PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, maayos na nairaos sa CaMaNaVa

Pero may mga puna lang kami pagdating sa Valenzuela City...
by PEP Troika
Published Dec 17, 2023
MMFF 2023 Parade of Stars participants
Bago magsimula ang MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, nagpa-picture muna sa press ang mga artistang sasakay sa kani-kanyang floats ng kanilang pelikula.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tuwang-tuwa si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes dahil sa matagumpay na Parada ng mga Bituin noong Sabado, December 16 sa CaMaNaVa (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela area).

Sobrang matao ang mga lugar na dinaanan ng parada, na maaga pa lang ay ang dami na ng mga naghihintay.

Maganda ang coordination nila dahil kalahati lang ng kalye ang dinaanan ng parada, kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagdaan ng mga sasakyan. Pero hindi pa rin naiwasan ang traffic sa ibang mataong lugar.

On time ang pagsisimula ng programa kung saan ay sinalubong sila roon ng poging alkalde ng Navotas na si Mayor John Rey Tiangco.

Nauna ang float ng pelikulang Firefly nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell, at ang pinakahuli ay ang sa Becky & Badette nina Eugene Domingo, Pokwang, at Romnick Sarmenta.

Firefly, Becky & Badette floats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat na kalyeng dinaanan ng parada ay punung-puno ng mga tao na sobrang excited sa pagkakaway at pagsalo sa mga kendi, posters at iba pang giveaways na ibinabato ng mga artista.

Ang isa sa sobrang pinagkaguluhan na float ay ang sa Family of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta, Alden Richards, at Miles Ocampo.

Sharon Cuneta, Alden Richards, Miles Ocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo na-late pa nang dating ang megastar dahil naligaw raw ito sa pagpunta sa assembly point sa Navotas Centennial Park. Pero sobrang saya ng fans niya nang nakita na siya sa float.

Maayos ang float nila dahil parang may second floor na kung saan mga artista lang ang nasa itaas kasama si Direk Nuel Naval, kaya kitang-kita sila ng mga taong nagtiyagang nag-abang sa kanila.

Dinagsa rin ng napakaraming tao at pinagkaguluhan ang Rewind float ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Dingdong Dantes, Marian Rivera

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakatuwa sina Dingdong at Marian dahil game na game silang nagsasayaw sa float na ikinatuwa ng mga tao.

Lalo na pagdating sa last stop ng parada sa Valenzuela City, natagalan sila sa float dahil talagang nagsayaw muna si Marian ng mga sikat na dance steps niya sa Tiktok.

Ang lakas din ng tili ng mga tao kay Piolo Pascual ng Mallari, kina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, at Zeinab Harake ng (K)ampon, at ang sa When I Met You in Tokyo kahit wala pa roon si Vilma Santos.

Mallari float

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darren, Cassy Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghandaan pa naman ng mga fans club ng Star For All Seasons ang paradang iyon dahil may nadadaanan pa kaming tarpaulin ni Ate Vi na inilagay ng mga fans club niya.

Nakakatuwa si Christopher de Leon na punung-puno ng energy sa pagkakaway sa fans at kumanta pa ito pagdating sa programa sa Valenzuela City.

Nasa float din ng When I Met You In Tokyo sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Lynn Cruz, John Gabriel, at Jacky Woo.

Ang nakakatuwa pa rito, talagang pinaghandaan ng mga producers itong parada. Ang ganda ng mga float nila na tila ginastusan nang husto kahit yung iba ay parang rehash na sa nakaraang MMFF.

Pero maganda pa rin. Pinakagusto namin ang float ng (K)ampon, Firefly, at Becky & Badette.

Pagdating sa Valenzuela, kapansin-pansing matamlay na ang karosa ng Broken Hearts Trip. Hindi na pala nila kasama si Christian Bables.

Broken Hearts Trip float, Christian Bables

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa direktor ng pelikula nilang si Lem Lorca, nagsisimula pa lang ang parada ay nakatanggap daw ng tawag ang aktor mula sa kanyang ina na pinapauwi siya. Emergency raw, dahil may nangyari raw sa kanyang stepfather.

Hindi raw sinabi kung ano, basta pinapauwi na siya. Kaya kaagad na umalis na ito. Hindi na raw nakasagot si Christian sa kanila nang kinukumusta na nila ito.

Wala pa kaming balita mula sa kampo ni Christian Bables kung kumusta na ang kanyang stepfather.

Nasa float ng Broken Hearts Trip sina Teejay Marquez, Marvin Yap, Jay Gonzaga, Argel Saycon at Lex Bonife.

Namataan namin sa karosa ng GomBurZa sina Cedrick Juan, Elijah Canlas, at Tommy Alejandrino.

Maaga ang parada, kaya may sapat na panahon pang makapag-promote bago ang showing sampung official entries sa December 25, na sana ay tangkilikin ng moviegoers.

JERRY OLEA

Nagpansinan sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa group picture ng mga artista sa opening ceremony sa Navotas Centennial Park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-t-shirt at pantalon sina Matteo Guidicelli at Kylie Verzosa sa float ng Penduko. Kasama nila si Arron Villaflor at mga bagets na co-actors.

