JERRY OLEA
Dalawa ang best actress, at dalawa rin ang best film sa 6th The Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Nobyembre 26, 2023, Sabado sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.
“Pare-pareho silang deserving na manalo, kaya I didn’t break the tie,” pahayag ng presidente ng SPEEd na si Eugene Asis ng People’s Journal.
Tabla bilang best actress sina Max Eigenmann at Janine Gutierrez para sa kani-kanyang Cinemalaya 2022 film, 12 Weeks at Bakit Di Mo Sabihin, respectively.

Lotlot de Leon (left) receives the best actress trophy for daughter Janine Gutierrez (right), who tied with Max Eigenmann (center) for the award
Ang best actor ay si Elijah Canlas para sa Cinemalaya 2022 film na Blue Room.
Read: Presenting Cinemalaya 2022 winners; Max Eigenmann wins Best Actress Elijah Canlas
Ang best supporting actress ay si Nikki Valdez para sa MMFF 2022 film na Family Matters, samantalang ang best supporting actor ay si Mon Confiado para sa MMFF 2022 film na Nanahimik Ang Gabi.

Nikki Valdez
Tabla bilang best picture ang Blue Room at Family Matters.
Nakamit din ng Family Matters ang tropeyo para sa best director (Noel Crisostomo Nuval), best screenplay (Mel Mendoza del Rosario), at best theme song ("Sa Hawak Mo" composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena).
Natamo rin ng Blue Room ang parangal para sa best production design (Marxie Maolen Fadul), best editing (Vanessa de Leon), at best musical score (Jazz Nicolas and Mikey Amistoso).
Ang Blue Room ay idinirek ni Ma-an Asuncion Dagñalan, na siyang tumanggap ng award ni Elijah.

Blue Room director Ma-an Asuncion Dagñalan receives the best actor trophy for Elijah Canlas
Nakuha rin ng Nanahimik Ang Gabi ang award para sa best cinematography (Moises Zee) at best sound (Andrea Teresa Idioma at Emilio Bien Sparks).
Ang best visual effects ay ipinagkaloob sa LiveScream (Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor at Geraldine Co) na pinagbidahan ng best actor na si Elijah.
Kahihiwalay lang ni Elijah kay Miles Ocampo, at heto, nagwagi siyang best actor sa 6th The Eddys.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
Bali-balitang break na rin si Janine Gutierrez sa rumored boyfriend na si Paulo Avelino at heto, wagi siyang best actress.
Read: Janine Gutierrez, panalo ng acting award pero lost na ang love life?
Back-to-back ang pagkapanalo ni Mon Confiado bilang best supporting actor sa Eddys. Nagwagi siya last year para sa Arisaka, and this year para sa Nanahimik Ang Gabi.
Read: Mon Confiado at Ian Veneracion, nanghihinayang na hindi nanalong Best Actress si Heaven Peralejo

Mon Confiado
Noong Sabado ay may shooting si Mon para sa Sellblock. Nakiusap siya sa produksiyon kung puwede siyang um-attend sa Eddys kahit sandali. Pinayagan si Mon na umalis ng dinner break.
Bandang 9:00 p.m. siya dumating sa Aliw Theatre. Hanggang 10:00 p.m. lang siya dapat doon at kailangan na siyang bumalik sa set.
E, pagsapit ng 10:00 p.m., in-announce na ang nominees for best supporting actor, at iyon na nga, si Mon ang nagwagi.
At least, na-late man siya nang konti pagbalik sa set ng Sellblock ay may bitbit na siyang trophy.
“Sayang ang moment kung hindi ako nakapunta. Very much appreciated. I’m humbled and honored. Thank you sooo much!” sabi ni Mon.
Ang best supporting actress na si Nikki, hindi rin makapaniwala na magwawagi siya. Nagchichikahan pa raw sila ni Iza Calzado nang tawagin siya bilang winner, at nagulat siya.
Sina Iza at Piolo Pascual ang hosts ng 6th The Eddys, na idinirek ni Eric Quizon para sa Airtime Marketing Philippines.

Piolo Pascual and Iza Calzado
Ito'y sa pakikipagtulungan ng Beautederm, Globe Telecom, Shopee, SMAC, at Tough Mama.
Nagpapasalamat din ang SPEEd kina Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano ng Soundcheck at Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jham Entertainment Production.
Nagsilbing official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).
NOEL FERRER
Si Pops Fernandez ang humataw sa opening production number ng 6th The Eddys, at naghandog din ng bonggang performance si Darren Espanto at ang grupong Calista.

Pops Fernandez

Darren Espanto
Para sa pagbibigay-tribute sa mga yumao nang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino, naghandog ng awitin ang King of Pinoy Teleserye Theme Song si Erik Santos.

Erik Santos
Ang special awards sa 6th The Eddys:
The EDDYS Icons — Niño Muhlach, Aga Muhlach, Snooky Serna

Niño Muhlach, Snooky Serna, and Andres Muhlach (representing his dad Aga Muhlach)
Isah V. Red Award – Herbert Bautista, Coco Martin, and Piolo Pascual
Joe Quirino Award — Veteran entertainment journalist Aster Amoyo
Manny Pichel Award — entertainment columnist Ed de Leon

Aster Amoyo and Ed de Leon
Rising Producer of the Year — Mavx Productions
Producer of the Year — Viva Films
GORGY RULA
Inialay ni Max ang kanyang best actress trophy sa kanyang inang si Bing Pimentel, na siya ring gumanap na ina niya sa pelikulang 12 Weeks.
Read: Presenting Cinemalaya 2022 winners; Max Eigenmann wins Best Actress
Kabilang sa best supporting actor nominees ang kapatid ni Max na si Sid Lucero para sa Vivamax movie na Reroute.
Nominadong best supporting actress si Matet de Leon para sa An Incovenient Love. Best actress nominee si Janine Gutierrez para sa Bakit Di Mo Sabihin.
Hindi um-attend sa Eddys ang magtiyang Matet at Janine. Buti, nandoon ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon para tanggapin ang best actress trophy ng Kapamilya actress.
Hindi rin nakadalo ang tinanghal na best actor na si Elijah Canlas.
Mensahe ni Elijah sa PEP Troika kaugnay sa kanyang pagkapanalo, “Maraming salamat, SPEEd! Means the world. Sayang may work lang kahapon.”
Nasa abroad si Aga Muhlach kaya ang tumanggap ng kanyang special award ay ang anak na si Andres Muhlach, na guwapo na ay matangkad pa kaya marami ang kilig-kiligan sa kanya.

Andres Muhlach
Nagbiro si Niño na lalong nagmumukha siyang punggok with Andres around.
Aba! Mas mataas na rin kay Onin ang anak niyang si Alonzo na isa sa presenters.
Bumilib si FDCP Chairman Tirso Cruz III kay Vilma Santos kung paano nito in-accomodate ang fans na nagpa-picture at nagpa-autograph dito sa fans day noong Sabado sa Tramway Garden Buffet sa Timog Avenue, Quezon City.
Present sa fans day na iyon ni Ate Vi ang co-stars sa MMFF 2023 entry na When I Met You In Tokyo na sina Tirso, Christopher de Leon, Lynn Cruz, at John Gabriel.
Ang laki ng Aliw Theater at sa backstage ay nagkakachikahan ang winners, presenters, honorees, nominees at members ng SPEEd.
Nag-vlog pa roon si Snooky Serna with Ara Mina.
