GORGY RULA:
Wagi ang Firefly sa mga kategoryang best picture, best screenplay, at best child performer (Euwenn Mikaell) sa Metro Manila Film Festival 2023.
Natamo ng GomBurZa ang mga parangal bilang second best picture, best actor (Cedrick Juan), best director (Pepe Diokno), Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, best cinematography, best production design, at best sound.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
Ang third best picture na Mallari ay panalo rin sa mga kategoryang best supporting actor (JC Santos), best musical score, at best visual effects.
Ang fourth best picture na When I Met You In Tokyo ay nagtamo rin ng awards na best actress (Vilma Santos), FPJ Memorial Award for Excellence, at best float.
Panalo ang Becky & Badette ng Gender Sensitivity Award at best original song para sa "Finggah Lickin."
Best supporting actress si Miles Ocampo para sa Family Of Two (A Mother and Son Story).
Best editing ang Kampon.
Walang nakuhang award ang topgrosser na Rewind, maging ang Penduko at Broken Hearts Trip.
Inaasahang makakabawi ang pelikulang Firefly at GomBurZa pagkatapos nilang makamit ang major awards.
Sabi ng producer ng GMA Pictures na si Ms. Nessa Valdellon, "Thank you po sa lahat na nanood ng Firefly. Eto na po ang pagbabalik ng GMA Pictures.
"We hope po na we get more cinemas after this. Thank you. Thank you po."
Sabi naman ni Atty. Annette Gozon-Valdes, lalo raw silang na-inspire na gumawa pa ng pelikula na abangan natin sa 2024.
"Yes. Actually, meron na pong mga four to six films na we’re trying to line-up for next year.
"So, nabubuhayan kaming mga producers kasi nakita naman natin na bumalik na mga tao sa sinehan, finally.
"Sana, sumigla na talaga yung industriya ng pelikulang Pilipino."
Read: Vilma Santos Best Float lang ang inasam; paano ang proseso ng MMFF jury?
NOEL FERRER:
Tulad ng inaasahan, madadagdagan pa ang mga sinehan ng Firefly at GomBurZa.
Sana, madagdagan pa rin ng mga posibleng audience ang mga ito para naangat pa rin ang ranking nito sa pelikula.
OK ang awards. Pero mas OK kung may awards ka na, malakas ka pa sa box office.
Sana, tuluy-tuloy at tiyagain pa rin ng mga artista sa pelikula ang pagte-theater tour sa mga sinehang palabas ang pelikulang lahok nila.
Sana, mag-benefit din ang mga Best Pictures sa good word of mouth sa mga nakapanood na!
Sana talaga, awat na sa paggawa ng kontrobersya, mas mabuti talaga na magtulungan tayo para lalo pang tumaas ang gross ng MMFF para na rin sa mga beneficiaries nito.
Read: Miles Ocampo's touching acceptance speech at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
JERRY OLEA:
Nadagdagan ng mga sinehan ang pelikulang GomBurZa. Simula ngayong Disyembre 28, Huwebes ay mapapanood na rin ito sa Bicol (Naga City at Legaspi City), Laguna (Sta. Rosa City), Rizal (Antipolo City), Bataan (Balanga), at dagdag na sinehan sa Taguig City at Cagayan De Oro.
"SUGOD na sa mga sinehan at paalabin ang inyong mga puso!" post pa ng official Facebook page ng GomBurZa.
Nananawagan ang mga taga-Quezon na maipalabas sana sa Lucena City ang GomBurZa. Nag-shooting ang GomBurZa sa Tayabas City na katabi ng Lucena City.
Iyong eksenang nag-uusap sina Piolo Pascual at Cedrick Juan sa loob ng simbahan ay kinunan sa Minor Basilica of St. Michael the Archangel ng Tayabas City.
Take note na nagsimula ang istorya ng pelikulang GomBurZa kay Apolinario de la Cruz aka Hermano Pule, na ipinanganak sa Lucban, Quezon at namatay sa Tayabas sa edad na 26.
Ang tubong-Lucban na si Tommy Abuel ay nagbida sa pelikulang Hermano Pule (1979) na tinampukan din nina Boots Anson-Roa, Philip Gamboa at Alicia Alonzo, sa direksyon ni F. V. Alfon.
Nagbida naman si Aljur Abrenica sa pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli (2016), sa direksyon ni Gil Portes na taga-Pagbilao, Quezon.
Siyanga pala, nadagdagan din ng sinehan ang Firefly — Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Cloverleaf, Ayala Malls Harbor Point, Robinsons Metro East, Robinsons Ormoc, Robinsons Valencia, SM Center Muntinlupa, SM City Ormoc, SM City Urdaneta Central, SM City Mindpro, SM City Rosales, SM City Sucat, One Mall Valenzuela, Teatro de Dapitan, at Vista Mall Bataan.
Meron ding mga dagdag na sinehan ang horror movie ni Piolo Pascual na Mallari.
“Sisiw Fever” on the rise na sa Vista Mall Las Piñas, Lucky Chinatown, SM Fairview, SM Novaliches, Robinsons Galleria, SM Muntinlupa, Uptown BGC, Robinsons Gapan, Marquee Mall, SM Daet, Robinsons La Union, SM Puerto Princesa, SM Butuan, Robinsons Butuan, Gaisano Buhangin, at Abreeza Davao.
Bagama’t bokya sa awards ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay patuloy itong tinatangkilik at pinupusuan ng moviegoers.
Matatandaan na sa MMFF 2019 ay naka-11 awards ang Mindanao, naka-8 ang Write About Love, at naka-3 ang Sunod.
Bokya ang lima pang entries na Miracle in Cell No. 7; The Mall, The Merrier; 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon!; Mission Unstapabol: The Don Identity; at Culion.
Waging-wagi noon sa takilya ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, na sinundan ng The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.
Masasabi ba nating sinusundan ng Rewind ang mga yapak ng Miracle in Cell No. 7?
