JERRY OLEA
First birthday celebration ng daughter ni Rob Gomez na si Amelia sa Disyembre 5. Ka-join ba siya sa pagtitipon?
“Of course!” bulalas ni Rob sa premiere night ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme nitong Nobyembre 24, Biyernes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
“I have to be there.”
Kasama siya sa preparations para sa party?
“Yes, yes, yes.”
May communication sila ni Shaila Rebortera, ang mother ng kanyang daughter?
“Yes po. But you know… pray, pray, pray na huwag sana ma-jinx lahat.”
OK na ba sila ni Shaila?
“Hmmn I’m still working on it. Still working on it. Baka ma-jinx, e. Baka ma-jinx.”
Big party ba iyon?
“I hope, I hope, I hope. Iniisip ko nga kung magyayaya ako ng friends. Kasi parang huwag na lang. Ha-ha-ha-ha!” paghalakhak ni Rob.
“Joke lang. Joke lang, joke lang. Joke lang.”
Puwede namang private at sa kanila lang.
“Yun nga ho. Yun ang napag-usapan namin.”
Nagkita na ba sila ng daughter niya mula nang magkahiwalay sila ni Shaila noong Agosto?
“Hindi pa rin po, hindi pa rin po. I have to be honest. But soon, very, very soon. I feel it,” sambit ni Rob.
“I feel it in the spirit of Christmas that everything will be amazing.”
Kilala pa kaya siya ni Amelia kahit mag-aapat na buwan na silang hindi nagkakasama?
“I think so. I think so, it’s been a few months pa lang naman. And I still have a lot of years to make up for the time I lost.”
Ano ang Christmas wish niya?
“Ang Christmas wish ko ho ay makapag-ibang bansa kasama ang daughter ko at ang nanay ng aking daughter,” pagngiti ni Rob.
NOEL FERRER
Inaasam ni Rob na makapagbakasyon sa Japan kasama ang kanyang mag-ina.
“I still have my Japan visa. I haven’t been to Japan yet so… I pray. I pray,” sambit ni Rob.
Bakit gusto niyang sa abroad sila magkakasama?
“Wala lang, para malayo sa industriya nating magulo! Ha-ha-ha-ha! Para masolo ko sila siguro.
“I’m still working on it. First time ko hong nasabi yun, itong surprise plano ko sana.
“Makikita niya ho siguro ito. At nais ko lang iklaro, mahal na mahal ko sila pareho. Mahal na mahal ko sila pareho.”
GORGY RULA
Pagkatapos ng Magandang Dilag nila ni Herlene Budol, napapanood naman si Rob sa late primetime series na Lovers/Liars kung saan gay lovers sila ni Polo Ravales.
First movie ni Rob na ipapalabas sa mga sinehan itong Shake, Rattle & Roll Extreme umpisa Nobyembre 29, Miyerkules.
Pero meron pa itong advanced screening ngayong Nobyembre 26, Linggo ng 4:00 pm sa Market Market sa BGC sa Taguig City.
Ang first movie ni Rob ay ang A Girl and A Guy (2021) na nag-streaming lang. Bida sila rito ni Alexa Miro, sa direksyon ni Erik Matti.
Ang pralala noong una ay may frontal nudity si Rob sa A Girl and A Guy, pero hanggang butt exposure lang pala siya. Keri na ba niya ngayon ang extreme nudity?
“Paano ho ang extreme nudity? Frontal, ganun? Wala. Parang hindi ho. Hindi ho,” tugon ni Rob.
“Wala din naman siya sa plano ng manager ko na si Tito Dondon [Monteverde] at si Sir Charlie [Dy], mga taong nag-aalaga ho sa akin at nagtitiwala pa din sa akin hanggang ngayon.
“Na ang laki ng taos-puso ko sa kanila, kasi hindi nila ako pinabayaan.”
