JERRY OLEA
Fiesta bonanza ang mga marites at marisol kaugnay sa pagkawarak ng pagmamahalan ng isang showbiz couple.
Merong anggulo ng love triangle sangkot ang isang katakam-takam na aktres na ang codename ay "Free Taste."
Ang last straw ay Kapag Napagod Ang Puso (1988) at Dangerous Intentions (1995). Ginawang punching bag ni mister si misis?!
Read: Magandang aktres, may pasabog tungkol sa naranasang pambubugbog?
May young version ang senaryong ito sa magkasintahang aktor at aktres. Mainit ang kanilang pag-iibigan na may Fear Factor din ng karahasan.
Perfect tandem ang Sadista at Masokista, subalit sa umbagan blues na ito, ang biktima ay nagtitiis lamang.
Noon pa man ay away-bati ang young lovers. Kapag Puno Na Ang Salop (1987), kalusin na!
Ang image ng aktor ay mabait, gentleman, disiplinado, at mapagtimpi. Wala sa hitsura niyang mananakit ng babae. Ganoon pala talaga siya.
Hindi si aktor ang mapanakit kundi ang kanyang nobya.
Read: Mahusay na aktor sunud-sunuran sa misis na kilalang aktres pagdating sa career move
Sa sobrang bait ni aktor, hinayaan niya ang umaatikabong sampal, batok, sapok, suntok, at tadyak ni aktres sa kanya.
Hindi iyon matanggap ng mga taong nagmamahal kay aktor, kaya pinahiwalay na siya sa girlfriend.
Naulinigan ng PEP Troika na nakipag-usap na si aktor sa abugado para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa dating karelasyon.
“You are not the darkness you endured. You are the light that refused to surrender.” — John Mark Green
Read: Kaakit-akit na girl, dahilan ng breakup ng dalawang showbiz couples?
NOEL FERRER
Hayyyy, marami tayong nagmamahal lalo na sa mommie dearest ng aktor na ito.
Ang aktres ay naging third party before sa isang nabuwag na love team, di ba?
Hintay na lang tayo hanggang sa lumabas ang tunay na kuwento.
GORGY RULA
Nakakawindang ang ganoong balitang nasagap natin.
Sinubukan kong magtanung-tanong sa ilang taong malapit sa dalawa, wala raw silang alam.
May ilang katrabaho akong napagtanungan. Sabi nila, totoong break na ang dalawa, pero wala raw silang alam sa ilang detalye—kung bakit at kung ano talaga ang mga naganap.
Pati ang handlers ng dalawa ay wala ring sagot.
Pati ang abugadong narinig naming kinausap nila ay ayaw ring magsalita. Wala raw siyang alam.
Nahalata naming tahimik lang talaga sila.
Sana, maayos na lang at hindi na lumaki ang isyung ito. Huwag na sanang umabot sa husgado.
Baka mas mahirap pa sa kanilang mag-move on kung umabot sa ganitong gulo, at patuloy na pag-usapan.
