PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2018 KathNiel movie The Hows Of Us No. 1 na sa Netflix

Ano ang naghihintay na kapalaran kina Kathryn at Daniel ngayong break na sila?
by PEP Troika
Published Dec 4, 2023
kathniel the hows of us
The Hows Of Us, the 2018 movie of ex-couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla is now the No. 1 movie on Netflix Philippines.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Nanguna na ang 2018 KathNiel movie na The Hows Of Us sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.

Ito ang huling pelikulang pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nag-umpisa ang Netflix streaming nito noong Oktubre 22, 2020.

Nitong Nobyembre 30, 2023, Huwebes, kinumpirma nina Kathryn at Daniel sa Instagram na tapos na ang kanilang relasyon matapos ang labing-isang taon.

Wasak na ang KathNiel tandem.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Noong Disyembre 2, Sabado, ay pumuwesto ang The Hows Of Us bilang panlima sa Top 10 most watched movies sa Netflix PH.

Kinabukasan, Disyembre 3, ay umakyat ito sa pangalawang puwesto.

At ngayong Disyembre 4, Lunes ay nasa top spot na ito. Very good!!!

Ibinuhos ng KathNiel fanatics ang lumbay sa panonood ng The Hows Of Us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paano mag-move on ang KathNiel fans? Mukhang nanood sila ng The Hows of Us

For sure, abang-abang din sila sa Netflix streaming ng pelikula ni Kathryn with Dolly de Leon na A Very Good Girl umpisa Disyembre 27.

Take note na sa talaan ng Top 10 most watched movies ngayong Disyembre 4, Lunes, tatlo ang gawang-Pinoy.

Pumasok na sa listahan ang pelikula nina Gerald Anderson at Arci Muñoz na Can We Still Be Friends?.

Sa talaan naman ng Top 10 most watched TV shows ay dalawa ang likhang-Pilipino.

Nasa pangatlong puwesto ang limited series nina Alessandra de Rossi, Sam Milby, at Piolo Pascual na Replacing Chef Chico.

Bumaba sa pang-anim na puwesto ang DonBelle series na Can't Buy Me Love.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix — The Hows Of Us, Mamasapano: Now It Can Be Told, Family Switch, Insidious: The Red Door, Leo, Escape Room, Can We Still Be Fridnds?, Catering Christmas, Breaking Dawn Part 2, at Bad Blood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw kayang mananatili sa top spot ang The Hows Of Us?

Kabilang sa mga Pinoy movies na mag-i-streaming sa Netflix ang Kidnap for Romance nina Cristine Reyes at Empoy Marquez umpisa Disyembre 6, I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial umpisa Disyembre 15, Video City nina Ruru Madrid at Yassi Pressman umpisa Disyembre 20, at A Very Good Girl umpisa Disyembre 27.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix — My Demon, Sweet Homes, Replacing Chef Chico, Obliterated, Squid Game: The Challenge, Can’t Buy Me Love, Bad Surgeon: Love Under The Knife, Jujutsu Kaisen: Shibuya Incident, Strong Girl Nam-soon, at Castaway Diva.

netflix top 10

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

People now crave for anything KathNiel. Kaya nangunguna ang The Hows Of Us na pelikula nila sa Netflix.

Kahit sa mga balita at updates, inaabangan ang susunod nilang gagawin.

Pati nga A Very Good Girl sa Netflix will ride high sa kanyang release this December.

Paano kaya ang ibang mga pangalang nasangkot sa issue na ito, antayin natin ang response ng mga taong nakiki-marites sa issue na ito!

GORGY RULA

Nagti-trending pa rin ang KathNiel, pero sa panahon ngayon ay maaring pinag-iisipan na kung ano ano na ang career plan kina Kathryn at Daniel.

Pati sa endorsement ay kanya-kanya na sila, na kahit meron naman silang mga ineendorsong produkto noon, iba na ngayon dahil wala na yung "KathNiel factor."

Madalas sa breakup ng mga celebrity couple, sa babae ang madalas na simpatiya ng mga tao. Pero may mga aktor na mas umaalagwa ang career pagkatapos ng breakup dahil sa maayos na pag-handle ng manager at pag-iisip ng strategy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa naalala kong nakalusutan ito ay si Gabby Concepcion na nalusutan ang separation nila ni Sharon Cuneta, kahit sobrang kasikatan noon ng Megastar.

Pero ang isa sa malaking challenge ay si Andrea Brillantes na iba ang pagtingin sa kanya ngayon ng netizens.

Pero sabi nga ni Manay Lolit Solis, kung ma-strategize lang nang maayos ang pag-handle sa hinaharap na isyu ni Andrea, baka ang ending ay ikaangat pa niya ito nang bonggacious!

Hindi ko alam kung ano ang magandang gawin, pero intriguing nga itong kay Andrea at lalo siyang nagka-character dahil sa pagkasangkot niya sa hiwalayang Kathryn at Daniel.

Sa totoo lang, curious nga ako kung ano ang nakalaan sa career ngayon ni Andrea Brillantes. Magiging Valentina kaya siya kung ibabalik ang Darna?

Puwede kaya siyang magbida kung magkaroon ng remake ang Madonna: Ang Babaeng Ahas, o ang Galema: Anak ni Zuma? JOKE lang yun!

Pero bagay nga kay Andrea ang mga challenging role na out of the box na hindi akalain ng mga manonood na kayang gawin yun ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Hows Of Us, the 2018 movie of ex-couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla is now the No. 1 movie on Netflix Philippines.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results