PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbara Milano balik-showbiz kita

Barbara Milano, ayaw nang banggitin ang pangalan ng nakarelasyong celebrity.
by PEP Troika
Published Nov 28, 2023
barbara milano showbiz comeback
Barbara Milano on celebrity shed had an affair with in the past: "Minahal ko naman po yung tao, tatlong taon na kami nun. Ayoko na lang pong banggitin kasi masaya na siya. Basta ako po, gusto ko mag-concentrate sa pagbabalik ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagbabalik ang dating sexy star na si Barbara Milano pagkatapos niyang makipagsapalaran sa pulitika.

Nakapagbida si Barbara sa ilang sexy movies noong early 2000s na karamihan ay nag-hit sa takilya, pero tinalikuran niya ang showbiz nang magsilbi siya bilang konsehal sa Talavera, Nueva Ecija.

Pero hindi na siya pinalad sa mga sumunod na eleksyon.

Ngayon ay nagbabalik siya sa showbiz sa ilalim ng talent management ni Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Film Production. Matagal nang magkaibigan sina Atty. Topacio at Barbara.

Nung Lunes, November 27, 2023, kasama si Barbara sa mga bagong mukha na inilunsad at gagamitin sa mga naka-line-up na pelikula ng naturang film company. Ginanap ang media launch sa Valle Verde and Country Club.

Dito ay ipinakilala sina Fiona Phoebe, Tala Zaldivar, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella, at ang nagbabalik na si Barbara.

borracho talents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa presscon ay nakalkal ang mga isyung kinasangkutan noon ni Barbara. Isa na rito ang pagkaka-link niya sa isang kilalang male celebrity na namamayagpag ngayon ang political career.

Nakiusap si Barbara, at pati na rin si Atty. Topacio, na huwag nang banggitin ang naturang pulitiko dahil matagal na raw tapos ang isyu nila.

Pero naging emotional si Barbara nang tinanong ng PEP Troika tungkol dito dahil natatandaan pa namin nang nag-guest siya sa Startalk noon para sagutin ang isyung yun.

Napahamak pala siya sa guesting na yun dahil nabanggit niya ang pangalan ng naturang male celebrity.

Lahad ni Barbara, “Tandang-tanda ko po. Dun ko binanggit yung name niya, dun na po nagkagulo na, e.

"Kasi binigyan ko po siya ng name. E, hindi ko naman po alam na meron siyang pamilya po. E, dun na po nag-start yung away namin.

"Humaba na po yung istorya ng pag-away namin."

Hindi napigilan ni Barbara ang pagpatak ng luha, kahit pinipigilan niyang maging emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, "Ayoko pong magsalita kasi mataas na tao na sila, e. Ayoko po. Tahimik na rin sila.

"Minahal ko naman po yung tao, tatlong taon na kami nun. Ayoko na lang pong banggitin kasi masaya na siya.

"Basta ako po, gusto ko mag-concentrate sa pagbabalik ko. Makasama kayo palagi, ang press, dun na ako maligaya.

"Kasi okay naman yung anak ko. Okay naman yung buhay ko... Gusto ko na lang ganito, enjoy na lang ang buhay.

"Na-miss ko talaga ko ito."

Tumanggi naman si Barbara na sagutin ang pagkaka-link din niya noon sa namayapang Pangulong Noynoy Aquino.

Read: Former sexy star Barbara Milano ipinagluluksa ang pagpanaw ng ex-boyfriend na si dating Pangulong Noynoy Aquino

"Huwag na po yun, kasi wala na po siya. Ayoko po siyang gamitin dahil bumabalik ako sa pag-aartista.

"Respeto na lang po sa kanya, kasi wala na po siya. Huwag na po sana natin siya pag-usapan," pakiusap ni Barbara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas gusto raw niyang pagtuunan ang pagbabalik niya sa showbiz, at okay lang daw sa kanya kahit anong role.

Tanggap daw niyang hindi na siya bata, kaya kung meron daw magandang project na ibibigay sa kanya ng Borracho Film Production, gagawin daw niya ito.

JERRY OLEA

Kabilang sa bold movies ni Barbara Milano ang Favorite Subject: Sex Education (1999), Masarap Habang Mainit (2000), Tikim (2001), Kaulayaw (2002), Eskandalosa (2002), Biglang Liko (2002), Sex Files (2002), Biyahera (2002), at Virgin People III (2002).

Forgettable ang karamihan sa mga ito. Hindi masyadong tumatak.

Taong 2004 nang tumigil sa pag-aartista si Barbara dahil pinasok niya ang pulitika. Naging number one councilor siya sa Talavera, Nueva Ecija.

Read: Dating sexy star na si Barbara Milano, inspirasyon si PNoy nang pumasok sa pulitika noong 2004

Pero nang tumakbo siya uli for second term nung 2007 ay hindi na siya pinalad.

Tumigil na muna siya sa public service dahil nagbantay raw siya sa kanyang nag-iisang anak na nag-aaral sa UST.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumalik daw siya uli sa pulitika nung 2013, kung saan ay tumakbo siya uli bilang konsehal ng kanilang bayan, pero nabigo na naman siya.

Sinubukan niya uli nung 2019, kung saan ay tumakbo siyang vice-mayor, pero hindi na naman siya pinalad.

Nag-decide na raw siyang balikan ang pag-aartista.

"Sabi ko kay Pareng Ferdie, nami-miss ko talaga yung showbiz kasi hindi ako pinalad na magbalik-pulitika.

"In-offer sa akin ni Pareng Ferdie yung Mamasapano. Pero sabi ng anak ko, 'Mommy pag ikaw ay mag-lock-in taping, huwag ka nang umuwi dito.’ Natakot ako. Kaya sabi ko, 'Pareng Ferdie, I'm sorry palitan mo na ako.

"Ngayon pinayagan na ako ng anak ko kasi wala na pong COVID, at okay na po yung anak ko," pahayag ni Barbara.

NOEL FERRER

Good luck, Barbara.

Kung hindi ka pinalad sa politika, sana palarin ka nawa sa showbiz.

Dadalhin tayo ng tadhana kung saan talaga tayo nararapat. At doon tayo yayabong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito pinipilit, kusang darating iyan at makikita mo ang galaw ng tunay na kaligayahan. Hindi kailangan ng gimik o magpakakontrobersyal.

Basta magpakahusay lang at mabuti. At maghintay sa tugon ng tao.

Good luck!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbara Milano on celebrity shed had an affair with in the past: "Minahal ko naman po yung tao, tatlong taon na kami nun. Ayoko na lang pong banggitin kasi masaya na siya. Basta ako po, gusto ko mag-concentrate sa pagbabalik ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results