GORGY RULA
Pipilitin ni Vilma Santos na makasama sa parada ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sa CaMaNaVa (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela area) ngayong hapon ng December 16, 2023.
Hindi siya nakadalo sa grand mediacon ng MMFF 2023 entry nilang When I Met You in Tokyo na ginanap sa Crowne Plaza sa Ortigas, Pasig, nung Huwebes, December 14. Pero nakasali naman siya sa tulong ng zoom, para masagot niya ang mga katanungan ng entertainment press.
Ngayong umaga ay tinext ko ang line producer nila na si Ms. Redgie Magno. Ang sabi ni Redgie, may sakit pa rin daw si Ate Vi, pero gustung-gusto raw niyang sumama.
"Wait lang siya sa advice ng doctor," bahagi ng text sa akin ni Ms. Redgie. Sinagot na rin ng Star for All Seasons ang text ko sa kanya kung kakayanin ba niyang magparada.
Ani Ate Vi, “Sorry, cannot join the parade. I am still on sick mode at ayaw ko mahawa mga kasamahan ko sa movie at mga tao.
"I made an audio message. Pakisuporta na lang movie namin When I Met You in Tokyo. Stay safe!"
Pero pagkalipas ng ilang minuto, nag-text siya uli sa akin na pipilitin daw niyang makarating sa parada.
"Pinipilit ko pa rin! Hintay ko ang go signal ng doctor ko. Please pray. Salamat."
Sana nga makarating si Ate Vi, para makumpleto ang buong cast ng When I Met You in Tokyo.
JERRY OLEA
Napiktyuran natin ang co-stars ni Ate Vi sa When I Met You In Tokyo na sina Kakai Bautista, Lynn Cruz, at Cassy Legaspi.

Umaasam sila na maka-join sana si Ate Vi sa Parade of Stars.
By the way, maagang dumating si Christian Bables na bida sa Broken Hearts Trip, at nag-cameo sa Becky & Badette.

Ang cute-cute ng magka-love triangle sa Becky & Badette na sina Eugene Domingo, Romnick Sarmenta, at Pokwang.

May fan na nagsabi kay Cedrick Juan na dark horse siyang mag-best actor para sa GomBurZa. Sey ni Cedrick, hindi siya nag-e-expect.
NOEL FERRER
Nakaayos na ang mga float at nandito na rin ang ilang stars ng Parada.
Sana, hindi umulan. Sana, ma-achieve ang class picture ng lahat ng mga kasali.
Sana, maging matagumpay ang Parada.
Sana, maraming tumangkilik ng 49th MMFF.
