niyang apong si Andrei Sison.
READ: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident
READ: Marco Sison has many questions about sudden death of grandson Andrei Sison
READ: Marco Sison mourns passing of grandson Andrei Sison
Nang nakapanayam namin si Marco Sison sa nakaraang mediacong 20th anniversary concert ng Hitmakers, tinanong namin ang male balladeer kung paano nila ipagdiwang ang Pasko na hindi na niya makakasama ang kanyang apo.
Matagal nag-isip si Marco bago niya ako sinagot. Hindi raw niya alam kung paano nila ipagdiwang dahil ang inaalala raw niya ngayon ay ang anak niyang si Marco Salvador na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw natatanggap ang biglaang pagpanaw ng anak.
“Mas worried ako dun sa tatay ng apo ko, kasi hanggang ngayon, hindi pa siya nakapag-move on. Si Marco, hindi pa siya... eventually siguro," pahayag ni Marco Sison.
"Ako naman as a father, alalay lang ako. Andiyan lang ako. Pag kailangan, tinawagan, available ako lagi.
"Pero siguro kailangan mo ng tapang para maharap mo lahat iyun, ma-accept mo eventually. Kasi, kailangan dun, once na ma-accept mo, madali na siya.
"Slowly and surely, madali mo siyang makakalimutan," saad ni Marco Sison.
Hindi naman daw niya mapilit ang anak niyang kalimutan na ang pagpanaw ni Andrei.
Naintindihan naman daw niya ang kanyang anak, dahil napakabata pa ni Andrei at madalas pa raw itong nakakasama ng kanyang anak.
"Napakasakit kasi nun, e. Hindi naman kasi normal yung bigla kang mawalan ng ganun, at that age, very promising pa, lagi silang magkasama, lagi silang parang magkabarkada, lagi silang nagba-basketball, tapos biglang nawala. Masakit yun!"
Sa December 1 ang Hitmakers XXCeptional concert na gaganapin sa The Theatre at Solaire.

JERRY OLEA:
Pagkatapos ng concert sa December 1, titiyakin daw ni Marco Sison na nandiyan lang siya para sa kanyang anak na nagdadalamhati pa rin hanggang ngayon.
"Aanuhin ko yun para... iyon naman biglang dumarating sa bahay, e. Pero siguro, sama-sama nga para mas maganda.
"Kumbaga, planuhin nang maayos para magsama-sama. Sayang yung batang iyun, ganun talaga.
"Normally, ang parents ang nauuna, kaya masakit e," sambit ni Marco Sison.
NOEL FERRRER:
Ang magaling lang, itong mga hitmakers ay patuloy pa rin sa pagiging active sa ating industriya.
Itong mga Hitmakers, iba pa nga ang OPM Hitmen na mas bata ay pagpapatunay na OPM lives on through generations.
Maganda rin siguro kung ang susunod ay isang pagsasanib-puwersa ng mga OPM Hitmakers at OPM Hitmen.
Sino ang mas bet ninyo?
