PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo Pascual sa Poster ng Replacing Chef Chico

Hindi kasi namin mapigilang mag-react sa billboard nila sa Skyway 3.
by PEP Troika
Published Nov 26, 2023
Piolo Pascual, Alessandra de Rossi
Kahit na mas bida si Alessandra de Rossi (kanan) at Sam Milby (wala sa photo) sa Replacing Chef Chico, dapat na mauna sa billing si Piolo Pascual (kaliwa) o kaya ay may "and" bago ang pangalan niya kung huli man siyang nabanggit sa poster ng Netflix-produced Philippine series.
PHOTO/S: Netflix

JERRY OLEA

Tatlong araw nang nangunguna ang Squid Game: The Challenge sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix, mula Nobyembre 24 hanggang 26.

Nanatiling kampeon ang nasabing British reality competition TV series kahit nag-streaming na ang Replacing Chef Chico nina Alessandra de Rossi, Sam Milby, at Piolo Pascual.

Pumuwesto sa number 2 ang serye ni Alessandra, kaya for the first time ay napunta sa third place ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love.

Ang logline ng Replacing Chef Chico, “When a head chef falls into a coma, it’s up to his devoted sous-chef to keep their Filipino fine dining restaurant from closing down.”

Walong episodes ang Replacing Chef Chico, at 32 to 36 minutes ang running time ng bawat episode.

Nasa cast din nito sina Joel Saracho, Yesh Burce, Angie Castrence, Paulo Angeles, at DMs Boongaling. Idinirek ito ni Dan Villegas.

Ang Top 10 TV Shows sa Netflix PH ngayong Nobyembre 26, Linggo — Squid Game: The Challenge, Replacing Chef Chico, Can’t Buy Me Love, Jujutsu Kaisen, My Demon, Strong Girl Nam-soon, Castaway Diva, My Daemon, Daily Dose of Sunshine, at Young Sheldon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netflix top shows

Samantala, ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Leo, Believer 2, Escape Room, War of the Planet of the Apes, Third World Romance, Dawn of the Planet of the Apes, See You On Venus, Believer, The Killer, at Twilight.

GORGY RULA

Talagang intended for streaming service kagaya ng Netflix itong Replacing Chef Chico.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang ginawa si Chef Chico diyan—na ginagampanan ni Sam Milby—kundi ang magmura. Pawang 'f' word ang lumalabas sa bibig.

Sam Milby

Okey naman ang first episode na nasilip ko, na kakaiba ang approach sa kuwento ng tema ng pagluluto.

Sinimulan ang kuwento sa kalagayan ng Hain restaurant ni Chef Chico na sinusubukan ng pamilya kung tatagal pa ito sa loob ng anim na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano nila ito ipaglalaban para umangat at maging isa sa pinaka-the best na restaurant sa buong Asya?

Taliwas ito sa isang regular customer nilang ginagampanan ni Gina Alajar na isang cancer patient, na tanggap nang malapit na siyang pumanaw, pagkatapos siyang taningan ng kanyang doktor ng tatlong buwan.

Lutang na lutang na agad si Alessandra sa unang episode pa lang. Siya naman ang siguro ang pinakabida rito.

Alessandra de Rossi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero siyempre sa kanilang tatlo, si Piolo Pascual ang pinaka-big star kaya tama naman ang billing na ang pangalan ni Papa P ang mauuna, sumusunod si Alessandra at si Sam Milby na.

Replacing Chef Chico

Hindi kasi namin napigilang mag-react sa billing nilang tatlo sa billboard nito na araw-araw naming nadadaanan sa Skyway 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna ang pangalan ni Sam, sumunod si Alessandra at panghuli si Piolo na wala namang "and."

Replacing Chef Chico

Kahit mas malaki ang role nina Alessandra at Sam, dapat na mauna pa rin si Piolo.

NOEL FERRER

Paglalaanan ko ng oras itong Replacing Chef Chico dahil gusto kong suportahan ang efforts ng mga katulad ng Cornerstone at ang Project 8 Productions nina Direks Dan at Tonet Jadaone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda na ang group din nina Rambo at Tita Marilen Nuñez ay kasama sa pag-mount ng promo campaign at events para sa nasabing series.

Ganito na ngayon talaga ang dapat mangyari — collab, tulungan para sa mas magandang content/output.

At dapat nating suportahan para masundan pa ng maraming magagaling na palabas galing sa grupong ito na kilala sa paggawa ng mga panooring mahuhusay at nakakaaliw.

All the best!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na mas bida si Alessandra de Rossi (kanan) at Sam Milby (wala sa photo) sa Replacing Chef Chico, dapat na mauna sa billing si Piolo Pascual (kaliwa) o kaya ay may "and" bago ang pangalan niya kung huli man siyang nabanggit sa poster ng Netflix-produced Philippine series.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results