PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Tolentino Gets Indecent Offers for Herlene

Herlene Budol, pipirma na sa Sparkle sa 2024.
by PEP Troika
Published Nov 21, 2023
wilbert tolentino herlene budol
Wilbert Tolentino on former talent Herlene Budol: “Sa kanya ko pa rin itinatapon yung mga project pag may nag-i-inquire sa akin. Ibinabato ko pa rin sa kanya. Hindi naman natatapos yung pagkasabi kong pagka-resign ko sa pagiging manager sa kanya. Andoon pa rin yung relationship na nasimulan namin. Kung ano yung napagsimulan namin, ganun, continuous lang kami."
PHOTO/S: Jerry Olea / @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Noong Hulyo 31, 2023 pa nagbitaw si Wilbert Tolentino bilang manager ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages

Ano na ang status ng relasyon nilang dalawa? Friends na lang?

“As a mentor,” sambit ni Wilbert sa product launch ng Kavoguera by Mary Letim nitong Nobyembre 20, 2023, Lunes ng hapon, sa Silver Lotus Events Place, Timog Avenue, Quezon City.

“Humihingi pa rin siya sa akin ng mga advices. For example, nasa Black Rider siya ngayon. ‘O, Mima, kumusta itong acting ko?’

“Kasi nagko-call attention pa rin ako sa kanya. And then by heart, lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Nak, dito lang ako para sa yo.’

“So ayun, we are just waiting, ayan. Siguro ilo-launch siya by January, pipirma na siya sa Sparkle, ayan.”

Hanggang ngayon ay ikinukunsidera raw ni Herlene si Wilbert as her manager. At marami pa ring lumalapit kay Wilbert para kunin si Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa kanya ko pa rin itinatapon yung mga project pag may nag-i-inquire sa akin. Ibinabato ko pa rin sa kanya,” sabi ni Wilbert.

“Hindi naman natatapos yung pagkasabi kong pagka-resign ko sa pagiging manager sa kanya.

“Andoon pa rin yung relationship na nasimulan namin. Kung ano yung napagsimulan namin, ganun, continuous lang kami.

“Tulad ni Madam Inutz, ganun din. Si Madam Inutz naman, naka-set na siya as a negosyante. Kasi, mas pinili niya love life kesa karera.”

Tinuruan ni Wilbert si Herlene ng mga strategy, kagaya ng kung paano makitungo sa mga tao.

“Hindi niya ako bina-bypass. Pag may mga inquiry, idinadaan niya pa rin sa akin,” pakli ni Wilbert.

Kasama ba sa mga inquiry iyong indecent proposals?

“Ay, opo! Andami po. Napakadami po. Sobrang dami! Sobrang binabarag ko talaga!” bulalas ni Wilbert.

“Yung mga iba kasi, pag nagsabi sa akin na, ‘Si Herlene ba, pa-walk ba?’ Sabi ko, ‘Isang message niyo pa, ipapahuli ko talaga kayo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Binabarag ko. Kasi, pangit, e. Hindi naman ganun yung bata tapos napagkakamalan nila na kapag ganyan, baka nagwo-walk.

“No, sabi ko, ayun. Family-oriented siya. At ano lang talaga, medyo… siya lang talaga meron isang karakter na ganyan sa GMA.

“Kaya I hope na sana, si Kapuso Network ay bigyan pa siya ng more, more project.”

Anong reaksiyon ni Herlene sa mga indecent proposal? Na-offend ba siya, na-hurt?

“Usually sinasabi niya sa akin, ‘Mima, o, tingnan mo, may nagme-message pa sa akin ng ganun.’

“Minsan sinasabi ko, ‘Akina yan, ako ang magbabarag diyan!’ So, ako na ang nagre-reply.

“Sabi ko, ‘May problema ka po? Si Wilbert nga pala ito, manager niya.’ Ganun.”

“Noon pa yun, nung manager pa niya ako. Pero ngayon, sobrang in touch naman siya.

“Halimbawa, sinasabihan ko siya, may mga episode tulad sa Magandang Dilag, sinasabi ko, ‘Medyo low energy ka dun.’

“Pag dumaan sa news feed ko, sinasabihan ko siya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Herlene Budol explains resignation of Wilbert Tolentino as her manager

Lalakad o lalahok pa ba si Herlene sa beauty contest?

Napabuntong-hininga si Wilbert, “Sinabi ko naman sa kanya, ‘There’s always room for improvement.’

