GORGY RULA
Suportado ni Ara Mina ang bagong online show na mapapanood sa Glitter Channel ni Direk Perry Escaño.
Pinamagatan itong Glitter Entertainment Chatter Show na magsisimula na sa December 3, Linggo ng 4:00 p.m., sa Glitter Channel Facebook at may replay sa YouTube Channel ng Glitter.
Read: Ara Mina feels “very surreal” watching herself host dream lifestyle show
Main host nito ang Star Magic artist na si Aya Fernandez kasama ang mga bagong Starkada ng NET 25's Star Center Artists na sina Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, at Celyn David.
Co-hosts din dito ang iba pang Starkada artists na sina Bo Bautista, Miyuki de Leon, at Via Lorica.

Sa pilot episode nito ay special guest si Ara, at ang showbiz guru na si Aster Amoyo na isa sa special awardees ng 6th The EDDYS sa Nobyembre 26, Linggo ng gabi, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.
Bilang suporta na rin sa mga bagong stars ng NET 25, sumama si Ara sa media launch nito nung Miyerkules, November 22, na ginanap sa Kenny Roger's sa NET 25 compound.
Doon na rin ibinahagi ni Ara ang balak niya sa 2024.
Bukod sa regular show niya sa NET 25 na Magandang Araw, kasama rin siya sa sitcom na Jack & Jill sa TV5, at meron pa raw siyang gagawing drama series sa TV5.
Read: Ara Mina may bagong showbiz title: "Queen of all networks"
Ang isa pa raw sa pinaghahandaan niya sa susunod na taon ay ang gagawin niyang concert.
Gusto raw niyang mapaaga ito, o baka sa first quarter ng 2024 dahil gusto na niyang ituloy ang plano nila ng asawa niyang si Dave Almarinez na magka-baby.
Puwede naman daw siyang magtrabaho kahit buntis siya, basta naka-prioritize next year ay magka-baby na sila.
Aniya, “I remember, five months pregnant ako dun sa daughter ko, I'm still taping. Kaya ko pa naman mag-taping hanggang five to six months, if they will allow me, bago ako manganak.
"So, yun! Pero next year naka-plan na ako na magbi-baby na kami ng husband ko."
Read: Ara Mina, ayaw magpa-pressure sa pagkakaroon ng baby
JERRY OLEA
Sabi pa ni Ara, nung huling check-up niya sa kanyang OB-Gyne, wala naman daw problema sa kanya. Puwede pa raw siyang mabuntis.
"I had my check up, okay naman daw. That was early last year. So, I think this December papa-check ako ulit.
"Siyempre, I'm not getting any younger. Pero kaya ko pa daw, kasi normal naman ako dun sa first baby ko.
"So, let's see. I hope, kaya pa rin naman. Pero hindi ko na papaabutin ng 2025 kasi I want to have a Dragon baby."
Read: Ara Mina on having a baby: “I’m giving myself one year na mag-try.”
NOEL FERRER
Pero kung sakali, okay ba kay Ara ang dumaan sa ibang proseso kagaya ng in vitro fertilization o kaya sa surrogacy?
"Surrogacy, I'm not sure, but IVF, I think," pakli niya.
"Hindi pa naman ako magpapa-store kasi puwede pa. I mean, naka-schedule na next year na plano ko mag-baby, e.
"Yung mga nagpapa-store yung tipong wala pang partner, di ba? Na hindi kasiguraduhan kung kailan siya mabubuntis.
"E, ako naman, may asawa naman. Anytime na gustuhin ko na hindi ako mag-aano, puwede na akong mabuntis anytime.
"But nagku-control na rin kami ng husband ko, kasi may tinatapos pa akong mga projects at medyo busy pa siya," dagdag niyang pahayag.
Suportado rin daw niya ang bagong business ng asawa niya na malapit na ring ilunsad.
"I'm very excited to share all of you na yung bagong business namin na ilu-launch this December, ng E-Force Ventures.
"Sobrang excited ako dun kasi medyo malaking business ito na makakatulong, na marami kaming mabibigyan ng trabaho. Malalaman nyo naman yan very soon, malapit na December.
"Help us na maging maingay ito, kasi marami talagang mabibigyan ng trabaho itong business na ito."
Masarap lang tulungan si Ara dahil sa mabuti niyang puso sa yumaong kaibigan nating si Leo Bukas. May she be continuously blessed.