Matteo Guidicelli

Maliban kay Christopher de Leon ng When I Met You In Tokyo, ang isa pang senior star sa parada ay si Miss Gloria Diaz ng Mallari. Hindi na talaga kinaya ni Vilma Santos na lumahok sa parada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hopefully ay makadalo siya sa Gabi ng Parangal sa Disyembre 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Maayos ang coordination ng Valenzuela City sa pagdating ng mga artista, pero sobrang higpit lang ng mga pulis na nagbabantay.

Gusto man ng media na makakuha ng magandang litrato sa photo op nila sa may Valenzuela People's Park, nahihirapan sila dahil sa mga nakaharang na mga pulis at mga empleyado ng LGU.

Mas pinagbigyan nila ang mga taga-Munisipyo na magpa-picture sa mga artista. Kasama pa ang pamilya ng ilang opisyal na naghihintay sa pagdating ng mga artista.

Ang isang lady politician ay nagmamadaling pumasok sa backstage ng ampitheater para abangan ang guwapong aktor na bida sa isang pelikulang kalahok.

Nagpa-picture siya kay Guwapong Aktor, at parang may ibinulong siya na itinuro ni Guwapong Aktor ang katabi niyang road manager.

Sabi ng isang kasama naming malapit sa kanila, hinihingi raw ni Lady Politician ang phone number ni Guwapong Aktor. Pero itinuro ni Guwapong Aktor ang road manager niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin ding nasa labas lang ang fans na nagtiyagang naghintay sa mga artistang padating.

Karamihan sa nasa ampitheater kung saan ang programa ay mga empleyado ng munisipyo.

Naka-uniform kasi ang majority na nandoon. Buti na lang at may mga screen sa labas kaya kahit paano ay napanood ng fans ang mga kaganapan sa ampitheater.

Yung programa ng MMFF last year, at 1st Summer MMFF last April, ay hosted by Quezon City. Ang programa ay ginanap sa Quezon Memorial Circle at malayang nakapanood lahat ng fans na nandoon.

Nagbibigay lang ng opening remarks si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Hinayaan niyang ma-enjoy nang lubos ng fans ang programa sa pagtatapos ng parada, at walang city officials and Kamag-anak, Inc. na nangunguna sa pagpapalitrato sa mga artista.

Wala ring mga pulis at empleyado na humaharang sa mga accredited media para malitratuhan ang mga artista.

Pero in fairness, meron ding magagalang na empleyado ng Valenzuela LGU na nag-guide sa amin, at magiliw na bumabati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging yung mga pulis sa backstage ay maayos ang pakikitungo sa amin.

Noong umambon ay meron pang nagbigay sa amin ng payong ng Valenzuela.

NOEL FERRER

Mula nang nag-assume kami sa MMFF — from the re-evolution noong 2016 sa Maynila, hanggang binagyo, nabalahaw, at putik-putikan tayong mga katroika, hanggang sa mag-online noong pandemic, 'tapos nagtangkang bumalik ang sigla, naranasan natin ang hirap — heto na sana ang ginhawa.

Mula Maynila, nakapunta na tayo ng Muntinlupa, Las Piñas, Taguig, Quezon City, 'tapos heto todo na sa CaMaNava.

THANK YOU TO OUR KABABAYANS who trooped to the streets yesterday to support their favorite actors and films in the coming Metro Manila Film Festival.

May this be a good indication of people’s interest in going back bigtime to the cinemas again to support local films after the pandemic.

THANK YOU TO EVERYONE IN THE MMFF Parade Team, the traffic enforcers, members of the Road Safety Emergency Group, Public Safety Division, Sidewalk Clearing Operations Group, Towing and Impounding group and the Traffic Engineering Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salamat din sa host cities ng Parada: CALOOCAN, MALABON, NAVOTAS, at VALENZUELA; sa Philippine National Police (PNP), Office of Civil Defense-NCR (OCD NCR) at iba pang opisina at ahensiya na tumulong upang mapanatili ang seguridad at kaayusan ng event.

THANK YOU TO THE THE STARS, PRODUCTION PEOPLE & TO THE SUPPORTERS of FILIPINO FILMS.

MANALO NG CINEMA PASSES GAMIT ANG INYONG SELFIES!

Sa mga nag-selfie kasama ang paboritong movie float sa Parade of Stars kahapon, iupload lang ang selfie sa inyong Facebook account na may hashtag #MMFF2023ParadeOfStars at i-tag ang @MMFFOfficial.

I-like ang MMFF Official Facebook Page.

Pipili ng 25 selfie na kasama ang nanalong Best Float sa Gabi Ng Parangal sa Dec. 27.

ABANGAN ANG 25 WINNERS NG MMFF PASSES SA OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT NG MMFF SA DECEMBER 28.

Masasabi nating malaking tagumpay ang naging parada kahapon, sana tuluyan na nating maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipinas simula ngayong Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkita-kita po tayo sa takilya ng mga sinehan!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago magsimula ang MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, nagpa-picture muna sa press ang mga artistang sasakay sa kani-kanyang floats ng kanilang pelikula.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results