PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo advises Pokwang on Malia borrow

Eugene Domingo, wala taagang planong magkaanak.
by PEP Troika
Published Dec 9, 2023
eugene domingo pokwang becky and badette
Eugene Domingo (left) on Pokwang (right): “Ang advice ko lang kay Pokwang lagi is, huwag niyang pagsisihan ang lahat na magiging desisyon niya. Mahirap kasing mabuhay ng maraming regret. So now, the children are the priorities. So, iisipin mo… sana paglaki nila, they won't blame you for anything, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Wala pala talaga sa plano ni Eugene Domingo na magkaroon ng sariling anak.

Iyon ang isa sa inamin niya sa aming pakikipagtsikahan sa kanya sa nakaraang media conference ng MMFF 2023 entry nilang Becky and Badette ng The IdeaFirst Company.

Siyempre, hindi na puwedeng mabuntis ngayon si Uge, pero kahit daw nung kabataan niya ay hindi raw niya talaga type na magbuntis.

Read: Eugene Domingo, kinumpirmang kasal na siya kay Danilo Bottoni

"Hindi po talaga," pakli ni Eugene.

"Even if nung kaya ko pa... ngayon, hindi ko na kaya. Hindi talaga.

"Mahilig ako sa bata. Pero yung hindi galing sa akin. Yung technically, ha?

"Pero yung magmahal na parang isang ina, kaya ko. Pero yung technically na manganak, hindi ko talaga maisip.

"Hindi ko siya parang ginawang kailangan, yung ganun. Kailangan magkaanak ako," dagdag niyang pahayag.

Pero ang BFF niya at kasama sa pelikulang ito na si Pokwang ang nagpapatotoong tumatayo na rin siyang ina sa kanyang mga inaanak, at isa na rito si Malia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sey ni Pokwang, “Kasi, nanay naman siya sa mga inaanak niya, e. Hindi niya kailangang manganak para maging isang ina.

"Nanay din siya ng mga aso niya.”

Read: Eugene Domingo napagkamalang bakla si Pokwang

NOEL FERRER

Sa totoo lang, isa si Eugene Domingo sa nagkumbinsi kay Pokwang na ipahiram na si Malia kay Lee O'Brian.

Read: Pokwang finally allows Lee O'Brian to see their daughter Malia

Medyo kumakalma na si Pokwang dahil na rin sa mga payo ni Uge.

"Meron din siyang ano sa akin, na 'Sis, siguro yung bata, di ba, ganyan-ganyan?’ Basta it's all about Malia," saad ni Pokwang.

Bukas na rin si Pokwang sa posibilidad na magkakaayos sila ni Lee bilang magulang ng kanilang anak.

Alang-alang naman daw ito sa kanilang anak na naiintindihan daw ang kalagayan niya ngayon.

Ang payo ni Uge, “Ang advice ko lang kay Pokwang lagi is, huwag niyang pagsisihan ang lahat na magiging desisyon niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mahirap kasing mabuhay ng maraming regret. So now, the children are the priorities. So, iisipin mo… sana paglaki nila, they won't blame you for anything, di ba?

"It's always you think ahead na pagdating ng panahon, iisipin nila, 'Bongga talaga yung nanay ko, di ba? Kasi inuna talaga nila yung kaligayahan namin,' because you know, children will not forget the happiness they felt when they were children.

“Like tayo, hindi natin nakakalimutan yung magagandang ginawa ng magulang natin."

JERRY OLEA

Bonggacious ang buhay pag-ibig ni Eugene Domingo. Kumbaga sa bulaklak, sagana sa dilig.

Si Pokwang, humuhugot ng ligaya sa mga anak. Maipagmamalaki niya na isa siyang ganap na babae.

Nakaramdam ba sina Uge at Mamang Pokie ng inggit sa isa’t isa?

“Hindi talaga. Hindi,” sagot ni Uge sa mediacon ng pelikulang Becky and Badette noong Disyembre 4, Lunes, sa Vanilla Cafe, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

“Kasi maayos naman yung mga choices namin sa buhay. Pinaninindigan naman namin ang mga choices namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sinusuportahan namin ang isa’t isa sa happiness namin. So, wala talaga akong nararamdaman na inggit sa kanya.

“Saka hindi talaga ako inggitera as a person.”

Sambot ni Pokwang, “Sabi ko nga kanina, imbes na kainggitan, gawing inspirasyon. Kung ano yung love life ni Uge ngayon, kung ano yung love life niya na masaya, ginagawa kong inspirasyon yun.

“And nagpapasalamat ako, kasi may isang Uge na dumating sa buhay namin ni Malia, na talaga namang laging nakasuporta lang.

“Wah inggit, wah, wah!”

Mapapanood ang Becky and Badette sa mga sinehan umpisa Disyembre 25, araw ng Pasko, bilang isa sa sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival.

Ang direktor nito na si Jun Robles Lana ay may nabuo nang kuwento para sa sequel ng Becky and Badette.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

“Di ba?! Nakakatuwa!” bulalas ni Uge.

Sey ni Mamang Pokie, “Ganun kasi kasaya ang pelikula, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Uge, “Nakakatuwa na nanggaling sa kanila yung desisyon. Hindi yung… hindi yung, di ba, parang nagmakaawa kami, ‘Part 2! Part 2!’

“Ibig sabihin, parang… effective siya! Ganun, masaya siyang gawin. Nag-enjoy ang company. So we’re all very excited about 2024!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eugene Domingo (left) on Pokwang (right): “Ang advice ko lang kay Pokwang lagi is, huwag niyang pagsisihan ang lahat na magiging desisyon niya. Mahirap kasing mabuhay ng maraming regret. So now, the children are the priorities. So, iisipin mo… sana paglaki nila, they won't blame you for anything, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results