PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan, big break ang GOMBURZA sa 10 taon sa pag-arte

He started as a theater actor.
by PEP Troika
Published Dec 28, 2023
Cedrick Juan as Padre Burgos in Gomburza
Cedrick Juan on bagging the Best Actor Award: "Hindi ko lubos maisip na makukuha ko ito. Sabi ko nga sa ilang beses na mga interbiyu kapag tinatanong ako kung anong masasabi ko tungkol sa parangal na ito, lagi kong naisasagot na ayokong umasa. Dahil alam kong maraming magaling na aktor ang kasama sa Metro Manila Film Festival 2023."
PHOTO/S: Noel Orsal / Gomburza poster (inset) / Cedrick Juan Facebook

GORGY RULA

Heartfelt ang acceptance speech ni Cedrick Juan bilang best actor sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, 2023, Miyerkules sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Nagwagi si Cedrick para sa kanyang pagganap bilang Padre Jose Burgos sa historical film na GomBurZa.

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Ang iba pang nominadong best actor sa 49th MMFF ay sina Dingdong Dantes (Rewind), Christopher de Leon (When I Met You In Tokyo), Derek Ramsay (Kampon), Alden Richards (Family Of Two: A Mother And Son Story), at Piolo Pascual (Mallari).

Read: Vilma Santos Best Float lang ang inasam; paano ang proseso ng MMFF jury?

Ang Facebook post ni Cedrick ngayong Disyembre 28, Huwebes ng gabi, "Bente kwatro oras ng lumilipad ang pakiramdam sa isang malaking rekognisyon na nakuha sa loob ng sampung taong pagiging aktor.

"Hindi ko lubos maisip na makukuha ko ito. Sabi ko nga sa ilang beses na mga interbiyu kapag tinatanong ako kung anong masasabi ko tungkol sa parangal na ito, lagi kong naisasagot na ayokong umasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil alam kong maraming magaling na aktor ang kasama sa Metro Manila Film Festival 2023.

"At bilang aktor na nagsimula sa entablado ay hindi kami nagtatrabaho at umaarte para sa parangal, dahil mas ang trabaho ng isang artista ay ang paghahanap ng katotohanan sa bawat eksena, linya at karakter.

"Lalung-lalo na ang isabuhay ang pinakamahalagang parte namin sa mundo.

"Ang integridad sa pangaraw-araw, ang boses para maitama ang mga mali at maging parte ng inspirasyon ng mga tao sa mga ginagawa namin.

"Pero ang parangal ay isa din sa mga simbolo ng pagpapahalaga at pagpapatunay na nagbunga ang lahat ng pinaghirapan.

"Masasabi kong bonus ito, dahil malaking bagay na ang makitang umiiyak, pumapalakpak at nakakaapekto sa mga Pilipino ang pelikulang GOMBURZA. Masayang-masaya kami lahat dito.

"Sa lahat ng nagpapahatid ng kanilang pagbati at kasiyahan sa nakamtan ko na ito, maraming-maraming salamat. Nakikita, naririnig at nararamdaman ko kayong lahat. Pasensya na at na-busy lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Muli maraming salamat sa lahat ng nakasama sa misyon na ito. Tagumpay itong ibinabahagi ko sa inyong lahat.

"Salamat sa lahat ng hurado ng MMFF, salamat sa pagsugal din sa akin!

"Sorry ang drama ko masyado HAHA.

"Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! Mabuhay ang Teatrong Pilipino! Mabuhay ang lahat ng manggagawa sa pelikula at entablado!"

Ang best supporting actor ng MMFF 2023 ay ang taga-teatro rin na si JC Santos.

JERRY OLEA

Dahil sa pagkawagi ni Cedrick bilang best actor sa MMFF 2023, na-curious tuloy ang ibang becky & badette na panoorin sa Vivamax Plus ang pelikula niyang Two and One, kung saan ka-throuple niya roon sina Miggy Jimenez at Paolo Pangilinan.

Noong Oktubre 2022 pa nag-streaming sa Vivamax Plus ang nasabing mapangahas na pelikula.

Para sa 18th Virgin Lab Fest na ginanap noong nakaraang Hunyo sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box, nag-audition si Cedrick pero hindi siya natanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinuportahan pa rin niya ang VLF 2023, at nakasabay namin siya sa panonood.

Sa Cinemalaya 2023 film na Huling Palabas, maikli lang ang papel ni Cedrick pero markado, at naghubad din siya roon.

Noong Agosto ang 19th Cinemalaya filmfest, na ang main venue ay PICC

(Better ang venue ng Cinemalaya next year, pero ayaw naming i-preempt kung saan iyon).

Sa mediacon ng GomBurZa noong Nobyembre 13 sa TV5 Media Center, Reliance Center, Mandaluyong City ay marami ang nag-iinterbyu kina Enchong Dee at Dante Rivero.

Si Dante ang gumanap na Padre Mariano Gomes, samantalang si Enchong ang Fr. Jacinto Zamora sa GomBurZa.

Kapwa nominadong best supporting actor sina Dante at Enchong sa MMFF 2023, pero tinalo sila ni JC Santos ng Mallari.

Sa MMFF 2023 Parade of Stars noong Disyembre 16 ay wala rin halos nagtitilian kay Cedrick, samantalang hindi magkamayaw ang fans sa paghiyaw kina Piolo, Dingdong, Alden, Derek, maging kay Christopher (na may pinakamaraming best actor award sa MMFF — pito).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal, sa kanyang acceptance speech ay buong pagpapakumbabang nagpakilala ang tinanghal na best actor.

"Ah, sorry po. Magpapakilala lang po ako sa inyong lahat. Marami sa inyo ang hindi nakakakilala sa akin. Ako po si Cedrick Juan…"

Read: Gomburza at Firefly, nagdagdagan ng mga sinehan; Rewind, una pa rin sa takilya

NOEL FERRER

Nagpapasalamat ang MMFF 2023 Execom sa magandang output ng Jury at kung meron mang paunang reklamo ang mga fans ng ibang pelikula na walang award, tila tanggap ng karamihan ang resulta ng awards.

Good news is that, patuloy pa rin ang pagtaas ng gross ng mga pelikulang lahok sa 49th MMFF.

At may dagdag pang midnight screenings starting later. Ipagpatuloy natin ang pagtangkilik ng mga pelikulang Filipino!

Read: Miles Ocampo's touching acceptance speech at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan on bagging the Best Actor Award: "Hindi ko lubos maisip na makukuha ko ito. Sabi ko nga sa ilang beses na mga interbiyu kapag tinatanong ako kung anong masasabi ko tungkol sa parangal na ito, lagi kong naisasagot na ayokong umasa. Dahil alam kong maraming magaling na aktor ang kasama sa Metro Manila Film Festival 2023."
PHOTO/S: Noel Orsal / Gomburza poster (inset) / Cedrick Juan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results