PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo, agaw-eksena sa MMFF Auditorium inauguration

"Ipinatawag ko kayong lahat..." sabi ni Uge sa mga naroon.
by PEP Troika
Published Dec 16, 2023
Alden Richards, Eugene Domingo, Derek Ramsay
Eugene Domingo, napapagitnaan nina Alden Richards at Derek Ramsay. Kabilang sila sa mga artistang dumalo sa inauguration ng MMFF Auditorium nitong Disyembre 14, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Early bird sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa Inauguration ng MMFF Auditorium noong Disyembre 14, Huwebes sa bagong MMDA Building sa Doña Julia Vargas Ave., Pasig City.

Imbitado sa nasabing event ang mga artista ng sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang din sa dumating sina Derek Ramsay, Alden Richards, Christopher de Leon, Eugene Domingo, Alessandra de Rossi, John Arcilla, Cedrick Juan, Enchong Dee, Kylie Verzosa, at Christian Bables.

Pahayag ni Dingdong sa mediacon, “Nararamdaman ko po na for some reason, e malakas po ang taya ng bawat isa dito po sa Metro Manila Film Festival.

“Hindi lang po monetarily kundi sa talento, kundi pati na rin sa siyempre, ating commitment na mabigyang-sigla talaga ang industriya ng pelikulang Pilipino.

“Kaya ako’y saludo sa mga producers, sa mga kapwa ko artista na talagang 100% ang ibinigay nila.

“Isipin nyo po, sampung magagandang pelikula para sa ating mga manonood, kaya ang dasal namin araw-araw, sana lumabas ang ating audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana ma-appreciate ninyo ang aming trabaho. Sana mapanood ninyo dahil sa tingin ko, ngayon po, especially with the help of the MMDA, malaki rin ang kanilang commitment, ang kanilang pagtaya, dahil naniniwala po sila sa ating industriya.

“Kaya maraming salamat muli at sana, masuportahan po ang ating mga pelikula dito sa paparating na December 25.”

Bida si Dingdong sa pelikulang Rewind katambal si Marian Rivera. May special participation siya sa Firefly.

Dagdag ni Derek sa sinabi ni Dingdong, “This year we have ten entries, no? So the more the merrier.

“Ahhmm gusto ko lang sabihin na through the years ahhmm the MMFF has been very, very good to all of us.

“Ahhhmm there are a lot of competition now out there. You have the Koreans, the Indians, basically globally na, no?

“But this year, with ten great films, sana mapakita talaga natin that we Filipinos are really super-talented and can compete with the best in the world,” pag-asam ni Derek na bida sa horror movie na (K)ampon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Pahayag ni Enchong Dee na gumanap bilang Padre Jacinto Zamora sa GomBurZa, “I think I’ve always believed that this generation is the generation of collaboration and partnership.

“And I’ve always been so grateful for MMFF, MMDA for supporting the entertainment industry since Day 1.

“So I just wanna say thank you very much and congratulations for your new office. Thank you very much for the invitation.

“And I’m so happy to be sitting beside this great talent and great personality, so thank you very much.

“And to further discuss the importance of partnerships, here is Eugene Domingo.”

Agaw-eksena ang hanash ni Uge, “Ipinatawag ko kayong lahat dahil may magandang balita ngayong Pasko.

“Lalabas po lahat ang artista at magsasanib-puwersa para BUHAYIN ang pelikulang Pilipino!”

Palakpakan at sigawan ang mga tao sa MMFF Auditorium.

Tumingin si Uge kay Pasig City Mayor Vico Sotto at ngumiti nang sakdal tamis, “Magandang tanghali po, Mayor. Gusto ko pong mabuhay nang mahaba dahil sa iyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Huwag kayong maingay. So in behalf of Aruray also known as Pokwang ay nandito po ako bilang representative ng Becky & Badette — sa palagay ko, pinakaseryosong pelikula ngayong MMFF.

“Maraming-maraming aral. At mas marami pang aral sa pelikula niyo,” sabay tingin kay Enchong.

Kumambyo agad si Uge, “Ay! Hindi! Hindi pala! Sorry, sorry. Ang kailangan po namin ay tulong na palaganapin ang balita, ang magandang balita na maaari na pong pumasok ang buong bayan sa sine. “At hindi na mangangamba, at hindi manghihinayang sa ibabayad nila, at sa kanilang oras. Dahil magandang-maganda po lahat ng piniling pelikula…

“So, sama-sama po nating buhayin muli ang halakhakan, iyakan, at kung anu-ano pang nararamdaman sa loob ng sinehan!”

Nagkasama sina Enchong at Uge sa pelikulang Here Comes The Groom na topgrosser sa 1st Summer MMFF noong Abril.

NOEL FERRER

Nakakaaliw ang inauguration ng MMFF Auditorium.

Nagbabatian ang mga artista sa pagtitipon kahit “magkakalaban” ang kanilang mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sanggang-dikit sa mediacon sina Piolo at Alessandra, na tampok sa Netflix original series na Replacing Chef Chico.

Ngayong Disyembre 16, Sabado ng hapon naman ang MMFF 2023 Parade of Stars sa CaMaNaVa area.

MMFF 2023 Parade of Stars map

Buhos ang mga artista at producer sa pagpo-promote, kaya nakaka-excite itong filmfest na ito lalo pa’t power packed talaga ang entries na ie-evaluate ng credible na jury na pangungunahan ni Direk Chito Roño at Vice Chair si Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama nila ang isang grupo ng pinagpipitaganang personalidad sa ating industriya.

Kaya magandang abangan ang magiging resulta sa awards night sa December 27 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eugene Domingo, napapagitnaan nina Alden Richards at Derek Ramsay. Kabilang sila sa mga artistang dumalo sa inauguration ng MMFF Auditorium nitong Disyembre 14, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results