PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis-Bea Alonzo reconciliation, fated to happen?

Pero ano naman ang mangyayari pag nagkita sina Manay Lolit at Shirley Kuan?
by PEP Troika
Published Nov 26, 2023
Rei Anicoche-Tan
Lolit Solis
Bea Alonzo
Was it only a matter of time bago magkabati sina Manay Lolit Solis (center) at Bea Alonzo (kanan)? Nangyari ang good vibes na reconciliation sa birthday celebration ng Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan (kaliwa) kahapon, Sabado, November 25, sa Luxent Hotel, Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Marso 25, 2022 inilunsad si Bea Alonzo sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City bilang bagong endorser ng Beautederm.

Nasa listahan ng mga imbitadong panauhin sa media launch si Manay Lolit Solis at ang malalapit sa kanya na si Salve Asis at ka-Troikang Gorgy Rula.

Ipinatanggal ng manager ni Bea na si Shirley Kuan sina Manay Lolit, Gorgy at Salve sa listahan ng mga imbitado sa presscon.

Hindi nagustuhan ni Shirley ang isang post ni Manay Lolit sa Instagram (of which si Salve ang admin) kaugnay kay Bea.

Iyong pag-disinvite kina Manay Lolit, Salve at Gorgy sa media launch ang naging mitsa para i-“festival” ni Manay Lolit si Bea.

Panay-panay ang pang-ookray ni Manay Lolit sa premyadong aktres, at nagsanga-sanga ang isyu. Nadawit ang iba pang mga tao.

Sa 43rd birthday celebration ni Ms. Rei Anicoche-Tan na CEO ng Beautéderm nitong Nobyembre 25 sa Luxent Hotel, bandang 2:00 pm pa lang ay andoon na si Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lolit Solis

Hanggang 5:00 pm lang siya makikisaya sa pagtitipon dahil sa kanyang health condition. Mula noong Hulyo 2022 ay dina-dialysis si Manay Lolit tuwing Martes at Biyernes sa isang ospital sa Quezon City.

Bago mag-5:00 pm ay dumating si Bea sa birthday celebration ni Ms. Rei. Nagbibigay ng birthday message si Bea para sa celebrator nang lumapit sa mga ito si Manay Lolit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rei Anicoche-Tan
Lolit Solis
Bea Alonzo

Humingi si Manay Lolit ng paumahin kay Bea. Masayang-masaya siyempre si Ms. Rei na nagsabi, “Hindi ko kayang i-give up silang dalawa sa buhay ko.

“Love na love ko silang dalawa. Thank you, Tita!”

Matapos ang interbyuhan kina Bea, Ms. Rei at Manay Lolit, naghanda na si Manay Lolit na umuwi. Baka isipin ng iba na magwo-walk out siya?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman. Kasi nga, si Dra. Salve, overtime na daw ako sa kalye. Kanina pa siya nagagalit! Si Dra. Salve, di ba?!” bulalas ni Manay Lolit.

Ano ang feeling niya na OK na sila ni Bea?

“OK lang. Parang magaan. Di ba? Kasi, sinabi ko naman before, kahit saan ko siya makita, magso-sorry ako. Lalapitan ko siya.”

Nilinaw ni Manay Lolit na hindi niya alam na darating si Bea sa pagtitipon. Posible rin kasing magkasalisi sila.

Pagkaalis ni Manay Lolit sa party, nagtagal-tagal pa siya, at nag-bonding-bonding sila ni Ms. Rei.

Pagkaalis ni Bea, isa ako sa mga nilapitan ni Ms. Rei. Kuwento ng celebrator, nagulat daw si Bea at hindi malaman ang sasabihin nang lumapit si Manay Lolit at nag-sorry.

“Masaya si Bea. Magaan ang pakiramdam niya sa pagso-sorry ni Tita Lolit,” sey ni Ms. Rei.

READ: Bea Alonzo and Lolit Solis patch things up

GORGY RULA:

Nakita ko ang pagdating ni Bea Alonzo sa birthday party ni Ms. Rei Anicoche-Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok siya pagkatawag nina DJ Jaiho at DJ Cha Cha, at napa-"wow!" si Manay Lolit Solis.

Nagkagulo na ang media sa gitna para sa photo op kay Bea kasama si Ms. Rei at ibang celebrity endorsers na dumalo.

Kaagad na tumayo si Manay Lolit dahil gusto na niyang lapitan si Bea. Magsu-sorry raw siya.

Noon ko pa naman narinig na sinasabi niyang magsu-sorry siya kay Bea kapag makita niya ito.

Pinigilan ko muna siya. Sinabihan kong lapitan na lang niya kapag nasa table na. Sabi ko kay Manay Lolit, baka isipin ng iba nagnanakaw-eksena siya.

Tumigil siya sandali. Pero hindi na siya nagpaawat, tuluy-tuloy na siyang lumapit kay Bea.

Nakita agad ni Bea na lumalapit sa lugar nila si Manay Lolit. Kaagad siyang umalis sa grupo ng mga nagpa-picture at lumapit na kay Manay Lolit.

Sinalubong na niya ang talent manager-columnist at doon na sila nagkausap.

Hindi na napigilan ang mga reporters na nagkumpulan para kunan ang kanilang pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan ko nang mangyayari iyun, kapag magkita silang dalawa.

Ang hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag magkita sina Manay Lolit Solis at Shirley Kuan.

Sana, huwag na!

NOEL FERRER:

All’s well that ends well.

Maaayos din ang lahat, sa tamang panahon.

Ipagdarasal natin iyan. Basta para sa kabutihan, mangyayari ang dapat mangyari.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Was it only a matter of time bago magkabati sina Manay Lolit Solis (center) at Bea Alonzo (kanan)? Nangyari ang good vibes na reconciliation sa birthday celebration ng Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan (kaliwa) kahapon, Sabado, November 25, sa Luxent Hotel, Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results