JERRY OLEA:
Muling umawit ang Superstar! Kinanta ng National Artist na si Nora Aunor ang Kapampangan folk song na "Atin Cu Pung Singsing" sa pelikulang Pieta.
Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition
"Natuwa rin kami dahil first time niya ulit kumanta sa isang pelikula after so many years," sambit ng direktor ng Pieta na si Adolf Alix Jr.
Nakausap si Direk Adolf matapos ang 3:00 p.m. sneak preview nitong Disyembre 22, Biyernes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.
Si Nora ay kilala rin sa palayaw na Ate Guy.
Puwede na bang mag-concert muli ang 70-anyos na si Ate Guy?
"Ah, depende po yata. Hindi ko po masagot. Siya po ang tanungin ninyo," tugon ni Direk Adolf.
"Pero para po dito, alam ko, medyo hirap siya. Pero dahil alam niya yung importansya nung kanta dun sa role niya, pinilit niya po na gawin.
"Kahit yun, nakita niyo in between, kung medyo ano... Sabi ko, 'Sige, OK lang,' basta yung essence naman ng gagawin, nandun."
Ang main setting ng Pieta ay maisan sa Pampanga. Backdrop ang Mt. Arayat ng lalawigan.
Dumalo sa sneak preview ng Pieta ang ilan sa mga artista nito na sina Gina Alajar, Angeli Bayani, Elora Espano, Tommy Alejandrino, at Tabs Sumulong.

Wala sina Ate Guy, Jaclyn Jose, Alfred Vargas, Bembol Roco, Ina Raymundo, Alan Paule, Carlos Dala, Erlinda Villalobos, at Miggy Jimenez. Si Alfred ay producer din ng pelikula.
Lahad ni Direk Adolf, "Wala po rito si Alfred dahil anytime po, yung kanyang wife, ay manganganak na.
"Tapos one month po silang nasa hospital dahil delicate po yung pregnancy ng kanyang wife, kaya po…
"Pero siya po yung nag-request nito na magkaroon po ng sneak preview yung Pieta in time for Christmas, para po pamasko nila ni Ate Guy sa mga fans bago po kami mag-regular run next year. Baka po sa first quarter.
"Baka ilabas din po sa streaming. I think ito po yung unang pelikula ni Ate Guy na lalabas after niyang maging National Artist.
"Si Ate Guy naman po ay nagpapagaling, lalo po ngayon, kasi medyo delikado dahil nga sa flu. Pandemic, medyo madami pong nagkaka-flu.
"So, iniingatan lang po ng doktor niya na huwag muna siyang lumabas dahil by January po, maggi-guest po siya dun sa show na ginagawa namin sa GMA, yung Atty. Lilet Matias."
Nagpaliwanag din si Direk Adolf kung bakit hindi nakarating sa sneak preview si Jaclyn Jose, na ang tunay na pangalan ay Jane.
"Si Miss Jane po, I think dahil Christmas. Umuwi na po ng Laguna para po sa kanyang mga apo.
"Pero masaya po ako na itong pelikulang ito ay nabuo namin dahil I think, one of the very few times na napagsama-sama po namin silang lahat.
"Sina Miss Jane, Miss Jaclyn. Direk Gina. Si Ate Guy, si Alfred, si Tito Bembol. Si Kuya Alan, si Angeli. Si Elora, si Tommy, si Ina Raymundo. Si Tita Erlinda.
"So masaya po kami nung ginagawa namin yung movie."
Read: Andrew Schimmer reveals new girlfriend one year after partner’s death
GORGY RULA:
Highlight ng Pieta iyong eksenang tampok sina Nora, Gina, Jaclyn at Alfred.
"Masarap pong i-shoot yung eksenang yun, kasi, parang nung in-explain po sa kanilang apat, ang ganda nung dynamics nilang apat," lahad ni Direk Adolf.
"Kasi, sabi ko nga po, yung role ni Miss Jane, hindi puwedeng hindi po siya. Kasi I think, it needs someone na ganung kalibre para pag lumabas.
"Kasi siyempre, dahil si Ate Guy po yun, si Direk Gina ang kaeksena, kailangan I think kayang tapatan yung ganung eksena.
"So in-explain namin kay Miss Jane. Alam naman niya po at naintindihan niya po, so ang sarap lang nung ganung dynamics nung eksena na iba-ibang klaseng babae."

Isang araw lang kinunan ang eksena iyon nina Nora, Gina, Jaclyn at Alfred. Dalawa o tatlong take iyon.
Sold out ang sneak previews ng Pieta—3:00 p.m. at 6:00 p.m. sa Sine Pop nitong Disyembre 22, Biyernes; 10:00 a.m. sa Cinema ‘76 ngayong Disyembre 23, Sabado; at 10:00 a.m. muli sa Cinema ‘76 bukas, Disyembre 24, Linggo.
Bago ang 3:00 p.m. sneak preview kahapon ng Pieta, ipinalabas ang trailer ng horror film na Mananambal kung saan bida sina Nora at Bianca Umali, sa direksyon din ni Adolf Alix Jr.
Kasama sa cast ng Mananambal sina Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales, at Kelvin Miranda.
May isa pang Nora Aunor movie directed by Adolf Alix Jr. na hindi pa rin naipapalabas, iyong Kontrabida. Andiyan din ang isa pang horror movie ni Ate Guy na Ligalig.
Read: Senator Sherwin Gatchalian on Bianca Manalo: "No fake news will divide us apart.”
NOEL FERRER:
Sa Pieta, ang karakter ni Nora na si Rebecca ay bulag, at meron nang Alzheimer’s Disease. Hindi niya nakilala ang anak na si Isaac (karakter ni Alfred) nang umuwi ito matapos mabilanggo nang labingwalong taon.
Ano iyong inilagay sa kaliwang mata ni Nora para palabasing bulag siya?
"Parang katarata po, contact lens. Nung in-explain din po namin sa kanya, given na naintindihan niya yung role, yun po ang maganda kay Ate Guy, hindi siya takot,” sabi ni Direk Adolf.
"Kung nakita nyo kanina yung trailer ng Mananambal, iba rin yung hitsura niya.
"So, I think hindi po siya takot to change physically as long as alam niya pong sakto dun sa role na kanyang gagampanan.
"So kahit po mahirap para sa kanya na magkabit, may times po na siya ang nagkakabit.
"Kasi nahirapan po yung prod. Siyempre takot din po for her eyes. Kasi siyempre, asset ni Ate Guy yung kanyang mga mata.
"So may times po sa shoot na siya po yung nagkakabit. Sabi nga po niya, willing siya.
"Yun, makita rin minsan na parang paano yung isa sa mga assets niya ay wala?"
Kaya rin ba in-exhibit ang Pieta earlier ay para mag-qualify sa mga awards next year? We’ll see!
