PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna proud sa mga papuring natatanggap ng anak na si Tali

Second baby nina Pauleen at Bossing Vic, kamukha raw ni Tali.
by PEP Troika
Published Nov 26, 2023
Pauleen Luna, Tali Sotto
Proud na proud si Pauleen Luna kapag nakakarinig na papuri sa mga teacher ng anak niyang si Tali, dahil sa pagiging mabait at magalang nito.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Lalong na-excite si Pauleen Luna nang nakita niya ang 4D ng ultrasound ng baby na ipinagbubuntis niya.

Sa 4D kasi ay nakikita na ang mukha ng baby, at ang linaw raw na kamukha ito ng panganay nilang si Talitha.

Sabi niya sa akin nang kinumusta ko siya ngayong Linggo, November 26, “Alam mo, kuya, kamukha niya si Tali. Sa tingin ko, parang kambal lang sila."

Kinikilig siya na ikinuwento sa amin, dahil nakikita na niya ang itsura ng baby. Hindi pa raw niya ito ipinost sa kanyang social media account.

Nasa-29th week na ang ipinagbubuntis ni Pauleen at sa February next year ang due nito. Pero hindi na raw siya magugulat kung mapapaaga ang panganganak niya, baka bandang last week of January.

Ganun din daw ang nangyari sa kanya noon kay Tali na maaga rin niya iniluwal via caesarian section.

May naisip na raw na ipapangalan si Pauleen sa kanilang magiging bunso, pero ayaw pa niyang sabihin sa akin. Pagkapanganak na lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, magkapareho raw sila ng initials ng buong pangalan ni Tali.

NOEL FERRER

Bukod sa magiging healthy lang ang baby, ang isa sa ipinagdarasal ni Pauleen ay magiging kasimbait daw ni Talitha ang baby sister nito.

Laging sinasabi sa amin ni Pauleen na napakagalang at ang bait ni Tali. Laging pinupuri raw ito ng mga teachers niya, dahil natutuwa raw sila sa kabaitan ng bagets.

Sabi ni Pauleen, “Ako grabe, I take so much pride in how good and kind Tali is. Pag may lumalapit sa akin, sinasabi na ang galang-galang na bata, daig ko pa ang nanalo sa lotto."

Nasa Kindergarten na si Tali at nag-e-enjoy raw ito sa kanyang pag-aaral, lalo na't ang dami niyang kaibigan sa school.

Ito na kaya ang last na baby or susundan pa ito after Baby #2?

Feeling ko… more, more, more!!!

JERRY OLEA

Kung nababalita ang kabaitan ni Tali, iba ang naulinigan ng PEP Troika kaugnay sa daughter ng isang magandang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pagka-bully-wooly ito, kaya raw umalis sa school ang dalawang classmates nito.

Kanino kaya nagmana ang batang bully?

Nawa’y madisiplina ito ng magandang aktres at ma-inculcate dito ang GMRC sa lalong madaling panahon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud na proud si Pauleen Luna kapag nakakarinig na papuri sa mga teacher ng anak niyang si Tali, dahil sa pagiging mabait at magalang nito.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results