PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Official tally of cinemas per MMFF 2023 movie entry revealed

Family of Two (A Mother and Son Story) tops list with 120 cinemas
by PEP Troika
Published Dec 24, 2023
MMFF 2023 official entries
Narito ang official number of cinemas per MMFF 2023 movie entry. Ang pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story) ang nangunguna with 120 cinemas nationwide, at sinundan ng Rewind na mapapanood sa 119 cinemas.

GORGY RULA:

May ilang nagpu-post sa social media kung ilang sinehan ang nakuha ng bawat pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa bukas, Disyembre 25, Lunes.

Nilinaw namin ito sa ilang producers. Hindi pala totoo iyon.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, nang nagkabunutan ng mga sinehan, meron daw talagang 29 cinemas ang bawat entry.

Nadagdagan lang ito nang nadagdagan nang magpa-book na pati sa mga sinehan sa probinsiya.

As of December 23, Saturday, nakuha ng PEP Troika ang bilang ng mga sinehan ng bawat entry.

Ang pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards ay nakakuha ng may pinakamaraming sinehan.

Naka-120 cinemas ito nationwide, at isa lang ang lamang nito sa Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na may 119 cinemas.

Sumunod ang Penduko ni Matteo Guidicelli na may 101 cinemas, at ang Kampon nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na may 100 cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Mallari ni Piolo Pascual ay 93 cinemas, at 90 naman ang sa When I Met You in Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ang mga sumunod na pelikula ay mahigit 50 na lang ang nakuhang sinehan.

Ang Becky & Badette ay may 53 cinemas, may 38 cinemas ang Firefly, at mahigit 32 naman daw ang sa GomBurZa at Broken Hearts Trip.

Kaya todo effort talaga sa pagpu-promote ang mga artistang kasali dahil kailangang malakas ang first two days ng showing para hindi sila mabawasan ng sinehan.

Madagdagan pa sila ng sinehan na kukunin sa mahihinang pelikula.

Sa unang araw pa lang ay sangkatutak na ang block screenings ng ilang pelikula.

Hindi nagpapabaya ang mga Vilmanians, meron na silang mga nakatakdang block screenings na pupuntahan pa nina Ate Vi at Boyet.

Meron din ang Mallari na pupuntahan namin sa Lunes, December 25 sa Cinema 5 ng SM North EDSA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Family of Two ay meron na raw walong block screenings sa Lunes sa Bulacan at Ayala Cloverleaf na iikutin daw lahat iyun nina Sharon at Alden.

Kaya tiyak na nakakapagod ang araw ng Pasko sa mga bidang artista ng sampung pelikula ng MMFF.

Pero kung ibabase natin sa dami ng mga sinehan ng mga pelikulang kalahok, mukhang maglalaban-laban sa topgrosser ang Family of Two, Rewind, Penduko, Kampon, at baka Mallari o Becky & Badette.

NOEL FERRER:

Kani-kanya ng panawagan ang mga artistang dumalo sa Inauguration ng MMFF Auditorium.

Pahayag ni Piolo Pascual na bida sa horror movie na Mallari, “Iyong MMFF na mangyayari this year is a really big blessing para po sa buong entertainment industry.

“So sabi ko nga, napaka-busy ng mga press ngayon, napaka-busy nating lahat. Pero sana, you know, we hold hands and we just really appreciate Philippine cinema.”

Pagmamalaki ni Cedrick Juan na gumanap bilang Padre Jose Burgos sa GomBurZa, “Sana, yung lahat po ng mga pelikula natin dito, magkakaibang timelines at different emotions ng ating pagiging Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siguro, ang isang masasabi ko ho, maganda na ma-recognize muna natin, at ma-ignite muna natin ang pagiging Pilipino natin so that we could enjoy all the emotions that Metro Manila Film Fest 2023 can offer.”

Sambot ng co-star ni Cedrick sa GomBurZa na si Enchong Dee, “Maraming pelikula na tatawa kayo pero hindi lahat ng pelikula, mae-educate at mai-ignite kayo.”

Pag-asam ni Derek ng Kampon, “I wish you guys all good health, good wealth, and sana, you guys enjoy the holidays by going with your friends and family, and appreciate all the hard work that all us actors and actresses had put in through the past couple of months.”

Pagtatapat ni Eugene Domingo ng Becky & Badette, “Ako sa totoo lang, kinakabahan ako. Ayoko lang mag-expect.

“Kasi yun na nga, may mga bagay na hindi natin makontrol, di ba? So talagang sinurender ko na po sa Panginoon.

“At saka panay naman ang hingi namin ng tulong sa mga kinauukulan — baka naman puwede tayong magtulungan, maging madali na sa lahat ng tao, makabili ng tiket, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maipaalam sa mga tao na merong mga pelikulang puwede nilang panoorin at puntahan sa Pasko.

“So yun na lang po, wala na po akong ine-expect kundi gusto ko na lang i-congratulate lahat ng mga kasama ngayon sa MMFF, sa MMDA.

“Yung hindi natin pagsuko, yung lakas natin, talagang lalo nating pinagtitibay.

“Because we believe that this tradition is really important!”

GORGY RULA:

Nag-emote kamakailan ang mga taga-Firefly dahil sa iilang sinehan lang ang napunta sa kanila. Maganda pa naman ang pelikula at mukhang may laban ito sa Best Picture at iba pang kategorya.

Pero paano ito mapanood ng nakararami kung iilang sinehan lamang ang mapunta sa kanila?

Kaya nakiusap si Direk Zig Dulay at mga artistang kalahok na sana sa unang araw ng showing pa lang ay panoorin na ang kanilang pelikula, at nawa’y malakas ito sa takilya para madagdagan pa sila ng mga sinehan.

Ani Direk Zig sa nakaraang media conference ng Firefly, “Personally, palaisipan din sa akin yung bilang ng mga cinemas. Kasi hindi ko naman talaga alam yung proseso, kung ano yung nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam kung pareho ba talaga kami sa ibang pelikula na konti talaga yung sinehan. Kaya naman sa amin, sure kami na ginawa namin ang lahat na makakaya namin para mapahusay, mapaganda yung pelikula.

“At ginawa talaga namin yun para sa mga tao. So, nakakalungkot na konti lang yung mga makapanood, di ba?

“Ganun pa din, na-defeat yung purpose na gumawa ka ng pelikula, gusto mong makapanood ang mas nakakarami, kasi may gusto kang iparamdam, may gusto kang iparating sa kanila. Tapos, hindi makakarating, parang ganun.

“Sana, lalung-lalo na dun sa unang araw, sa December 25, panoorin ng mga tao yung Firefly. Tapos, wala namang sapilitan iyun.

“Pero kung nagustuhan mo yung pelikula, sana ipakalat nila. Kasi hanggang sa kasalukuyan, iyon pa rin yung inaasahan namin na mapadami yung mga sinehan na magpapalabas ng Firefly.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Narito ang official number of cinemas per MMFF 2023 movie entry. Ang pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story) ang nangunguna with 120 cinemas nationwide, at sinundan ng Rewind na mapapanood sa 119 cinemas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results