“And sabi ko nga sa kanya, ‘Bata ka pa, at…’ Actually, nung Miss Grand na yun, kaka-start lang niyang mag-enrol ng English speaking, ayun.

“So since hectic yung time niya, lahat ng ano, kanan-kaliwa kasi nung bago ako umalis sa kanya, yung mga schedule na iniwan ko sa kanya ay kailangan pa niyang ma-accomplish.

“Tuluy-tuloy kasi yung mga guesting niya, mga endorsement niya. Ayun po.”

Maliban sa Black Rider, magge-guest din si Herlene sa Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Ano ang priority ni Herlene ngayon, pageantry o pag-aartista?

“Well, nasa puso niya talaga yung pagiging aktres na talaga. Kasi, sinabi ko sa kanya yun,” tugon ni Wilbert.

“Sa akin galing yung word na make-or-break niya yun. Kasi, the moment na nakausap ko si Madam Atty. Annette Gozon-Valdes [of GMA-7], ang sabi ko lang sa kanya, ‘Sana matulungan niyo po ako na bigyan ng isang project na maganda para kay Herlene.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobra akong grateful sa Kapuso Network dahil ibinigay naman niya yung pagkakataon, yung pagiging lead role niya, Magandang Dilag.

“Nilagay naman niya sa puso yon. Kaya maganda yung ratings niya, maganda yung outcome po niya.

“So sabi niya, minahal na niya yung pagiging aktres niya.”

Read: Herlene Budol di nagmamadaling magkaroon ng follow-up project pagkatapos ng Magandang Dilag

Pinayuhan niya si Herlene na huwag munang mag-love life?

“Opo, ako po. Pasensiya na po,” pagngiti ni Wilbert.

“Kasi siyempre, pag maaga siyang mag-ano, pag naano na siya, tapos na ang karera niya. Hanggang diyan na lang.

“Sabi ko nga, i-maximize niya yung capability pa. Kasi 24 pa lang yung bata, so meron pa siyang at least three years.

“E, kung Miss Universe nga ngayon, meron nang misis ngayon, sabi ko. ‘So, huwag mong hintuin yung pagiging artista mo. Habang mainit ka, go mo lang yan.’ Ayun.”

By the way, celebrity make-up artist si Mary Letim at kabilang sa clients niya sina Herlene Budol, Wilbert Tolentino, Regine Tolentino, at Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

wilbert tolentino mary letim

Wilbert Tolentino and Mary Letim

GORGY RULA

Next year pa raw talaga official na magiging talent ng Sparkle si Herlene Budol. Pero may handler na siya ngayon mula sa naturang talent arm ng GMA Artist Center, dahil binitiwan na siya ni Wilbert.

Maaring may naitulong si Herlene sa Black Rider dahil pataas na rin ang rating nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung Lunes, November 20, kung saan pumasok na si Herlene ay naka-13.1% ito, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 15.8%.

May mga nagsasabi ngang dapat na bigyan na raw ng pam-primetime si Herlene.

Ibabalik kaya nila ang mala-First Lady na tipo ng drama series na naglunsad kay Sanya Lopez?

May mga nagku-comment kasi na dapat hindi raw tinatapatan ng action din ang bonggang action ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. Kaya malay natin, baka kayang patumbahin ni Herlene ang teleserye ni Coco.

May dala kasing suwerte si Herlene, at ma-handle lang ito nang mabuti, puwede talaga siyang maging big star dahil may sarili siyang karakter.

Ang dinig namin, isasali rin si Herlene sa Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Pero sa ilang episodes lang daw siya kasali.

NOEL FERRER

Ibang klase rin ang pinagdaanan nina Herlene at Wilbert, at mas okay na mag-focus sila sa kani-kanyang pinagkakaabalahan, at maging mahusay rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Less drama, less hype, pure talent na talaga at goodwill ang labanan ngayon para hindi flash in the pan kundi pangmatagalan ang career!!!

Good luck!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Tolentino on former talent Herlene Budol: “Sa kanya ko pa rin itinatapon yung mga project pag may nag-i-inquire sa akin. Ibinabato ko pa rin sa kanya. Hindi naman natatapos yung pagkasabi kong pagka-resign ko sa pagiging manager sa kanya. Andoon pa rin yung relationship na nasimulan namin. Kung ano yung napagsimulan namin, ganun, continuous lang kami."
PHOTO/S: Jerry Olea / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results