GORGY RULA
Kaabang-abang ang mga malalaking artistang kasali sa sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pero dahil pang-MMFF, pambata ito at nakakatuwang panoorin ang mga magagaling na child stars na bahagi sa ilang pelikulang kalahok.
Ang isa sa sobrang na-in love kami ay ang child actor na si Euwenn Mikaell, 10 years old, na bida sa pelikulang Firefly ng GMA Pictures.
Si Euwenn ang anak dito ni Alessandra de Rossi, at siya talagang bida na mapapanood sa buong pelikulang idinirek ni Zig Dulay.
Magaling si Euwenn, kaya siya ang pinagkaguluhan ng mga entertainment press pagkatapos ng premiere showing ng naturang pelikula sa SM The Block nung Martes, December 12, 2023.
Talent ng Sparkle ng GMA Artist Center si Euwenn at ang dami na niyang nagawang drama series at ilang guestings.
Sa murang edad ay sanay na siyang umarte at ang simple ng hirit niya nang nakapanayam namin na parang bitin pa raw siya sa ginawa niya sa pelikulang iyun.
"Nasanay na po kasi ako. Hindi pa ito ang pinakaano ko. Bitin po ako dun. May na-cut po diyan," pakli ni Euwenn.
Natawa pa kami nang sinabi niyang nakatulog siya habang pinapanood ang pelikula dahil gabi na.
"Nung nakita na po yung alitaptap, dun na po ako nakatulog. Inantok na po ako. Sobrang lamig po kasi," natatawa niyang pakli nang nakapanayam namin ang bagets.
Magaling siya sa pelikulang ito. Kaya tinanong namin kung posible kayang magwagi siyang Best Child Performer sa darating na Gabi ng Parangal.
"Sa tingin ko po," walang kagatul-gatol na sagot sa amin ni Euwenn.
May dalawang bata rin sa Penduko ng Viva Films—sina Annika Co at Tyro Daylusan. Gumaganap silang duwende sa pelikulang ito ni Matteo Guidicelli. Nakakatuwa silang sumagot sa nakaraang media conference.
Hindi pa namin napanood ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero magaling din daw rito ang batang gumaganap na anak nila na si Jordan Lim, na pinsan daw ni Daniel Padilla.
JERRY OLEA
Panlaban ng pelikulang Kampon sa kategoryang best child performer ang seven-year-old na batang si Erin Espiritu, a produkto ng Mini Miss U ng It's Showtime.
Bilib sa kanya ang mga bida ng pelikulang ito na sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez, lalo na si Direk King Palisoc. Parang professional na aktres daw itong si Erin, sabi ni Beauty.
Pero maingat ang buong team ng Kampon kay Erin dahil horror film ang ginagawa nila.
Sinamahan nila ito ng acting coach at child psychologist kaya hindi naman daw gaanong nahirapan ang bata.
"Dahil nga alam namin na magkakaroon kami ng child actress in the film, we had to make sure na yung proseso namin sa paggawa ng pelikula is also safe for the child,” lahad ni Direk King.
"So, para sa pelikulang ito and for Erin, nagkaroon kami ng acting coach, and also a child psychologist on set na kasama ni Erin, para gabayan siya before mag-shoot and after mag-shoot especially sa mga sensitive scenes.
"Para maisip niyang hindi totoo ang mga ginagawa namin.”
R-13 (Restricted-13) ang rating ng Kampon, pati ng isa pang horror movie na Mallari.
Ibig sabihin, ang Kampon “may contain Themes, Language, Violence, Nudity, Sex, Horror, and Drugs which may not be suitable for children below Thirteen (13) years old.”
At any rate, present si Erin sa inauguration ng MMFF Auditorium nitong Disyembre 14, Huwebes, sa bagong MMDA Building sa Doña Julia Vargas Ave., Pasig City.
Siya lang ang child star na nandoon. Inalalayan siya ni Derek sa mediacon.
Maliban kina Derek at Erin, present sa inauguration ng MMFF Auditorium sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Alden Richards, Christopher de Leon, Eugene Domingo, Alessandra de Rossi, John Arcilla, Enchong Dee at Pasig City Mayor Vico Sotto. Dumalo rin doon sina Cedrick Juan, Christian Bables, Kylie Verzosa, Jay Gonzaga, Marvin Yap, Iyah Mina, Direk Perci Intalan, Direk Lemuel Lorca, John Bryan Diamante, Benjamin Manansala Cabrera, at Boots Anson Roa-Rodrigo.
Read: Christopher de Leon at Eugene Domingo, may agaw-eksenang paandar kahit magkalaban sa MMFF 2023
Waley si Pokwang dahil may taping ng TikToClock. Si Sharon Cuneta, may pinagdadaanan daw. Si Vilma Santos, maysakit.
Kahit masama ang pakiramdam ni Ate Vi ay kabahagi siya sa grand mediacon ng When I Met You In Tokyo sa Crowne Plaza — virtually.
Hopefully ay makalahok ang Star for All Seasons sa MMFF 2023 Parade of Stars this Saturday, December 16, sa CaMaNaVa area. Sana rin ay pumarada ang Megastar!
NOEL FERRER
Magsisimula ang MMFF 2023 Parade of Stars this Saturday afternoon sa Navotas Centennial Park.
Magtitipun-tipon ang mga artista na kasama sa kanilang mga assigned tent at puwedeng magkaroon ng press interviews doon.
Tapos, magkakaroon ng ceremonial program with the four mayors of CaMaNaVa at iri-ring ang ceremonial gong.
Sa mga mag-aabang ng mga floats, heto ang order ng parada kada pelikula:
1. Firefly
2. When I Met You In Tokyo
3. Rewind
4. Broken Hearts Trip
5. Mallari
6. Penduko
7. GomBurZa
8. Family Of Two (A Mother and Son Story)
9. Kampon
10. Becky & Badette
Magtatapos ang parada sa Valenzuela People’s Park. Maaaring manalo ng season passes habang nanonood ng Parade of Stars.
Heto ang mechanics:
1. Mag-selfie kasama ang paboritong movie float sa Parade of Stars.
2. I-upload ang selfie sa inyong Facebook account na may hashtag #MMFF2023ParadeOfStars at i-tag ang @MMFFOfficial
3. I-like ang MMFF Official Facebook Page.
Pipili ng 25 selfie na kasama ang nanalong Best Float sa Gabi Ng Parangal sa December 27 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
ABANGAN ANG 25 WINNERS NG MMFF PASSES SA OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT NG MMFF SA DECEMBER 28!
Read: MMFF 2023 Parade of Stars: Mga naglalakihang artista paparada sa CaMaNaVa
