PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon, Gabby, KC Celebrate Christmas Together

Gabby at KC, first time magkakasama sa Pasko.
by PEP Troika
Published Dec 7, 2023
KC Concepcion with parents Sharon Cuneta and Gabby Concepcion
Sharon Cuneta (right) on daughter KC Concepcion (center) spending Christmas with her dad Gabby Concepcion (left): "It will be the first Christmas na KC will be spending with her papa... Coz he’s 60 now and they’ve never spent Christmas together. Tapos… so, it’s gonna be different for me. A little sad, a little… but happy, OK na, you know. I’m happy for them also, coz they’re making up for lost time."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

JERRY OLEA

Magkasama sa darating na Pasko ang mag-amang Gabby at KC Concepcion.

Isiniwalat ito ni Sharon Cuneta sa mediacon ng pelikulang Family Of Two (A Mother And Son Story) noong Disyembre 3, Linggo, sa Novotel hotel, Quezon City.

Read: KC greets dad Gabby Concepcion "happy, happy birthday."

Pahayag ni Shawie, “Simple lang akong mag-Pasko, simple lang kami lagi. It’s always just… noche buena, kami lang, just my immediate family.

“But it will be the first Christmas na KC will be spending with her papa. So she was asking me but I said, ‘I was just about to tell you, I was just about to text you to spend it this year with him.’

“Coz he’s 60 now and they’ve never spent Christmas together. Tapos… so, it’s gonna be different for me.

“A little sad, a little… but happy, OK na, you know. I’m happy for them also, coz they’re making up for lost time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ganun lang, simple, masaya pa rin. Kain lang, tapos magdadasal kami. Tapos mag-o-open ng konti lang na gifts like siguro five each person.

“Oo, five muna. Kasi the next morning yung talagang opening ng gifts…”

Ikinasal sina Sharon at Gabby noong Setyembre 23, 1984 sa Manila Cathedral.

Isinilang ang supling nilang si KC noong Abril 7, 1985.

Agosto 1987 napabalita ang kanilang paghihiwalay.

Setyembre 1987 ipinalabas ang pelikula ni Sharon na Pasan Ko Ang Daigdig.

Nagkasama-sama sina Sharon, Gabby at KC sa Dear Heart concert noong Oktubre 27, 2023, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Read: KC Concepcion happiest at Gabby Concepcion-Sharon Cuneta concert: "Yung past, past na yun."

GORGY RULA

Sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, kahit paano, pambalanse naman itong mga nagkakasundong dating magkarelasyon.

Naging successful ang Dear Heart concert nina Sharon at Gabby. Naging positibo ang resulta, kaya mas maganda kapag nagkakasundo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si KC ang pinakamasaya sa lahat.

Medyo mabigat man kay Sharon na hindi niya makakasama ang panganay niya sa Pasko, masaya pa rin naman siya dahil makakasama nito ang ama.

Yun naman ang gusto ng mga nanay, maging masaya lang ang kanilang mga anak.

Read: Sharon Cuneta apologizes to daughter KC Concepcion for not giving her a "complete family"

Pero mas masaya ang mga Sharon-Gabby fans kung masusundan itong Dear Heart concert nila.

Inaayos pa raw ang U.S. tour nito pero hindi pa nila masabi kung kailan at saan-saan sila mag-iikot dahil ngayon pa lang ay puno na ang schedule ng Megastar.

Si Gabby naman ay may bagong drama series sa GMA-7 pagkatapos ng Stolen Life. May ilang pelikula pa siyang tinanggap.

Pero sana, maisingit nila sa kanilang schedule.

Meron pa nga kaming narinig na binubuong project, pero hindi ko pa tiyak kung pelikula itong gagamiting title na P.S. I Love You.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, isa ito sa magandang aabangan natin sa 2024.

NOEL FERRER

If there’s anything na magandang nagawa ng Dear Heart concert ay nabuhay muli ang line of communication ng dating pamilya nina Gabby, Sharon, at KC.

At least, malaya at bukas na silang mag-usap kung anuman ang kanilang gustong mangyari sa anak nilang si KC.

But actually, KC is of age na, na puwede at kayang-kaya nang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Mapalad siya na dalawang sets ng magulang at kapatid meron siya. At si KC talaga ang nakamana ng magagandang features nina Sharon at Gabby.

Pero alam niyo ba na sa mga nakapareha at na-link kay Sharon, si Goma (Richard Gomez] naman ang ka-birthday ni KC, at alam kong OK na OK sila nina Goma at Lucy.

Ang liit ng industriya namin, ano? Kaya nga dapat magsuportahan na lang because there is enough room or space for everyone. Dapat alagaan lang, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (right) on daughter KC Concepcion (center) spending Christmas with her dad Gabby Concepcion (left): "It will be the first Christmas na KC will be spending with her papa... Coz he’s 60 now and they’ve never spent Christmas together. Tapos… so, it’s gonna be different for me. A little sad, a little… but happy, OK na, you know. I’m happy for them also, coz they’re making up for lost time."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results