PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie singer Jeri, hindi binigyan ng apelyido para mas may recall

Gaya ni Gloc-9, walang apelyido si Jeri.
by PEP Troika
Published Dec 13, 2023
jeri violago
Star Music creative director Jonathan Manalo (not in photo) on newbie singer Jeri (in photo): "Kailangan yung artist, first time mo siyang ma-encounter, mas madali mong matandaan, huwag mo lang bigyan ng dalawang pangalan, huwag mo lang bigyan ng apelyido. Nag-work naman."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pormal nang inilunsad ng Star Records ang first single ng bagong tuklas nilang si Jeri Violago na siyang kumanta ng awiting "Gusto Kita."

Ilang buwan ko nang naririnig sa radio ang kantang ito na bagay sa Gen Z at nakaka-LSS.

Sa formal launch ng "Gusto Kita," ginawa nang Jeri ang pangalan ng baguhang singer para raw mas may recall. Tinanggal na ang apelyidong Violago, kahit ang sosyal naman ng pangalan.

Sabi ni Mr. Jonathan Manalo, creative director ng Star Records, malakas talaga ang single name sa isang singer dahil madaling tandaan.

Aniya, “For recall purposes sa sobrang dami talaga ng mga artists na ini-introduce.

"Actually, may lumabas nga na data from IFPI [International Federation of the Phonographic Industry], merong 100,000 songs released every week.

"Ganun talaga ang competition ngayon sa music, locally and globally, ilang percent ang sa atin dun kung 100,000 new songs released every week.

“And siyempre, kailangan yung artist, first time mo siyang ma-encounter, mas madali mong matandaan, huwag mo lang bigyan ng dalawang pangalan, huwag mo lang bigyan ng apelyido. Nag-work naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, marami namang mga artists na single-name recall na lang, and napatunayan naman talaga many times na isang name lang, single-name recall, madaling matandaan yung artists, and we're producing it for Jeri also."

Bukod sa pagkanta ay nakitaan ng talento si Jeri sa pagsusulat ng mga kanta, at ang dami na niyang nagawa.

Nagustuhan ng Star Records ang karamihan sa mga kantang ginawa, at kayang-kaya na nitong akabuo ng isang album. Kaya abangan natin kung epek nga itong single name na gagamitin ni Jeri.

NOEL FERRER

Mas gusto ng Star na paisa-isa muna nilang ilunsad ang songs para makapag-focus at matandaan na kanta talaga nito ni Jeri.

"I think mas effective na pa-isa isa po yung labas para mas mapakinggan ng mga tao ang songs ko na mas focus sila paisa-isa. Compared to....

"Kasi baka, for example, mag-release ako ng album as a new artist, baka marami sa mga kantang hindi mapakinggan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, I think in the next year, yung gagawin po namin one by one ilalabas yung songs," saad ni Jeri.

JERRY OLEA

Jeri won Best New Male Artist award in the recently held Aliw Awards at the Centennial Hall of the Manila Hotel, last December 11.

Aliw Awards is the oldest award-giving body that recognizes achievements in the live entertainment circuit.

Jeri says he feels quite blessed that after barely a year in entertainment, he has been given this recognition.

The young singer-composer has just dropped his first single, "Gusto Kita," under Tarsier Records, a division of ABS-CBN’s Star Music.

The song, composed and co-produced by Vehnee Saturno and Jeri himself, is now available in various streaming platforms everywhere.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Music creative director Jonathan Manalo (not in photo) on newbie singer Jeri (in photo): "Kailangan yung artist, first time mo siyang ma-encounter, mas madali mong matandaan, huwag mo lang bigyan ng dalawang pangalan, huwag mo lang bigyan ng apelyido. Nag-work naman."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results