GORGY RULA
Hindi namin akalaing kumalat nang ganito katindi ang isyu nina Rob Gomez, Herlene Budol, at nadamay pa si Bianca Manalo.
Read: Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera
Tinamaan nang husto si Bianca, na nataon sa pag-alis nila pa-Japan nung Miyerkules, December 19, 2023, ay pumutok ang kontrobersiyang ito. Napag-alamang advance Christmas vacation ito ng pamilya ni Bianca.
Read: Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez
Pero nang nagsimula na siyang mag-post ng kuha nila sa Japan, pinutakti na ito ng bashing at pangangantiyaw ng netizens.
Kung nauso noon ang "as a friend" nina Paolo Contis at Yen Santos, ngayon naman ay "he's in Valenzuela" ang ikinakabit sa kanya.
Read: Paolo Contis, naaliw sa dagsaang "as a friend" memes
Sa unang IG post pa lang ni Bianca sa Japan, kasama ang mga kapatid niya, dinagsa na ito ng comments na inaalipusta ang pagkakasangkot niya sa isyu kay Rob.
May mga nagsasabi pang nakakaawa naman daw si Senator Sherwin Gatchalian, boyriend ni Bianca, at nagawa raw ito ng aktres.
Ang dami nang humuhulang mauuwi na ito sa hiwalayan dahil hindi umano sanay ang pamilya Gatchalian sa ganitong isyu. May nagsasabi pang baka yun ang dahilan kaya hindi kasama ang senador sa bakasyon ni Bianca sa Japan.
Nalaman ng PEP Troika na lakad pala talaga ito ng pamilya ni Bianca dahil ginagawa raw nila ito tuwing Pasko.
Ang inaabangan ngayon ay kung kasama ba si Bianca sa lakad ng pamilya Gatchalian sa ibang bansa.
Tuwing Pasko ay umaalis ang pamilya ni Senator Gatchalian sa ibang bansa. Curious kami ngayon kung kasama ba si Bianca sa Christmas vacation ng pamilya Gatchalian sa darating na Pasko.
NOEL FERRER
Uulitin ko na lang ang isang comment mula sa isang social media personality na si Christian Gaza, “Sa GMA ka lang makakakita ng isang artistang may issue pero hindi mo kilala.”
Well, meron din namang ganyan sa ibang network. Pero sa isyung ito, mga bida ito ng programa na mas nakikilala hindi dahil mahuhusay silang artista, ha, kundi dahil sa mga isyung ganito.
Good luck na lang talaga sa mga talent na tinutulungan nating magka-Sparkle at Magic!
JERRY OLEA
WIN sa ratings ang Magandang Dilag na tinampukan nina Herlene, Rob, at Bianca.
Kaya nga isinahog si Herlene sa Black Rider bilang Pretty, na ang mister ay may escabeche especial.
Sa isyung ito, ang linyang WIN na WIN sa akin ay ang mga linyang, “kain kita ha ha ha,” “tagal na din akong walang kain,” Kain ko ikawwww,” “ako lang kakain,” at “hahahahha kain kain muna.”
Manalo o matalo, beautiful cannibals ba ang mga ito?!
Related Stories:
- Pagkalat ng private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo, ibinibintang kay Shaila Rebortera
- Rob Gomez issues statement over unauthorized postings on his Instagram account
- Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez
- Shaila Rebortera posibleng kasuhan dahil sa pagpu-post ng mga pribadong mensahe ni Rob Gomez
