GORGY RULA
Isang kaibigan ng PEP Troika ang nagkuwento sa aming sinabi raw ni Willie Revillame na hindi na matutuloy ang paglipat ng programang Wowowin sa PTV 4 at IBC 13.
Hindi pa naman ito kumpirmado, pero nakakapagtaka kung bakit wala nang balita tungkol sa programa ni Willie.
Noong September pa ito napag-usapan na inaayos na raw ang pagsisimula ng Wowowin, palalagpasin lang daw ang ghost month.
Nung dunalo kami sa mediacon ng PTV 4, ipinakita pa sa amin ni Ms. Ana Puod, general manager ng PTV 4, kung saang studio gagawin ang show ni Willie.
Pero mukhang marami pang aayusin kaya medyo matatagalan.
Read: Willie Revillame, may "exploratory talks" sa IBC13 at PTV-4
Yun nga lang, hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan na talaga magsisimula.
Wala kaming contact kay Willie, kaya tinanong na namin si Ma'am Ana Puod kung matutuloy pa ba ito.
Aniya, “As far as PTV and IBC are concerned, we are still on board with this project.
"Mr. Revillame and his content is an important addition to our lineup to become one of the top stations in the Philippines."
Wala naman daw nakakarating sa kanila kung ano ang mga sinasabi ni Willie. Pero bukas ang dalawang istasyon sa naturang programa.
May iba pa kaming narinig na kuwento tungkol sa pananahimik ng programa ni Willie, pero mahirap pang isulat sa ngayon dahil pawang haka-haka pa lamang ito.
Madalas ay nasa Tagaytay daw ngayon si Willie sa kanyang rest house, at may inaayos pa siya roon sa matagal na niyang binabalak na hotel doon.
Read: GMA-7, wala pang maibibigay na timeslot kay Willie Revillame
JERRY OLEA
Akala natin ay Oktubre 2 magbabalik sa ere ang Wowowin, na ang target timeslot ay Lunes hanggang Biyernes ng 5:00-6:30 pm sa PTV 4 at IBC 13.
Pero malapit nang mag-December, wala pa tayong naririnig kung kailan ba ang pilot telecast nito.
Bali-balitang ibabalik ng Kapamilya Channel ang It’s Your Lucky Day by February 2024.
Hindi raw ito magiging pre-programming ng It’s Showtime, kaya malamang na late afternoon ang timeslot nito.
If ever, makakatapat kaya ng It’s Your Lucky Day ang Wowowin?
Read: It's Your Lucky Day, magtutuluy-tuloy na sa ere kahit bumalik ang 'It's Showtime'?
NOEL FERRER
Anyare sa Wowowin? Bakit kaya hindi ito natuloy sa bago nitong tahanan talaga? Baka bagong Willie ang hinihintay ng mga tao?
Kung ano man yun, mangyayari yun sa tamang rason at tamang panahon. Hintayin na lang natin.
