PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Naibalik na nga ba ng MMFF 2023 ang sigla ng mga sinehan?

Mga artista, masaya sa kanilang theater tour.
by PEP Troika
Published Dec 26, 2023
piolo pascual, christopher de leon, vilma santos, matteo guidicelli
Base sa mga obserbasyon nina (L-R) Piolo Pascual, Vilma Santos, Christopher de Leon, at Matteo Guidicelli, tila tagumpay sila at Iba pang mga artistang kasali sa MMFF 2023 sa paghatak sa mga tao upang muling bumalik sa panonood sa mga sinehan.
PHOTO/S: Mentorque / JG Productions / Viva Films

GORGY RULA

Medyo nanibago si Piolo Pascual sa ginawa niyang theater tour para ma-promote ang MMFF 2023 entry niyang Mallari.

“First time to do a theater tour,” sabi ni Piolo na bumisita sa 5:00 pm screening ng Mallari nitong Disyembre 25, 2023, Lunes, sa Cinema 5 ng SM North EDSA, Quezon City.

“Hindi ko alam na nagmu-mall pala ang mga tao sa Pasko. So, sa first stop namin sa SM MOA, sold out, there are a lot of people outside.

“And then sa lahat na mga pinuntahan naming sinehan, ang daming pila. Sabi ko, ‘wow!’

“Nakakatuwa, e… buhay na buhay ang pelikulang Pilipino. So, nakakataba ng puso.

“It’s not just for us, but for the whole film community. Kasi iyon yung importante, lahat talaga sumugal para sa filmfest and nakakatuwa ang suporta ng bayan para sa mga pelikula natin,” saad ni Piolo.

Tuluy-tuloy ang theater tour ni Papa P. at ngayong Martes ay bumisita siya sa Walter Mart sa Sta. Maria, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang ibinalita ng Mentorque na mahigit 100 na ang mga sinehan ng Mallari nationwide.

Mallari poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, today pa lang nag-start si Derek Ramsay ng theater tour para sa Kampon nila nina Beauty Gonzalez at Zeinab Harake.

NOEL FERRER

Sobrang tuwa nina Vilma Santos at Christopher de Leon ng When I Met You In Tokyo noong Disyembre 25, Lunes, araw ng Pasko.

Nakita raw nila sa mga naiikot nilang sinehan ang sobrang dami ng taong pumila sa sinehan.

“Panalo na kami dun!” bulalas ni Ate Vi. “Actually, iyon ang adbokasiya namin… ang adbokasiya namin is yung maibalik namin yung mga tao sa sinehan.

“Kaya tingnan mo, nangingilabot ako. Ang saya-saya namin! Nagkikita kaming mga artista. Naibalik namin yung sigla.

“Sana tuluy-tuloy. Yun lang, panalo na kami and we’re very very thankful,” masayang pahayag ng Star For All Seasons.

Hindi mapigilan si Ate Vi na talagang lumalapit sa mga tao para makausap siya, makamayan, mayakap, o makapag-selfie.

Napa-“wow!” naman si Boyet sa dami ng mga taong nagkakagulo sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang saya! Ang saya! So far, so good! Thank you!” sabi pa ni Christopher.

Ngayong Disyembre 26, Martes, ang theater tour nina Vilma at Boyet ay sa SM Calamba, Gateway Mall sa Quezon City, at SM Megamall sa Mandaluyong City.

Hindi na magte-theater tour sina Vilma at Boyet bukas para hindi sila Haggardo Versoza sa pagdalo sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

JERRY OLEA

Dumating ding naka-costume ng Becky & Badette sina Eugene Domingo at Pokwang, at buong giliw silang nagtinda ng tickets sa ticket booth ng SM North EDSA noong Lunes, araw ng Pasko.

Matagal-tagal din silang nagtinda ng tickets dahil sa pinagbibigyan pa nilang makapag-selfie ang mga taong bumibili.

Dumating din si Matteo Guidicelli sa lobby ng SM North EDSA noong Christmas day, pero hindi na namin nakatsikahan dahil nanood na kami ng Mallari.

Post ni Matteo sa Facebook ngayong Martes ng hapon, “Salamat sa BLOCKBUSTER na pagtangkilik!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Penduko ang Pinoy Superhero para sa bagong henerasyon in cinemas nationwide. Perfect for the whole family.”

Nakakatuwa ang nakakarating sa ating mga balita na pila-pila pa rin ang moviegoers sa mga sinehan, pangmasa man o pang-alta!

Dagsa ang mga tao sa Power Plant Mall sa Makati City, SM Megamall sa Mandaluyong City, Ali Mall at Gateway sa Quezon City, maging sa Ayala Malls Manila Bay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naso-sold out ang screenings, at sa pagtatanung-tanong natin sa mga kaibigan at katoto ay malakas ang word-of-mouth sa Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Rewind sold out

Umaariba rin sa takilya ang walo pang official entries, at isa lang ang talagang napag-iiwanan.

Tingnan natin kung makakaapekto sa box-office standing ng filmfest entries ang resulta ng MMFF 2023 Awards Night bukas ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang chairman ng board of jurors ay ang multi-awarded director na si Chito S. Roño, at ang vice chairman ay ang grand-slam actress na si Lorna Tolentino.

Inaasahang star-studded ang MMFF 2023 Awards.

May expectation na naroon sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Sharon Cuneta, Alden Richards, Piolo Pascual;

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, Eugene Domingo, Pokwang;

Christian Bables, Dante Rivero, Cedrick Juan, Enchong Dee, Alessandra de Rossi, Matteo Guidicelli, at marami pang iba.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa mga obserbasyon nina (L-R) Piolo Pascual, Vilma Santos, Christopher de Leon, at Matteo Guidicelli, tila tagumpay sila at Iba pang mga artistang kasali sa MMFF 2023 sa paghatak sa mga tao upang muling bumalik sa panonood sa mga sinehan.
PHOTO/S: Mentorque / JG Productions / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results