PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo napagkamalang bakla si Pokwang

Eugene Domingo at Pokwang, tunay na magkaibigan.
by PEP Troika
Published Dec 5, 2023
eugene domingo pokwang
Pokwang (right) on Eugene Domingo (left): "Yung nakakatuwa kay Uge, kasi hindi lang kami sa trabaho lagi magkasama, kundi pag may mga concerns din siya sa akin, ‘Sis, ano na naman?! Init na naman ulo?!’ So, andiyan siya lagi. Hindi lang after ng project, dun natatapos. Hindi, hindi. Patuloy pa rin ang aming ano bilang ninang nga, so alam mo na."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Bida sina Eugene Domingo at Pokwang bilang best friends na sina Becky at Badette sa MMFF 2023 official entry na Becky and Badette, na idinirek ni Jun Robles Lana.

Read: Kapuso stars aariba sa Metro Manila Film Festival 2023

Maging sa totoong buhay ay tunay ang kanilang pagkakaibigan. Magkumare sila. Ninang si Eugene ng daughter ni Pokwang na si Malia.

Pagbabalik-tanaw ni Uge, nakita niya si Pokie sa "Clown in a Million," ang reality talent segment show ng Yes, Yes Show! (2004-2006).

Salaysay ni Eugene, “In-invite ako na magbigay ng talk sa mga natirang contestant. Tapos siya talaga yung nag-i-standout.

“Nasabi ko, ‘E nakakatuwa naman ito kahit hindi mo siya kinakausap, ang likot niya! Sabi ko, nakakatuwa itong baklang ito.

“Tapos na-realize ko lang after, sabi ko, ‘Ahhhh, babae siya?!’ So yun, sabi ko, nag-standout talaga siya, at siya nga ang nanalo.

“Di ba, sabi mo nga, talagang sinabi sa yo ni Direk Maryo J. de los Reyes — sumalangit nawa — na dapat ikaw ang manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nung nanalo siya, nagsimula na siyang mag-guest sa mga talk show. Nagkasama kami kay Charlene [Gonzalez], yung At Home Ka Dito.

“So, wala pa siyang kotse nun. Sabi niya, ‘Sabay naman ako sa yo, Miss Uge.’ ‘Ay! Oo naman,’ sabi kong ganun. Kasi kami ang natitira, e.

“Kami ang natitira sa set dahil marami pa kaming ginagawa. Tapos nakita ko talaga na yun, nagsisimula siya, hanggang sa nagkaroon siya ng sasakyan.

“Hanggang sa umarte na kami together sa D’ Lucky Ones! [2006] kay Direk Wenn Deramas, with Sandara Park and Joseph Bitangcol.

“Tapos after nun, ito na yung kaming dalawa lang, na sa pelikula nagbibida.”

Parang love letter ni Direk Jun Robles Lana ang pelikulang Becky and Badette sa mga iconic movies na minahal at tinangkilik ng Pinoy moviegoers.

May homage diyan ang mga pelikulang Relasyon (1982), Working Girls (1984), Kaya Kong Abutin Ang Langit (1984), Sister Stella L (1984), Bituing Walang Ningning (1985), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), at iba pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iyong ibang eksena sa trailer ay deleted scenes, kaya maraming aabangan sa showing ng Becky and Badette umpisa Pasko, Disyembre 25.

GORGY RULA

Maganda ang chemistry ng tandem nina Pokwang At Eugene Domingo.

Pahayag ni Mamang Pokwang, “Ano kasi si Uge, sasakyan niya yung trip mo, at alam niya kung ano ang ikagaganda, kung paano lalabas na maganda yung halimbawa may naisip akong punchline, may naisip akong ano.

“Sasakyan naman niya at gumaganda naman ang kalabasan. Yun nga lang, dumadagdag sa shots ni Direk. E, ang direktor namin, patol din, 'no?!

“Tsaka yung nakakatuwa kay Uge, kasi hindi lang kami sa trabaho lagi magkasama, kundi pag may mga concerns din siya sa akin, ‘Sis, ano na naman?! Init na naman ulo?!’

“So, andiyan siya lagi. Hindi lang after ng project, dun natatapos. Hindi, hindi. Patuloy pa rin ang aming ano bilang ninang nga, so alam mo na.”

Sambot ni Uge, “So yung tawagan namin na ‘Sis,’ matagal na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ni Pokie, “Matagal na yun. D’ Lucky Ones pa nag-start yun pero ako, I’m a fan talaga, Lorelei days pa lang ng Marina.

“Tuwang-tuwa ako karakter niyang Lorelei, gustung-gusto ko siya dun. Cute na cute ako sa kanya.”

Ang fantaseryeng Marina (Pebrero-Nobyembre 2004) ay pinagbidahan ni Claudine Barretto.

NOEL FERRER

Gusto ni Uge ang pagiging very professional ni Pokwang.

Sey ni Eugene, “Gusto ko yung ambilis kumilos. Kasi siyempre lahat kami sa set, gusto namin, umuwi nang maaga.

“So, hindi na patawag. Yung nagkakaintindihan na kami. ‘Halika na, huwag tayong ano.’ Hindi na yung tipong… andiyan na ba siya?

“Hindi. Basta game, game! Hubad, change. Yon. Tapos pag nasa set na kami, ewan ko, parang hindi na namin pinaplano.

“Pinapabayaan na lang kami ni Direk. Tapos biglang merong… biglang lilitaw na bardagol. Tapos OK naman. Yung ganun, di ba, Sis? So, organic. Organic yung labas ng comedy.”

Gusto naman ni Pokwang kay Uge na mahilig itong magpakain at magdala ng kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Pokwang, “Mararamdaman mo siya, hindi lang katrabaho, pamilya. Palaging, ‘O, kumusta ang inaanak ko? Dun mo dalhin sa magandang school, hindi ganyan.’

“So, mararamdaman mo na hindi lang bilang artista, bilang katrabaho. Mararamdaman mo rin yung concern niya sa inaanak niya, na talagang nandiyan siya.

“And pag may hinanakit ako, nakikinig yan, lagi siyang nakikinig sa akin. Thank you, Uge!”

Hirit ni Uge, “Wala akong choice, Sis, ako yung kasama mo.”

Siyangapala, nasa cast din ng Becky and Badette sina Agot Isidro, Romnick Sarmenta, at Adrian Lindayag.

May guest appearances dito sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Ice Seguerra, Moira dela Torre, Christian Bables, Janice de Belen, Gladys Reyes, Sheryn Regis, Sharlene San Pedro, Timothy Castillo, Joross Gamboa, Victor Silayan, at Press Hit Play.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (right) on Eugene Domingo (left): "Yung nakakatuwa kay Uge, kasi hindi lang kami sa trabaho lagi magkasama, kundi pag may mga concerns din siya sa akin, ‘Sis, ano na naman?! Init na naman ulo?!’ So, andiyan siya lagi. Hindi lang after ng project, dun natatapos. Hindi, hindi. Patuloy pa rin ang aming ano bilang ninang nga, so alam mo na."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results