GORGY RULA
Hindi na nagpa-interview si Maja Salvador nang binati namin sa birthday celebration ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa Luxent Hotel nung Sabado, November 25, 2023.
Ayaw na niyang magsalita tungkol sa isyung mawawala na raw sa ere ang sitcom nila ni Vic Sotto sa GMA-7 na Open 24/7. Wala naman daw kasi silang problema sa naturang sitcom dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping nila.
"Sa Tuesday, may taping kami. Okay naman. Wala namang sinasabi sa amin," kaswal na sagot ni Maja.
Sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme sa SM Megamall noong Biyernes, Nobyembre 24, nakatsikahan namin ang magka-love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Kasali sila sa Open 24/7 at nagtataka raw sila bakit may ganung isyu, e, wala naman daw sinasabi sa kanila.
Nasa third season na ang naturang sitcom at nakapag-tape na nga raw sila hanggang next year.
"Tuluy-tuloy po ang taping," bulalas ni Sofia.
Read: Sofia Pablo explains why she cried at mediacon with Vic Sotto, Maja Salvador
Sabi naman ni Allen, “Actually, nakapag-taping na po kami ng hanggang January next year. Tuluy-tuloy po siya.
"May mga nakapagtanong na nga sa amin, may nakita raw po na writeups na ganun po.”
Hindi rin naman daw nila ito pinag-uusapan, at masaya lang sila sa set. Panay raw ang patawa sa kanila ni Jose Manalo, at hindi nila naramdaman na malapit na silang matapos.
"Actually, every taping po napagkukuwentuhan namin yung mga upcoming na mga episodes na ganito ang mangyayari. So, tuluy-tuloy po talaga siya," sabi uli ni Sofia.
Siyanga pala, showing na sa mga sinehan ang Shake, Rattle & Roll Extreme umpisa Miyerkules, Nobyembre 29.
JERRY OLEA
Nagkaroon ng ganoong intriga dahil sa napabalitang magkakaroon din ng sitcom si Vic Sotto sa TV5.
Sabi naman ng misis ni Bossing Vic na si Pauleen Luna-Sotto nang nakausap siya ng PEP Troika, matagal nang na-propose yung sitcom sa TV5 at ngayon lang ikinasa.
Sa pagkakaalam daw niya, tuloy pa rin ang Open 24/7 sa GMA-7.
Kung matutuloy man ang sitcom ni Bossing Vic sa TV5, tinitiyak daw nilang hindi nito makakatapat o parehong araw sa timeslot ng Open 24/7.
NOEL FERRER
Meron na bang precedent na ang isang comedian ay bida sa dalawang sitcom na parehong umeere sa magkalabang network?
No wonder, nang mapabalitang kasado na ang sitcom ni Bossing Vic sa TV5, may mga nag-assume na magwawakas na ang sitcom niyang 24/7 sa GMA.
Well, wait and see tayo sa mga kaganapan!
