PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes, bakit napaiyak sa sampalan scene sa Unspoken Letters?

Jhassy Busran: "Proud ako sa sarili ko na nasampal ako ni Ate Gladys"
by PEP Troika
Published Dec 3, 2023
Gladys Reyes
Gladys Reyes on sampalan scene with Jhassy Busran in Unspoken Letters movie: “Hindi ko rin plinano pero naiyak din ako sa eksenang yun. Talagang nagulat din ako sa sarili ko nung naramdaman ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA:

Napaiyak si Gladys Reyes matapos niyang sampalin si Jhassy Busran sa shooting ng pelikulang Unspoken Letters.

Unspoken Letters movie cast

Magkapatid ang papel nila, at special child ang karakter ni Jhassy. Sa totoong buhay ay may kapatid si Gladys na autistic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang, nadala din ako,” pagsisiwalat ni Gladys sa mediacon noong Nobyembre 30, Huwebes ng hapon sa B Hotel, Quezon City.

“Kahit si Direk, nagulat din siguro siya nung in-execute namin yung scene.

“Siyempre parang dapat, pagkasampal sa kanya, parang… dapat wala ka munang remorse, e. Di ba?

“Dahil kasi nga, feeling ko, nasaktan niya yung anak ko. Pero nung sinampal ko, parang… para akong naaano na parang feeling ko, kapatid ko yung nasaktan ko.

“Kaya hindi ko rin plinano pero naiyak din ako sa eksenang yun. Talagang nagulat din ako sa sarili ko nung naramdaman ko.

“Parang… para talagang biglang naano sa totoong buhay. Kasi yung kapatid ko, kahit na gaano kakulit, siyempre alam na natin…

“Ako, talagang maximum tolerance kami sa bahay. Kahit gaano kakulit yung kapatid kong bunso, hinding-hinding-hindi ko maatim talaga na saktan, ano?!

“Siyempre sila, hindi nila alam, minsan natutulak ka. Ikaw pa nga ang nasasaktan. Pero hindi mo papatulan e, kahit anong mangyari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mas iintindihin mo. Kasi, tayo naman ang mas nakakaintindi talaga. Kaya nung scene na yun, mahirap for me.

“Kasi parang naging emotional talaga ako nung sinampal ko siya na ganyan. At parang gusto kong akapin, ano?! After nung sampal na yun.

“Pero siyempre, biglang oooppss! Binalik ko yung sarili ko dun sa script, dun sa situation. Kaya parang natauhan naman ako kaagad.

“Pero hindi ko rin napigilan na maging emotional. Mahirap para sa akin yung eksenang yun.”

GORGY RULA:

Ano ang naramdaman ni Jhassy nang matikman niya sampal ni Gladys?

“Nung una po na nabasa ko yung script na may sampal, hindi ko pa sure kung sino yung gaganap po,” lahad ni Jhassy.

“Tapos, sabi sa akin, si Ate Gladys po daw. Nagulat po ako! Kasi di ba, known naman po si Ate Gladys for that!

“Parang alam niyo po, madaming nangangarap na masampal ng isang Gladys Reyes.

“Nung ginawa na po namin yung eksena, parang alam nyo yung ina-anticipate mo na sasampalin ka, pero nagulat pa rin ako na parang hindi ko siya ine-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nadala rin po yung emotions ko nung time na yun. Kasi parang na-help ako na mailabas yung parang pinaka-emotions na need dun sa sampal ni Ate Gladys.

“Kaya ayun, after po nun, parang na-proud ako sa sarili ko na nasampal ako ni Ate Gladys.”

NOEL FERRER:

Ano ba ang gustong i-impart o iparating ng launching movie ni Jhassy Busran?

Sagot ng baguhang aktres, “Yung karakter ko po na si Felipa ay special child. So parang yun po yung gusto naming iparating din sa mga manonood.

“Especially sa mga taong may katulad po ni Felipa. Na hindi porke ganun ka ay hindi ka na maa-appreciate ng family mo, or ng ibang tao.

“Gusto po naming iparating sa kanila na hindi kabawasan ng pagkatao mo yung meron ka, na parang kaya kang mahalin ng ibang tao, kaya ka nilang ma-appreciate kung ano ka man.”

Showing na ang Unspoken Letters umpisa Disyembre 13, Miyerkules sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kina Gladys at Jhassy, nasa cast ng movie sina Tonton Gutierrez, Simon Ibarra, Glydel Mercado, Matet de Leon, Orlando Sol, MJ Manuel, Daria Ramirez, at Deborah Sun.

Isinulat at idinirek ito ni Gat Alaman. Assistant director si Harvie Aquino, at co-director si Paolo Bertola.

Sana na lang, ito ang pelikulang magtatagal hanggang mag-Pasko at MMFF dahil sa tema nito.

Sana, maging outspoken ang mga tao sa pagsuporta ng pelikulang Pilipino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on sampalan scene with Jhassy Busran in Unspoken Letters movie: “Hindi ko rin plinano pero naiyak din ako sa eksenang yun. Talagang nagulat din ako sa sarili ko nung naramdaman ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results