PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang sa AMA ni Malia tungkol kay Lee O'Brian

"Napakabata pa niya ngayon sa mga ganitong..."
by PEP Troika
Published Dec 26, 2023
Eugene Domingo, Pokwang, Lee O'Brian, Malia
Matipid ang mga sagot ni Pokwang (kaliwa, kasama si Eugene Domingo) nang tanungin kung alam na ng anak niyang si Malia (kanan, kasama ang amang si Lee O'Brian) ang tungkol sa kahihinatnan ng ama nitong si Lee.
PHOTO/S: Jerry Olea / @leeobrian Instagram

GORGY RULA

Hindi gaanong sinagot ni Pokwang ang isyu ng deportation case ni Lee O’Brian nang sandali naming nakapanayam nang mag-theater tour sila ni Eugene Domingo.

Naabutan namin sila sa SM North EDSA noong Lunes, December 25, 2023.

“Planggana!” ang agad niyang sagot nang sinabi kong maganda ang Pasko niya dahil pinanigan siya ng Bureau of Immigration sa isinampa niyang deportation case laban kay Lee O’Brian.

“Thankful. Grateful. Ang lawyer ko naman ang nag-asikaso ng lahat at siya naman talaga yung sumasagot muna for now.

“And naka-focus muna kami ngayon sa napakasayang Metro Manila Film Festival. And, of course, malaking pasasalamat namin, dahil napanigan tayo. Thank you,” medyo naalangan pa niyang sagot sa amin.

Sinundan namin ng tanong kung paano ipinaliwanag ito ng comedienne sa kanyang anak na si Malia.

Hindi pa raw alam ito ng anak.

“Alam mo, napakabata pa niya ngayon sa mga ganitong… darating yung panahon na maliwanagan din yan,” sabi lang ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinalo siya ni Uge na nagsabing mag-focus muna sila sa Becky & Badette.

“Sa ngayon, manood muna tayo ng Becky & Badette! Sobrang saya!” pasok ni Uge.

Video: Jerry Olea (video), Rommel R. Llanes (edit).

NOEL FERRER

Nagpapasalamat sina Uge at Pokwang dahil sumabay raw itong Becky & Badette sa gumagandang takbo ng kanilang career.

Muling nagpaka-active ngayon si Eugene Domingo dahil marami na raw nag-i-inquire sa kanya.

“Totoo! Ang ganda ng timing. Kumbaga, parang nag-align lahat. Kasi hindi naman kaya ng isa lang. Kailangan talaga ng tulung-tulong para masalba natin ang industriya. Hindi kaya ng isa.

“Maraming salamat. Marami nang nagsitawag. Sis, ikaw din?” baling ni Uge kay Pokwang.

“Marami nang trabaho and, siyempre, negosyo,” pakli ni Pokwang.

“Panawagan!” tili ni Uge nang tinanong siya kung open ba sila ni Pokwang magka-TV show sa GMA-7.

“Why not! Hello po, nanawagan po kami ni Uge, television show!” sabi naman ni Pokwang.

“Comedy show po!” dugtong ni Uge.

JERRY OLEA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mega-March sina Eugene Domingo, Pokwang, Romnick Sarmenta, Agot Isidro, Direk Jun Robles Lana, at Direk Perci Intalan sa SM Megamall bago ang premiere screening ng Becky & Badette.

Dumalo sa premiere night sina Dolly de Leon, Kokoy de Santos, Direk Louie Ignacio, Christian Bables, Martin del Rosario, Carmi Martin, Ricky Davao, Susan Africa, Adriana So, Jayson Gainza, Klea Pineda, Faith da Silva, Sue Prado, Elora Españo, Donna Cariaga, Angellie Sanoy, Angie Castrence, at iba pa.

Sey ni Direk Louie Ignacio sa Facebook, nakakapagod tumawa at pumalakpak sa husay at ganda ng pelikulang Becky & Badette.

Pam-best actress daw ang efforts ng mga bidang sina Eugene at Pokwang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Well, tingnan natin bukas kung raratsada ang Becky & Badette sa awards night sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, kung saan host ang isang kaibigang comedienne.

Samantala, heto ang Christmas message ng MMFF sa official FB account nito: “Maligayang Pasko Sambayanang Pilipino!

“Kabahagi na ng ating kultura ang panonood ng pelikula sa mga sinehan tuwing Kapaskuhan.

“Kung kaya't malugod po namin kayong inaanyayahan na pumunta sa mga sinehan sa buong panig ng bansa at manood ng sine mula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024.

“Mula po sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Film Festival kasama ang industriya ng Pelikulang Pilipino, buong puso naming ipinagmamalaki at ikinararangal ang pagtatanghal sa 10 Pelikulang Pilipino na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sampung official entries ng 49th MMFF: Becky & Badette, Mallari, GomBurZa, Penduko, When I Met You In Tokyo, Rewind, Kampon, Broken Hearts Trip, Family of Two (A Mother and Son Story), at Firefly.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matipid ang mga sagot ni Pokwang (kaliwa, kasama si Eugene Domingo) nang tanungin kung alam na ng anak niyang si Malia (kanan, kasama ang amang si Lee O'Brian) ang tungkol sa kahihinatnan ng ama nitong si Lee.
PHOTO/S: Jerry Olea / @leeobrian Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results