JERRY OLEA
Naku, Dorina Pineda! Infamous ang isang kilalang aktor sa mga Christmas party na dinadaluhan niya nowadays.
Christmas wish tuloy ng mga empleyadong batid ang gawi ni kilalang aktor ay huwag sana itong maimbitahan o dumating sa kanilang pagtitipon.
Read: Aktres piniling manahimik sa pang-aabusong naranasan mula sa dating karelasyon
E, kasi naman, handang-handa si kilalang aktor sa mga pinupuntahang handaan.
Sa tuwi-tuwina, may bitbit siyang tatlong malalaking tupperware na ewan kung kontra-sagisag sa Tatlong Haring Mago na nag-alay ng “gold, frankincense, and myrrh” kay baby Jesus nang isilang ito sa sabsaban ng Belen.
Hindi pa man dumarating ang ibang mga bisita, hindi pa man tapos kumain ang iba… lagay kete lagay na si kilalang aktor ng mga ite-take home na putahe sa tatlong mahiwagang tupperware.
E, ang panuntunan, di ba, paghahati-hatian ang mga sobrang pagkain kapag tapos nang kumain ang lahat at mag-uuwian na? Maski itanong pa ninyo kay Lavinia Arguelles!
“Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal/ Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal “Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning/ Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin” (Bituing Walang Ningning, 1985)
Read: Showbiz couple muntik magkahiwalay dahil sa "free taste" na aktres
NOEL FERRER
Okey naman ang magbalot kapag parties. Kahit ako naman ay nag-uuwi ng pagkain kapag may sobra at kung ang mismong may papiging ang nag-aalok.
Pero medyo may kakapalan at kagaspangan ang ganitong gawi kapag mangunguna pa ito sa mismong kainan. At hindi ito nadadaan sa pagpapatawa lamang.
Read: Male showbiz personality at batang aktor, spotted na magkasama abroad
GORGY RULA
Sana, makarating kay kilalang aktor ang BI na ito dahil gusto na raw talaga siyang talakan ng ibang staff kapag uulitin pa niya itong pagsa-"Sharon" sa mga darating na Christmas parties.
Tinanong ako ng staff kung para ba sa mga anak ng kilalang aktor itong mga ibinabalot na pagkain. Kasi, kung may tatlong parties na mapupuntahan niya sa isang araw, tiyak na may nababalot siya sa lahat na napupuntahan niya.
Naintindihan daw nila kung gusto lang talaga niyang makalibre ng pamalengke, pero sana, patapusin naman daw nila ang party bago siya magbalot.
Kapag dumarating na raw kasi ito at magsimula nang magbalot, nate-tense na raw ang mga staff kung magkasya na ba ang mga pagkaing inihain.
Ang hirap na kasi talaga ng buhay. Kaya pakapalan na lang!
