PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu hinalay sa loob ng MRT train

"Pulis talaga, naka-uniform. Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa ko."
by PEP Troika
Published Nov 25, 2023
Dustin Yu
Nakaranas ng panghahalay sa loob ng masikip na tren ng MRT si Dustin Yu nung kanyang kabataan.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

May gay “experience” na ang 22-anyos na Kapuso young actor na si Dustin Yu.

Nangyari ang “encounter” apat na taon na ang lumipas, noong 18-anyos pa lamang siya.

Ipinagtapat ito ni Dustin sa premiere night ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme (SRRE) nitong Nobyembre 24, 2023, Biyernes sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Pagsisiwalat ni Dustin, “Nangyari nun, sumakay ako ng MRT, first time ko. 'Tapos yung dalawang kamay ko, nakasabit sa sabitan.

“'Tapos parang may pulis na… pulis talaga, naka-uniform. Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa ko.

“So ako, nanginig kasi ako. Kasi parang pulis ka, 'tapos bata pa ako… talagang kinapa-kapa niya yung private part ko.

“So sobrang tagal kong nag-recover dun sa experience na yun. Siguro, one and a half year.”

Pa-Ortigas MRT station noon si Dustin. Pupuntahan niya that time ang kanyang ex-girlfriend.

“Nanginig ako. Saka masikip kasi, yung dalawang kamay ko, nakasabit. Sobrang sikip,” sambit ni Dustin.

NOEL FERRER

Pagkatapos ng bad experience na iyon, nagkaroon ba siya ng phobia sa pulis?

“Meron, pero nakatulong yung showbiz para ipaintindi sa akin na hindi naman pala lahat ng ganun ay ganun,” sabi ni Dustin.

Pagkalabas ni Dustin sa MRT station ay tinangka niyang litratuhan ang nanghalay sa kanya, pero nanginginig pa raw siya nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nagawa.

Sa mga event o mall show ay hindi pa raw siya nahihipuan ng fan, babae man o bading.

“If ever man na mangyari yun, hindi ko na iisipin na sinadya niya,” pakli ni Dustin.

Siyanga pala, may advanced screening ang Shake, Rattle & Roll Extreme bukas, Nobyembre 26, Linggo ng 4:00 pm sa Market Market, BGC, Taguig City.

Ang showing sa mga sinehan ng Regal horror trilogy ay sa Nobyembre 29, Miyerkules.

Kabilang sa cast nito sina Iza Calzado, Donna Cariaga, Miggs Cuaderno, Angel Guardian, RK Bagatsing, Jane Oineza, Paul Salas, Ninong Ry, Phi Palmos, Elle Villanueva, AC Bonifacio, Jane de Leon, Paolo Gumabao, Rob Gomez, Bryce Eusebio, Sarah Edwards, at marami pang iba.

GORGY RULA

Nakatatlong girlfriend na si Dustin. Yung huling syota niya, tumagal nang eight years ang kanilang relasyon.

Hindi raw marunong “lumandi” sa babae si Dustin. Ang ginagawa niya, kinakausap muna at kinakaibigan ang babae.

Paano kung bading ang lumandi o humarot sa kanya?

“I think, ahhmm, sa lahat kasi ng bagay, may boundaries yan, e,” mahinahong lahad ni Dustin.

“So yung talagang ano lang, flirt-flirt lang na joke-joke lang, OK lang. Kaya kong sakyan yan…

“Pero yung talagang parang ano na, seryoso na, na may mararamdaman na ako or ano… siyempre matagal pa naman yun bago umabot sa ganun, e.

“Ahhmm... siguro medyo pagsasabihan ko siya nang maayos.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakaranas ng panghahalay sa loob ng masikip na tren ng MRT si Dustin Yu nung kanyang kabataan.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results