PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kitkat on Janno Gibbs Issue |

Kitkat di raw papansinin si Janno Gibbs pag nagkita sila.
by PEP Troika
Published Nov 27, 2023
kitkat janno gibbs feud
Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng sigalot sina Kitkat at Janno Gibbs nang magkasama sila dating NET 25 show na Happy Time, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos.
PHOTO/S: Jerry Olea / @jannolategibbs on Instagram

JERRY OLEA

Noong Pebrero 2021 pa sumabog ang isyu nina Kitkat at Janno Gibbs sa noontime show na Happy Time ng NET25.

Read: Kitkat details her version of cursing incident with Janno Gibbs: "Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya."

Matagal nang wala ang Happy Time. Wala na rin ba yung sigalot nila ni Janno?

“Ay! Meron pa rin, charot!!! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Kitkat nang makatsikahan ko sa birthday celebration ni Ms. Rei Anicoche Tan na CEO ng Beautederm noong Nobyembre 25, 2023, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Nawala na rin sa NET25 ang co-host nila sa Happy Time na si Anjo Yllana, na close friend ni Janno.

“Oo, di ba? After naman nung mangyari yun, wala na rin si Anjo at ang Happy Time sa NET25. Ilang months lang, e,” sambit ni Kitkat.

“Ang itinatanong mo ba, kung magkakapatawaran? Puwede namang naghilom pero… not enough para magkabatian, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang move si Janno para mag-sorry?

“Hindi! Saka hindi, parang wala na rin namang saysay. Bakit pa?! Di ba? Parang…”

Read: Janno Gibbs, dalawang linggong "niligawan" si Kitkat pero di pa rin sila nagkasundo

Sa showbiz ba, meron siyang ibang nakaalitan maliban kay Janno?

“Wala, wala. Wala. Yun lang talaga. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Paano pag nagkita sila ni Janno sa isang event?

“Deadma. Ha! Ha! Ha! Ha! Parang hindi nakita. Hangin, ganun. Pero hindi naman para magkaroon pa ng tension or mailang ako or something,” sabi ni Kitkat.

“Hindi naman ganun. Kumbaga, parang… void pa. Kumbaga, hindi ko siya kilala, never siyang sumagi sa utak ko na may pangalang Janno. Charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Di ba? Parang stranger na dumaan, ganun lang.”

Wala ba siyang panghihinayang sa kung ano mang pinagsamahan nila sa Happy Time? May naaalala ba siyang happy moments nila noon?

“Ako, I tried. Ilang months akong nag-try na i-please sila, pero… may mga tao talagang ganun, e,” sabi ni Kitkat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Di ba? Tinatawag na difficult na tao or what. And I’m sure, pag lumabas ito, inilabas niyo na naman ito, baka mag-react na naman siya.”

Read: Kitkat, nakaranas umano ng pambu-bully kina Anjo Yllana at Janno Gibbs; Anjo, ayaw nang palakihin ang isyu

NOEL FERRER

Mas OK na rin lang na mag-move on sina Kitkat at Janno.

OK na si Kitkat sa endorsement niyang ito, at si Janno has reinvented himself as an actor with a lot of creative inputs.

Plus masaya ako na kumakanta at nagso-show na siya ulit. I must say that Janno has one of the pinakamagagandang boses sa music industry natin — and he can still do a lot of things na ikaliligaya ng mga manonood.

Tamang oras lang at tamang break, lalo na kapag may talent ka — at magaling kang makisama, the audience will find you!!!

GORGY RULA

Ano na ba ang pinaggagawa ni Kitkat nowadays?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat ng teleserye, tine-turn down ko. E, siyempre, padede mom ako with no yaya, no maid,” sambit ni Kitkat.

“So kagaya nito, kapag may event, nasa kotse lang ang baby ko at ang daddy.”

One year old na ang baby niya pero bine-breastfeed pa rin niya.

Dagdag ni Kitkat, “Exclusive breastfeeding ako. Pero ang ganap ko ngayon, regular ako sa All Out Sundays.

“Madali lang naman yun. Nagti-taping kami pag Friday, or Saturday. Minsan lang live.”

Ayaw niya munang umaakting-akting bilang pagsaalang-alang sa kanyang baby? Hanggang kailan iyon?

“Hindi, e. Kasi M-W-F tapos 16 hours. Kawawa naman yung… Actually, willing naman yung daddy na sasama sila sa kotse lang.

“Naisip ko lang, kawawa naman yung baby ko. M-W-F, sa kotse natutulog?”

Pag hindi na nagpapadede si Kitkat, plano nilang mag-asawa na magkaroon ng isa pang baby.

Maliban kay Kitkat, present sa birthday payanig ni Ms. Rei sina Bea Alonzo, Manay Lolit Solis, Maja Salvador, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Glydel Mercado, Enchong Dee, Kakai Bautista, Maricel Morales, Jimwell Stevens, Jillian Ward, Ynez Veneracion, Alex Castro, Ervic Vijandre, Ysabel Ortega, Kyle Santiago, Sherilyn Tan, Luke Mejares, Thou Reyes, Thia Tomalia, Rico Robles, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng sigalot sina Kitkat at Janno Gibbs nang magkasama sila dating NET 25 show na Happy Time, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos.
PHOTO/S: Jerry Olea / @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results