GORGY RULA
Naawa ang mga malalapit na kaibigan ng kilalang Female Celebrity na dumaan sa matinding pagsubok ang buhay pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang asawa.
Pero kilalang matibay ang Female Celebrity at alam niya kung ano ang dapat gawin pagkatapos ng unos sa kanyang buhay.
Hindi siya nagpadala sa matinding depresyon. Sa halip ay dumaan sa iba't ibang proseso para malagpasan ito.
Pagbalik niya sa ilang buwang bakasyon sa ibang bansa, humarap siya sa publiko at buong giting na sinabing puwede na siyang ma-in love muli.
Pero sakaling magkarelasyon siya uli, gusto raw niya sa mas matikas, mas bata, at mas makisig.
Ang latest na narinig namin, pumasok sa panibagong relasyon si Female Celebrity. Pero wala ang mga katangiang sinabi niya sa bago niyang minahal.
Na-in love daw siya sa kapwa girlash o tibash ba?
Paano naman, nagitla raw si Female Celebrity sa pasabog ng madatung na tibash nang niregaluhan siya ng mamahaling karu!
Lingid sa kaalaman ni Female Celebrity, hindi pa pala fully paid ang kotse. Nag-deposit lang si tibash, at pagkatapos ay deadma na raw nang namiligro ang kanilang relasyon.
Ang narinig namin, nagkahiwalay na sila at itinuloy na lang ni Female Celebrity ang paghuhulog sa balanse ng mamahaling karu.
Ang pinag-uusapan ngayon ay ang iba pang kuwento tungkol sa tibash, kung ano ang ginagawa nito sa ilang negosyo niya.
Maselan lang ang usapin, kaya doon muna tayo mag-focus sa relasyon nilang dalawa.
Ang dami lang naaawa kay female celebrity dahil kahit masayahin siya at maganda, hindi siya pinalad sa kanyang buhay pag-ibig.
JERRY OLEA
Nakakap*t*ng*n* ang mga isyu kaugnay sa ex-lover ni Female Celebrity.
Akala ni Female Celebrity ay nasumpungan na niya ang bagong luwalhati, ngunit pasakit din pala ang idudulot nito.
Ang latest na nasagap ng PEP Troika, nagbebenta na raw ngayon si Female Celebrity ng paintings at alahas upang mabayaran ang ibang utang.
“Broken vows are like broken mirrors. They leave those who held to them bleeding and staring at fractured images of themselves,” sabi nga ng American author na si Richard Paul Evans.
NOEL FERRER
Sayang naman at LOVE WINS na sana ang tema ng item na ito, pero parang hindi nakakapanalo ang hindi pagbabayad ng utang!
Ito rin ba ang celeb na muntik nang mahulog sa isang old stud na buti na lang ay naagapan? Yyun pala, dito siya sa kakaibang relasyon hahamunin ng tadhana.
Sana, madala niya itong panibagong pagsubok na ito sa buhay niya, parang pagbabalanse niya sa anumang korona na mahilig niyang iputong sa kanyang katauhan!
Good luck!
