PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos may payo kay Cedrick Juan

Vilma Santos, may nakalinyang pelikula ngayong 2024; may payo kay Cedrick Juan
by PEP Troika
Published Jan 1, 2024
Vilma Santos and Cedrick Juan
Vilma Santos's advice to Cedrick Juan: "Hindi ibig sabihin na nanalo na tayo ng award, we are the best. Hindi e. Every day is a learning process and you really have to hone your craft. Hindi ka hihinto, kasi walang katapusan, e, yung matututunan natin."
PHOTO/S: Noel Orsal / @cedrickgjuan Instagram

GORGY RULA:

Pinagbigyan kami ng MMFF Best Actress na makapanayam sandali sa radio program namin sa DZRH nung Linggo, December 31, 2023, kahit nasa bakasyon na siya kasama ang buong pamilya sa Batangas.

Read: Vilma Santos Best Float lang ang inasam; paano ang proseso ng MMFF jury?

Dumating nung December 30 ang mga kapatid at mga pamangkin niya galing Amerika kaya ang saya raw nilang magkakasama sila sa pagsalubong ng bagong taon.

Araw-araw ay kalaro raw niya ang kanyang apong si Peanut, pero doble ang saya dahil makaka-bonding daw niya ang mga kapatid niya at ang buong pamilya hanggang January 15.

Pagkatapos niyan ay tuluy-tuloy na raw siya sa trabaho, kaya hindi na raw siya makakasama sa Manila International Film Festival sa Enero 29 hanggang Pebrero 2, 2024 sa gusali ng Directors Guild of America at sa TCL Chinese 6 Theatres sa Hollywood Blvd., Los Angeles, California.

Ipapalabas doon ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tinanong na kami diyan. Baka hindi siguro kasi may mga prior commitment hanggang February." pakli ni Ate Vi.

"Nananawagan ako sa mga Pilipino natin sa States, suportahan natin itong mga Filipino movies na darating sa kanila.

"Kasi it’s one step higher or one step again for Filipino movies na matuwa uli o magising ang dugo ng mga Filipinos natin abroad. Sana naman, and I’ll pray for that," dagdag niyang pahayag.

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

NOEL FERRER:

Tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni Ate Vi, at pinag-aaralan pa raw niya ang mga susunod niyang gagawin.

Pero gusto raw sana talaga niya makagawa ng kahit isa pang pelikula na gusto talaga niyang material.

"Modesty aside, may mga nakalatag naman sa akin ngayon. Pero I’m still thinking. Nothing is final at this point in time. I’m looking forward to do at least kahit one movie lang next year.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero, I’m dreaming to do another ano siguro, like Sister Stella L, Bata Bata Paano ka Ginawa.

"I’m dreaming to do another Dekada 70, yung mga ganun. Kahit isa lang for next year. Nami-miss ko uli yung mga ganung klaseng pelikula," saad ng Best Actress for All Seasons na si Vilma Santos.

Read: Miles Ocampo's touching acceptance speech at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

JERRY OLEA:

Guest co-host ako ni Gorgy sa DZRH noong Sunday night. Nakasama rin namin sa panayam ang MMFF 2023 Best Actor na si Cedrick Juan ng pelikulang GomBurZa.

Naka-phone patch si Ate Vi at nasa zoom naman si Cedrick. Doon lang sila nagkausap sandali.

Hindi nagkaroon ng chance na magkita sina Vilma at Cedrick pagkatapos ng awarding. Hindi na napiktyuran si Ate Vi kasama ang iba pang winners. Wala tuloy kuha na magkasama ang Best Actor at Best Actress ng MMFF 2023.

Sobrang tuwa ni Cedrick na si Vilma Santos pa ang ka-partner niya sa mga nanalo sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking karangalan din daw sa kanya na mga premyado at magagaling na aktor ang mga nakasama niyang nominado.

Pahayag ni Cedrick, "Sobrang malaking honor po talaga lalo na maihilera kina Christopher de Leon, kina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Alden, and also kay Dingdong Dantes.

And lalo na po katambalan ko pa sa award si Ms. Vilma Santos po.

"Sobrang malaking honor po ito. Sobrang malaking appreciation po ito sa sampung taon po na ginugol para mag-aral umarte.

"Sinabi ko nga po sa mga interview, tinatanong ako kung ano yung pakiramdam ko kung mananalo ako. Sabi ko, malaking appreciation po yun kahit hindi po yung pinagwo-workan ko as an artist. Pero iyun po ang malaking validation ko po sa craft ko.

"Kaya sobrang thankful po ako, Sir Jerry, sa mga board members po ng MMFF at sa lahat po na mga jury. Sobrang salamat po sa appreciation na binigay nyo sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malaking bagay po sa akin na magbibigay confidence sa mga susunod ko pang gagawin."

Sinasabi mismo ni Ate Vi na magagaling ang mga kabataang artista ngayon.

Ang payo ni Ate Vi kay Cedrick, "Ang importante, just love your career, and it will love you back.

"Hindi ibig sabihin na nanalo na tayo ng award, we are the best. Hindi e.

"Every day is a learning process and you really have to hone your craft. Hindi ka hihinto, kasi walang katapusan, e, yung matututunan natin.

"One thing I can share with you, ang labanan diyan, longevity, e. Hanggang kailan ka tatagal. Iyun ang pinakaimportante.

"That’s why you really have to hone your craft and make sure you love your career.”

Siyanga pala, salamat sa katotong Mell Navarro na naging conduit para mainterbyu si Cedrick sa DZRH.

Read: MMFF 2023 Gabi ng Parangal sidelights: Indie actor Cedrick Juan tinalo sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes, at Alden Richards

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos's advice to Cedrick Juan: "Hindi ibig sabihin na nanalo na tayo ng award, we are the best. Hindi e. Every day is a learning process and you really have to hone your craft. Hindi ka hihinto, kasi walang katapusan, e, yung matututunan natin."
PHOTO/S: Noel Orsal / @cedrickgjuan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results